" Mga walanghiya talaga iyang mag-inang iyan!" galit na sabi ng Nana Minda niya matapos niyang ikwento ang lahat. Nalaman na rin nito na invalid ang kasal ng daddy niya kay Adrianna. Nang humupa na ang galit nito ay naaawang niyakap siya ng matandang babae. " Hindi ko alam na grabe na pala ang paghihirap mo dito. Mabuti na lang at matatag ang loob mo. Alam ko na kahit noong bata ka pa na hindi ka basta-basta sumusuko. Proud ako at kinaya mo ang lahat," naiiyak na sabi nito. Inaalo na lang niya ito. Wala na siyang maiiyak pa. Ang tanging nag-uumapaw sa kanya ngayon ay ang pasasalamat na naging mabuti na rin ang kalagayan ng ama. Sinabi niya na pwede na itong umuwi sa probinsiya o dili kaya ay maghanap ng ibang mapapasukan nito dahil hindi na niya kayang mapapaswelduhan ito kada buwan. N

