Just an ek ek girl na walang magawa...
Nagsusulat po ako para pakiligin din ang sarili ko.
Check my facebook account for more updates about stories that are not posted here.
FACEBOOK NAME: JEWILJEN NEWFB
Enjoy Reading po!!!
Dahil sa kahibangan nya kay Andrew, may diary si Ashley na naglalaman ng mga eksenang bunga lang ng kanyang imahinasyon.
Sa diary na iyon ay kanyang-kanya si Andrew kahit pa nga hindi naman nito alam na nag-eexist siya sa mundo.
Sikat ito sa school nila at higit sa lahat, mahal na mahal nito ang girlfriend nitong si Trixie. Hindi na rin naman siyang umaasang mapapansin nito dahil alam nyang imposible iyon kaya sa diary na lang siya nagpapantasya.
Okay naman sana ang lahat kung hindi lang isang araw ay biglang nawala ang diary nya! At nagulat na lang siya nang kumalat na sa buong campus ang kopya nun at ang mas malala pa ay umabot din ito kay Andrew!
Paano ba nya matatakasan ang kahihiyang dulot ng kahibangan nya dito?
(PLEASE DON'T FORGET TO HEART THIS SO U WILL BE UPDATED PO SA MGA NEW CHAPTERS AND PLS DON'T FORGET TO FOLLOW ME )
Paano kung nalaman mong ikaw ang nararapat na tagapagmana ng kaharian ng Miharla?
Kailangang itago ng taong nagligtas sa'yo ang iyong katauhan sa likod ng pangit na mukha. Sa pamamagitan ng isang babae ay unti-unti mong natuklasan ang iyong tunay na pagkatao.
Siya si Selendrino, ang prinsipe ng Miharla. Lumaki siyang nasanay na sa panlalait ng mga tao dahil sa pangit niyang kaanyuan.
Ngunit sa isang halik ng babaeng tunay na nagmamahal sa kanya ay lumalabas paunti-unti ang totoo niyang mukha.
Kailangan niyang bawiin ang kaharian sa kamay ni Haring Gazin na siyang pumatay sa ama niyang hari.
Dapat niyang iligtas ang inang reyna kay Haring Gazin.
Maraming pagsubok ang dinaanan niya para lang ipaglaban ang dapat ay sa kanya.
Paano kung hindi mo rin alam kung sino sa dalawang babae ang nakapag-alis ng sumpa?
Si Prinsesa Izazna na siyang kinikilalang anak ng ina niya? O ang matalik na kaibigang si Aniyah?
Kaninong halik kaya ang nagsilbing susi para malantad ang tunay niyang katauhan?
" I-I'm sorry about what happened," alanganing sabi nya.
Tumigil ito sa ginagawa at tumigin sa kanya.
" Miss, kung nasabihan mo ako ng mas maaga, di sana mas maayos ang kissing scene natin," walang emosyong sabi nito at ipinagpatuloy na uli ang pagpapalit ng gulong ng kotse nya.
Bigla siyang nainis sa sinabi nito.
" And you think gusto ko iyong ginawa ko? I had no choice. In fact, this is your lucky day. You're my first kiss, alam mo ba iyon? I didn't want my first kiss to be like that."
Tumigil ito uli sa ginagawa. Agad na lumapit ito sa kanya.
" So, ano'ng ini-imagine mong first kiss mo? Pwde nating gawin uli iyon para maging memorable naman saiyo," parang inis na rin ang boses nito.
Bigla siyang natakot lalo't ilang dipa na lang ang layo ng mga mukha nila. Hinawakan nito ang baba nya. Pumikit siya nang mariin dahil sa kaba. Nanginginig na siya sa takot. Hinintay nya na hahalikan siya nito nang marahas pero hindi ito kumikilos.
Dumaan muna ang ilang segundo bago ito nagsalita uli.
" Don't worry, Miss. Hindi ang tipo mo ang type ko kaya't never mong matitikman uli ang mga labi ko," paanas na sabi nito saka marahang binitiwan ang baba nya.
Napadilat siya sa narinig. Parang naiinsulto siya sa sinabi nito. Hindi siya sanay na nari-reject ng lalaki. Halos lahat ng lalaki sa school nila ay nagkakandarapa sa kanya at sasabihan lang sya na di siya type ng isang mekaniko?
TEASER
Kinakabahan siya habang nakahigang naghihintay sa kama na walang ibang suot kundi ang manipis na nighties.
Gusto nyang umatras pero napasubo na siya. Napalunok pa siya nang ilang beses.
Maya-maya lang ay darating na si Riley. Kailangan nyang isagawa ang plano nya pero mapapanindigan nya kaya iyon?
Kailangan nyang akitin ang bestfriend nya. May malalim na dahilan kung bakit nya gagawin iyon.
Ang tanong....maaakit nya kaya ito? or ipapahiya lang nya ang sarili at tuluyang masisira ang pagkakaibigan nila?
Nasa ganun siyang pagmumuni-muni nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto at nakita nya doon si Riley na gulat na nakatingin sa kanya.
" What are you doing here? At bakit ganyan ang suot mo?" nagtatakang tanong nito.
Napalunok na naman siya. Tingin nya ay mapapahiya nga lang siya sa binabalak nya dahil wala namang indikasyon sa mukha nito na naaakit ito habang nakatingin sa kanya.
(PLEASE DON'T FORGET TO HEART THIS AND PLS DON'T FORGET TO FOLLOW ME )