bc

THE BRATINELLA'S KARMA

book_age18+
15.6K
FOLLOW
73.4K
READ
billionaire
confident
princess
heir/heiress
sweet
bxg
bold
campus
office/work place
stubborn
like
intro-logo
Blurb

" I-I'm sorry about what happened," alanganing sabi nya.

Tumigil ito sa ginagawa at tumigin sa kanya.

" Miss, kung nasabihan mo ako ng mas maaga, di sana mas maayos ang kissing scene natin," walang emosyong sabi nito at ipinagpatuloy na uli ang pagpapalit ng gulong ng kotse nya.

Bigla siyang nainis sa sinabi nito.

" And you think gusto ko iyong ginawa ko? I had no choice. In fact, this is your lucky day. You're my first kiss, alam mo ba iyon? I didn't want my first kiss to be like that."

Tumigil ito uli sa ginagawa. Agad na lumapit ito sa kanya.

" So, ano'ng ini-imagine mong first kiss mo? Pwde nating gawin uli iyon para maging memorable naman saiyo," parang inis na rin ang boses nito.

Bigla siyang natakot lalo't ilang dipa na lang ang layo ng mga mukha nila. Hinawakan nito ang baba nya. Pumikit siya nang mariin dahil sa kaba. Nanginginig na siya sa takot. Hinintay nya na hahalikan siya nito nang marahas pero hindi ito kumikilos.

Dumaan muna ang ilang segundo bago ito nagsalita uli.

" Don't worry, Miss. Hindi ang tipo mo ang type ko kaya't never mong matitikman uli ang mga labi ko," paanas na sabi nito saka marahang binitiwan ang baba nya.

Napadilat siya sa narinig. Parang naiinsulto siya sa sinabi nito. Hindi siya sanay na nari-reject ng lalaki. Halos lahat ng lalaki sa school nila ay nagkakandarapa sa kanya at sasabihan lang sya na di siya type ng isang mekaniko?

