Pinanatili niya ang cellphone sa kanyang teynga. Narinig niyang nagsisigawan ang mga kasama ni Polo. "Ilang ulit kitang binalaan Marga, pero pinilit mo talaga!" tila umiiyak na tinig ni Karen. "Hello Gayle?" Di siya sumagot dito. "Gayle? Sweetheart?" dinig niyang sabi ni Polo. Ngunit wala siyang lakas upang ibuka ang kanyang bibig. "Damn damn, I could kill you Marga for this! If something happened to my fiancee and my baby, I swear I will kill you myself!" dinig niyang banta nito. "Sweetheart please, wait for me there." sabi nito na nawala sa kabilang linya. Patuloy ang kanyang pagluha habang nakahiga sa harap ng manibela. Nahihilo siya to the point na halos ayaw na niyang dumilat. "Gayle? Wake up Sweetheart." naramdaman niya ang pagyugyog sa kanya. At ang pagkarga sa kanya. "W

