Inubos niya ang araw sa pagri-review dahil exam nila kinabukasan. Kahit naman spoiled siya ay hindi rin naman niya pinapabayaan ang pag-aaral dahil alam niyang siya lang ang inaasahan ng daddy niya na sasalo sa responsibilidad nito sa mga negosyo nila kapag nakatapos na siya ng pag-aaral. Tinawagan siya ng Nana Minda niya para kumustahin siya. Alam na din nito na sa kaibigan muna siya tumutuloy. Si Blaire naman ay alam niyang mamaya pa uuwi dahil sa talyer daw ito namamalagi kapag walang pasok. Narinig niya iyong sabi ni Jose nu'ng isang araw. Natapos niya ang review sa subjects nila bukas nang bandang hapon na. Kinain niya ang tirang niluto ni Blaire kanina para tanghalian niya. Tumayo siya at inunat ang mga kamay pataas at minamasahe na rin ang leeg niya pagkatapos. Alas singko pasado