chap-preview
Free preview
KABANATA 1
Nasa loob siya ng kotse nya at kitang-kita nya ang pagiging sweet ng dalawang taong kalalabas lang ng isang coffee shop. Parang tukong nakakapit pa sa braso ng lalaki ang babae. Bago sumakay ng kotse ang mga ito ay nakita pa nya nang halikan nang mabilis ng babae ang lalaki sa lips. Mahigpit na napahawak lang siya sa manibela ng kotse nya. Parehong kilala nya ang dalawa. Ang lalaki ay ang kasalukuyang boyfriend nya at ang babae naman ay ang malandi nyang stepsister. Hindi nya ugaling sumugod kaya’t hinayaan nya lang ang dalawa. Mas gusto nyang maghiganti nang hindi nag-eeskandalo. Hindi nya pinapatulan ang mababa na level ng stepsister nyang si Wendy. Ikaapat na boyfriend na nya si Scott na nilandi ng babae. Simula nang tumuntong ito sa bahay nila ay wala na itong ginawa kundi guluhin ang mundo nya. Mabilis na pinaandar na nya ang kotse at umalis sa lugar na iyon bago pa nya maisipang bumaba at sabunutan ang babae. May nakapagsabi sa kanya tungkol sa dalawa kaya’t palihim na sinundan nya ang kotse ng boyfriend at doon nga ito nakipagkita kay Wendy. Naghintay siya nang halos isang oras bago lumabas uli ang mga ito. Limang buwan pa lang silang magboyfriend ni Scott at bumigay na agad ito sa kalandian ng stepsister nya. Hindi nya alam kung bakit lahat ng nagiging boyfriends nya ay sinusulot nito. Alam nyang hindi talaga sila nagkakasundo kahit kailan. Alam nya ang gustong palabasin ng babae. Gusto nitong ipaalam sa kanya na kaya nitong agawin ang lahat ng meron siya. Una na nitong inagaw sa kanya ang atensiyon ng daddy nya. Sa apat na boyfriends nya, ang pinakamatagal na naging relasyon nya ay sampung buwan lang. Ang dahilan ng pakikipaghiwalay nya sa lahat ng mga iyon ay si Wendy. Ayaw nga ‘ata nitong patahimikin ang buhay nya. Buti na lang ay walang maipagmamalaki ang mga naging boyfriends nya dahil hindi man lang naka-first base sa kanya ang mga iyon, hanggang halik sa pisngi at holding hands lang ang nagawa ng mga iyon sa kanya. Alam nyang wala siya ni isang minahal talaga sa mga naging boyfriends nya pero masakit pa rin sa loob nya lalo’t ang laging dahilan ay si Wendy. Tinigil nya ang sasakyan sa isang park at nagpalipas muna ng galit doon. Bigla ay nag-flashback sa utak nya ang simula ng kanyang kalbaryo ngayon. Nasa veranda siya at sinusuklayan ng Nana Minda nya. Si Nana Minda nya ay ang yaya nyang nag-alaga sa kanya simula nang isilang siya. Ito na ang tumatayong ina nya dahil namatay sa panganganak sa kanya ang mommy nya. Kwarenta anyos na ito at walang sariling pamilya. Ang mga kamag-anak nito ay nasa probinsiya lahat. Nana Minda ang tawag nya dito dahil hindi nya mabigkas ang salitang yaya noon. Ang tanging mabigkas nya lang ay ang salitang Nana at hindi na iyon nabago hanggang sa lumaki sya. Siya si Shauntel Zoey Alcantara. Siya ang natatanging anak ng ama nya dahil mula nang mamatay ang ina nya ay hindi na ito nag-asawa uli. Ibinuhos nito ang atensiyon sa kanya. Naging busy din ito sa pamamahala ng kabi-kabila nilang negosyo dahil gaya nya ay nag-iisang tagapagmana din ito ng Lolo’t Lola nya na pareho na ring wala. Ang mga pamilya naman ng ina nya ay nasa ibang bansa na halos lahat kaya’t wala din syang mga malalapit na mga kamag-anak. Sagana siya sa lahat ng luho. Lahat ng gusto nya ay nakukuha nya. Nasa ikalimang baitang na sya ng elementarya at kasalukuyang nag-aaral sa isang sikat na paaralan sa Maynila. “ Nagugutom ka na ba? Ipaghahanda kita ng meryenda mo,” maya-maya ay tumigil na sa pagsuklay ng buhok nya si Nana Minda para tanungin siya. “Yes, po,” nakangiting lumingon siya sa yaya nya. “ Okay, sige. Ano ba’ng gusto mong kainin?” tanong nito nang makatayo na. “ Ikaw na ang bahala po, Nana. You know naman my favorites,” maikling sagot nya at siya na ang nagpatuloy sa pagsusuklay ng hanggang beywang nyang buhok. “ Okay, iha,” maagap na sagot nito saka pumasok papuntang kusina. Narinig nya ang pagbukas ng gate at tunog ng kotseng paparating. Alam nyang sa daddy nya iyon. Mabilis na tumayo sya at ngumiti. Hindi nya kasi alam na uuwi ito ngayon. Halos isang buwan kasi itong wala dahil sa isang business trip. Hindi naman nito sinabi na uuwi ito nang tawagan siya kaninang umaga. Mabilis na tumakbo siya sa harap ng kotse at hinihintay na lumabas ito. Anlaki ng ngiti nya dahil miss na miss na nya ang daddy nya. “ Hi, my princess!” nakangiting bati ng daddy nya nang makababa ito ng kotse. Gustong-gusto na nya itong takbuhin at yakapin pero hindi siya umaalis sa kinatatayuan at hinintay itong makalapit sa kanya. Imbes na lumapit agad ay gumawi ito sa