Ihahatid sana siya ni Blaire sa kanila pero tumanggi siya dahil alam niyang andu'n si Wendy. Ayaw niyang magka-ideya ang stepsister niya kung saan talaga siya tumira ng tatlong linggo. Alam niyang kapag nalaman nito iyon ay magsusumbong na naman ito sa daddy niya. Alam naman niyang pakikinggan ng daddy niya ang dahilan niya pero ayaw lang talaga niyang dumagdag sa alalahanin nito. Pinahatid na lang siya sa taxi ni Blaire pauwi sa kanila. Nag-aabang na sa labas ng gate ang Nana Minda niya nang dumating ang taxi na sinasakyan niya. Agad na niyakap siya nito nang makababa nang tuluyan. " Namiss kita, anak. Mukhang okay na okay naman pala ang kalagayan mo du'n sa tinirhan mo," nakangiting sabi nito pagkatapos siyang yakapin nang mahigpit. Hinawakan pa nito ang mukha niya at hinahawi ang buho

