Kinabukasan ay kasama na siyang umuwe nito. Ngayon naman ay may isang problemang sumalubong sa kanya ng magising siya matapos na magpahinga. Medyo hilo siya dulot ng kanyang pagdadalangtao kaya ingat na ingat siyang bumaba. Nadatnan niyang nagkukumpolan ang pamilya ni Polo at si Polo mismo. Nasa harap ng mga ito ang umiiyak na si Marga. "Anong nangyayari dito?" tanong ko sa mga ito, they all look so sad. Tahimik ang mga ito na tumingin kay Marga na tila ba ay bahala na ang babae ang magpaliwanag. Kahit yata lumuha ng bato at pako ang babae sa harap niya ay di siya tatablan ng awa dito. Sa isip niya ay tinatawag niya itong maarte. "Im dying." sabi ng bruha na umiiyak. Napatitig siya sa katawan nito sa mukha, ito lang yata ang nasa bingit na ng kamatayan pero nagawa pang mag make up ng m