kabilang pinto ng kotse at binuksan iyon. May bumaba na isang sexy na babae na inaalalayang bumaba ng ama nya. Agad na napalis ang ngiti sa mga labi nya at nakakunot-noong napatitig sa babae. Lumingon ito sa kanya at ngumiti pero tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Pumunta naman ang daddy nya sa pinto sa likod ng kotse at binuksan din iyon. May bumaba namang batang babae na halos kasing-edad nya. Mas lalo siyang hindi nakaalis sa kinatatayuan nya. Ito ang unang beses na nagdala ng babae ang ama nya sa bahay nila na may dalang bata pa talaga. Biglang parang naging blangko ang utak nya. Ayaw nyang papasukin ang mga hinala sa utak nya. Hihintayin nyang manggaling ang kumpirmasyon sa ama. Agad na inakbayan ng ama nya ang dalawa habang nakangiting tumingin sa kanya. Inakay nito ang mga panauhin para makalapit sa kinaroroonan nya. Bago pa man makalapit ang mga ito nang tuluyan sa kanya ay lumingon ito sa hardinero nila na nagbukas ng gate at nag-utos. “ Berto, pakibaba nung mga bagahe sa loob ng kotse at pakipasok sa loob,” pagkasabi noon ay humarap uli ito sa kanya nang nakangiti. Bagahe? Ipinilig nya ang ulo dahil gusto nyang iwaksi ang sinasabi ng utak nya. Nang nasa harap na nya ang mga ito ay biglang bumitiw sa pagkakaakbay sa dalawa ang daddy nya saka siya niyakap nang mahigpit. “ I missed you, my princess,” sabik na sabi nito habang mahigpit siyang niyakap. Para siyang estatwa lang na di pa rin makakilos. “ How’s my favorite person in the world?” nakangiting tanong ng ama nya na hinawakan na ang magkabilang pisngi nya saka siya hinalikan doon. “ I-I’m fine, daddy,” sa wakas ay nahanap nya ang boses nya. Agad na bumaling ang mga mata nya sa dalawa sa likod ng daddy nya. Nakita nya na mataman din syang pinagmamasdan ng batang babae. Maganda din ito katulad ng babae sa tabi nito. Sa tingin nya ay mag-iina ang mga ito. Ang tanong, eh, nasaan iyong asawa at ang ama? Napansin ng ama nya ang tinitingnan nya kaya’t nakangiting lumingon ito at inakay siya papalapit sa dalawa. “ Princess, meet Adriana and her daughter, Wendy,” pagpapakilala nito sa dalawa. “ This is my lovely daughter, Shauntel,” pakilala naman nito sa kanya. Nakita nyang ngumiti nang pagkatamis-tamis ang babae na sa hula nya ay nasa mid thirties lang. Malaki ang agwat ng edad nito sa daddy nya na forty-five ang edad. Lumapit sa kanya ang babae at hinalikan siya sa pisngi. “ Finally! Nakilala ka na rin namin. Lagi kang bukambibig ng ama mo. Ang ganda mo ngang bata,” sabi pa nito pagkatapos siyang halikan sa pisngi. “ Batiin mo ang magiging kapatid mo, Wendy,” utos ng babae nang hindi kumikilos ang bata sa tabi nito. Magiging kapatid? Agad na napabaling ang tingin nya sa ama. Nakita nya na parang kinakabahan din ito na pinagmamasdan ang reaksiyon nya. Magsasalita na sana siya nang biglang lumapit ang batang babae at niyakap siya. Nabigla siya kaya’t hindi siya gumanti ng yakap dito. Nakita nyang ngumiti ito pagkatapos pero hindi nagsasalita. “ D-dad?” nagtatanong ang mga mata nya na bumaling sa ama. Litong-lito na siya at hindi alam kung ano ang dapat na magiging reaksiyon dahil may ideya na siya kung ano ang nangyayari. Nawala ang ngiti sa mga labi ng ama at pumalit ang kaba. “ Pasok muna tayo lahat sa loob,” sabi nito na inakay na ang dalawang panauhin. Hinawakan din nito ang isang kamay nya habang papasok sila sa loob.  Tulala pa rin siyang nakatitig sa mukha ng ama nang kumpirahin nito ang nasa isip nya. “ We are getting married next month. May magiging mommy ka na. Alam kong sabik ka sa kalinga ng isang ina at ngayon ko lang maibigay iyon saiyo. I met Adrianna when I was in Cebu last year and we were keeping in touch for a year. I decided to visit her again when I had my business trip in Cebu. She is not married although she has a daughter so I offered her marriage since we feel something for each other na. Wendy will be your sister from now on,” mahabang paliwanag ng daddy nya. Tahimik lang na nakaupo ang mga ito sa sofa habang kinakausap siya ng ama. Hindi siya umimik pero naghihimagsik ang kalooban nya. “ Princess,” mahinang tawag ng ama nya nang hindi pa rin siya nagsasalita. Nararamdaman nyang aagos na ang mga luha sa mga mata nya kaya’t agad na tumayo siya at tumakbo papunta sa kwarto nya sa taas. “Shauntel!” tawag ng daddy nya. Hindi na nya ito nilingon at tuloy lang sa pagtakbo. Narinig pa nya nang awatin ito ng babae. “ Hayaan mo na muna siya. Nabigla lang iyon,” narinig pa nyang sabi nito sa ama nya. Agad na ni-lock nya ang pinto at dumapa sa kama habang umiiyak. Hindi nya matanggap na may ibang babae sa buhay ng ama. Alam nyang mahal na mahal nito ang ina nya dahil araw-araw nitong sinasabi sa kanya. Hindi man nya nakasama ang mommy nya pero parang nakapiling din nya ito sa paglaki nya dahil sa mga kwento ng daddy nya. Lagi nitong ipinapakita sa kanya ang album na puro pictures ng mommy nya. Nagkulong siya buong araw sa kwarto. Kahit anong katok ng ama nya at ni Nana Minda nya ay hindi siya lumabas para kumain. Kumakalam na ang sikmura nya dahil mag-aalas sais na ng gabi at ang last nyang kain ay iyong breakfast nya kanina. Tumihaya siya at tumitig sa kisame. Alam nyang mugtung-mugto ang mga mata nya. Nahihirapan pa siyang huminga dahil sinipon na siya sa kaiiyak. Biglang may narinig siyang mahihinang katok. “ Shaun,” narinig nya ang boses ni Nana Minda. “ May dala akong pagkain dito. Alam kong gutom ka na. Buksan mo na ang pinto, anak,” nakikiusap na sabi nito. Tinitigan nya ang pinto at nag-iisip kung bubuksan ba iyon. Biglang kumalam nang malakas ang tiyan nya. Hinawakan nya iyon. Hindi siya sanay na nalilipasan ng gutom kaya’t dahan-dahang tumayo na rin siya para buksan ang pinto. Nakangiting mukha ng yaya nya ang nabungaran nya at may dalang isang tray ng pagkain para sa kanya. Hindi na ito naghintay na papasukin nya at kusa na itong pumasok sa loob. Inilagay nito ang tray ng pagkain sa mesa nya at umupo sa kama nya. “ Halika nga dito. Tingnan mo iyang hitsura mo sa salamin, nakakatakot,” nanunuksong sabi nito na nakangiti pa rin. Lumapit sya dito at tumigil saglit at tiningnan ang mukha sa salamin. Sabog-sabog ang buhok nya sa mukha nya at magang-maga ang mga mata. Pero kahit ganun ang hitsura nya ay di pa rin maikakaila ang kagandahan nyang namana nya sa ina. May dugong kastila kasi ang ina nya at ang ama nya ay may hitsura din. Hinila siya sa kamay ni Nana Minda saka pinaupo sa kama. Tinali muna nito ang buhok nya saka binigay sa kanya ang platong puno ng pagkain. Hindi umimik na tinanggap nya iyon at mabilis na sumubo. Gutom na gutom talaga siya. Wala siyang narinig na salita mula dito hanggang sa matapos siyang kumain. Kinuha nito ang platong wala ng laman at ibinigay ang baso ng tubig sa kanya. Agad na ininom nya iyon. “ Gusto mo ba’ng pag-usapan natin ang tungkol sa planong pagpapakasal ng daddy mo?” malumanay na tanong nito nang maitabi na ang pinagkainan nya. “ How could he do this to me, Nana? Bakit nya papalitan si Mommy? Sabi nya mahal na mahal nya ang mommy ko pero bakit magpapakasal siya sa iba?” may hinanakit sa boses nya nang sabihin iyon. Bumuntunghininga muna ang yaya nya saka siya hinagod sa likod. “ Hindi mo ba napapansin na minsan malungkot ang daddy mo? Mahigit sampung taon na mula nang mawala ang mommy mo at ni minsan ay hindi siya nagka-girlfriend. Inalagaan ka nyang mabuti kahit sobrang busy din siya sa negosyo niyo. Tumatanda na rin ang daddy mo at kailangan nya rin ng mag-aalaga sa kanya. Hindi naman ibig sabihin noon na hindi na nya mahal ang mommy mo,” mahabang paliwanag nito. “ But I can take care of him,” maagap na sabi nya. “ Masyado ka pang bata. Ang kailangan nya ay isang babae na magiging katuwang nya sa buhay, sa pag-aalaga saiyo. Hindi mo ba nakikita ang kasiyahan sa mukha nya?” Hindi siya nakaimik. Kahit laging nakangiti ang daddy nya kapag magkasama sila ay napapansin nya ang kakaibang sigla sa mga kilos nito kanina. Kahit musmos lang siya ay alam nyang ang pinakadahilan ng kakaibang kasiyahan na iyon ay ang babaeng ipinakilala nito sa kanya. “ Alam kong maiintindihan mo rin ang daddy mo balang araw. Ang importante ay masaya ang daddy mo sa desisyon nya. Alam kong mahal na mahal mo ang daddy mo at gusto mo siyang maging masaya, di ba?” tiningnan ng yaya nya ang mukha nya. Tumingin din siya sa babae at hindi na nagsalita pa. Lagi nyang nakikita ang nakangiting mukha ng ama nanag ipakilala nito ang mag-ina sa kanya. Parang may humaplos sa puso nya sa tuwing naiisip ang kakaibang kislap ng mga mata nito kanina. “ Oh, siya, ayusin mo na sarili mo para makapagpahinga ka uli. Pag-isipan mong mabuti ang sinabi ko saiyo,” tumayo na ang yaya nya at kinuha na ang dalang tray kanina. Tumingin pa muna ito sa kanya nang matagal nang nasa may pintuan na ito bago isara iyon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Possessive Boss (R18 Tagalog)

read
579.6K
bc

Wandering One

read
23.9K
bc

The Innocent Playgirl (R18 Tagalog)

read
487.3K
bc

Unwanted

read
534.6K
bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
59.9K
bc

Scandalous Affair (Tagalog/Filipino)

read
1.5M
bc

Married To A Billionaire

read
1.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook