KABANATA 10

2623 Words
Ang Katahimikan sa Gitna ng Sigaw Ang malamig na buhos ng tubig mula sa shower ay dumadampi sa makinis na balat ni Salvi, parang mga daliring dumuduyan sa kanya pabalik sa kahapong hindi niya kayang bitawan. Nakapikit ang kanyang mga mata, ang mga labi’y bahagyang nakangiti, habang hinahayaang lamunin siya ng alaala. Ninamnam niya ang init ng mga sandaling nagdaan—ang bigat ng bisig ni Hector sa kanyang balikat, ang mapusok na halik sa kanyang leeg, ang ungol nitong sinasambit ang kanyang pangalan habang sila’y magkahugpong sa gitna ng alon at katahimikan. Bawat haplos, bawat pagdikit ng balat nila, ay parang pintig ng pusong matagal nang nakakulong sa dibdib at ngayo’y pinakawalan na. It wasn’t just lust. It was surrender. Sure siya. Sure na mahal siya ni Hector. Hindi kailangang banggitin ng lalaki ang salitang "I love you". She felt it—in the way he held her like she was precious and dangerous all at once. Sa mga mata nito, si Salvi ay hindi bata, hindi responsibilidad. Isa siyang babae. Isang lihim. Isang kasalanang hindi na nito kayang iwasan. Pero hanggang kailan? Hindi sigurado si Salvi. Hindi niya alam kung saan patungo ang relasyong ito, ngunit isang bagay ang sigurado siy. he had already fallen. She had fallen completely, recklessly, irrevocably. At iyon ang masakit. Sapagkat kahit anong ligaya ng kasalukuyan, may takot pa rin sa likod ng kanyang isip. Ang takot na baka ito'y panandalian lamang. Na baka sa isang iglap, magising siya sa isang mundong hindi na siya pinipili. Hindi na niya ininda ang tingin ng iba. Hindi niya kailangan ng basbas ng ama, lalo na't mula pagkabata'y tila hindi siya kailanman naintindihan nito. Pero si Hector... Paano kung siya mismo ang hindi kayang ipaglaban si Salvi? Napailing siya, tinataboy ang agam-agam. Call me selfish, bulong niya sa sarili, pero masaya ako ngayon. And that should be enough. Napailing siya. Call me selfish, bulong niya, pero masaya ako ngayon. And for once, I want to choose what makes me happy. Pagkatapos maligo, agad siyang nagbihis—isang manipis at malambot na puting t-shirt na humahapit sa kanyang katawan, halos lantad ang hulma ng kanyang dibdib, at isang maiksing dolphin shorts na itim. Wala siyang suot na bra, at ang kanyang buhok ay basa pa, kumakapit sa kanyang batok at balikat. Lumabas siya ng silid na may halong kaba at pananabik. Gusto niyang makita si Hector. Gusto niyang ipaalam sa kanya na hindi lang siya pisikal na nakiisa sa kanya kanina—buong-buo ang pagbibigay niya. Ngunit walang tao. Tahimik ang buong bahay. Wala si Mira, wala ring naririnig na kahit anong boses. “Nasaan kaya sila?” tanong niya sa sarili, habang palinga-linga sa paligid. Lumakad siya sa dulo ng hallway at natigilan sa tanawin ng pamilyar na pintuang laging sarado. Ang silid na may hangin ng lihim at pagbabawal. Kumirot ang kuryosidad sa dibdib niya, ngunit pinili niyang huwag. Hindi ngayon. Hindi sa panahong pinipilit niyang maging tama para kay Hector. Ayaw niyang sirain ang tiwala ni Hector. Hindi ngayon. Hindi sa panahong ito na tila nagsisimula pa lang silang umusbong. Kinabukasan, nagising siyang may bagong layunin, ang pasayahin ang taong mahal niya. Sa kusina, niluto niya ang herbed garlic fried rice, buttered scrambled eggs with chives and cream cheese, crispy bacon strips, at piniritong saging na may muscovado at cinnamon. Sa tabi ng tray, inilagay niya ang isang tasa ng kapeng barako at isang maliit na bulaklak mula sa hardin. Hindi naman siya ignorante pagdating sa gawaing bahay. Sa katunayan, Culinary Arts ang tinapos niya—kaya’t bihasa siya sa pagluluto, hindi lang basta luto kundi iyong may puso at sining. Alam niya kung paano kikilitiin ang panlasa ni Hector, lalo’t napansin niyang mapili ito sa pagkain—metikuloso sa timpla, sensitibo sa rekado. Isa iyon sa mga paraan kung paanong nararamdaman niyang mas napapalapit siya rito—sa bawat pagkaing inihahain, para na rin siyang unti-unting nagpapakilala sa lalaking pilit niyang sinisilip sa likod ng katahimikang nagtatago ng damdamin. Ngunit dumaan siya sa dining area, nadatnan niya si Manang Fe. “Gising na po ba si Hector?” Napalingon sa kanya si Manang Fe. Saglit itong natigilan, at kasabay ng pagbabago ng ekspresyon ay ang mabigat na pagtatama, “Si… Ninong Hector mo, Ma’am?” Napakagat si Salvi sa ibabang labi. Damn. Nakalimutan niyang wala pang alam ang mga tao sa bahay. Wala pang pormal na pahayag si Hector tungkol sa kung ano man ang meron sa kanila—kung meron man talaga. Bigla siyang nakaramdam ng kaba, at bahagyang kirot sa loob. Bakit nga ba hindi pa sinasabi? “Ah... oo, si Ninong Hector,” paglihis niya, pilit na ngumiti. May bahagyang pag-iling si Manang Fe bago muling nagsalita. “Maaga pong umalis si Sir Hector kanina. Alas-singko pa lang ng umaga, nakaalis na po. Wala pong iniwang mensahe kung saan pupunta.” Nalaglag ang hawak na kutsara ni Salvi. Tumunog ito sa tray na parang pinal na tunog ng pag-asa. Buo ang araw, naghintay siya. Hanggang sa lumiwanag, tumirik ang araw, at muling lumalim ang dilim. Wala pa rin si Hector. Hindi siya makontak, hindi sumasagot sa mga tawag at mensahe. Tahimik ang buong bahay. Ang dating masiglang espasyo, ngayo’y mistulang abandonadong templo—walang yabag, walang pag-uusap, walang bakas ng buhay kundi ang kanyang paghinga. Mag-isa na lang siya. Nagsibalikan na sa kabilang villa ang mga kasambahay. Iniwan siyang parang alaala na hindi na binalikan. Tahimik din ang dagat. Wala man lang simoy ng alon na dati’y tila may awit para sa kanya. Ngayon, tila pati ang karagatan ay nagtatampo—ayaw makipag-usap, ayaw makinig. Ang dating kaibigan ng gabi ay ngayo’y naging estrangherong malamig at mailap. “Nasaan ka ba, Hector?” bulong niya, habang palakad-lakad sa lobby. Ang tinig niya’y mahina, pilit tinatabunan ang pintig ng puso niyang hindi mapakali. Sa bawat yapak niya sa marmol, parang mas lalong sumisigaw ang katahimikan. Parang siya lang ang natirang gumagalaw sa mundo, habang lahat ay tumigil sa isang eksenang hindi niya maintindihan kung paano nagsimula, o kung kailan matatapos. At nang sa wakas ay dumating si Hector kinabukasan, hindi ito ang lalaking iniwan niyang yakap ang katawan sa yacht, hindi ang lalaking buong gabi niyang iniisip habang pilit pinapatulog ang pusong naglalakbay sa alaala ng mga halik nito. Ibang tao na ang kaharap niya. Suot nito ang isang puting button-down shirt na plantsadong-plantsado, bahagyang nakabukas ang unang butones, at slacks na halatang sinadya—hindi gaya ng dati, na kahit nakapambahay ay mukhang hindi kayang takasan ng awra ng lakas at alindog. Ngayon, galing ito sa mahalagang pagpupulong. Hindi siya makahinga habang nakatanaw mula sa hagdan. “Hector...” mahina niyang sambit, puno ng pag-asang kahit papaano, lilingon ito. Kahit konting sulyap. Kahit isang pilit na ngiti. Ngunit dumaan lang ito. Diretso ang lakad, malamig ang mata. Parang hangin lang siya. Parang hindi siya nandoon. Parang hindi sila kailanman naging "sila." Sinundan niya ito ng ilang hakbang, naninikip ang dibdib. “Hindi ka man lang nagsabi…” Bigla itong huminto. Saglit lang, pero sapat para umasa siyang babaling ito, haharapin siya, yayakapin kahit isang beses lang. Ngunit nang magsalita ito, hindi lambing ang tumama sa kanyang pandinig—kundi ang talim ng distansyang hindi niya maintindihan kung kailan itinayo. “Busy ako, Salvi.” Isang malamig na titig. Isang boses na walang buhay. At saka ito tuluyang naglakad papalayo, papasok sa study nito, tuluyang isinara ang pinto ng pagitan nilang dalawa. Hindi na niya napigilan ang panginginig ng kanyang mga labi. Tila may nagkamot ng sugat sa kanyang puso—hindi pa nga natutuyo, muling sinugatan. Tumitig siya sa pintong isinara sa harapan niya. Ang mga mata’y namuo ng luha, ngunit ayaw pang umagos. Parang ang puso niya—puno na, pero pilit pa ring humahawak sa pag-asang baka hindi ito totoo. “Bakit?” bulong niya, halos wala nang tinig. Hindi niya alam kung para kanino ang tanong—para kay Hector, para sa sarili, o para sa damdaming tila bigla na lang binura, pagkatapos isulat gamit ang apoy. At tulad ng apoy, mabilis itong naglaho, iniwan siyang nilalamon ng abo ng kung anumang relasyong binuo nila sa pagitan ng pagnanasa at pag-asang totoo nga ang lahat. Buong araw, hindi siya bumaba. Hindi siya kumain. Hindi siya lumabas ng kanyang kwarto. Iniisip niya, baka pagsubok lang ito. Baka sinusubok sila ng tadhana—na baka sa huli, kapag hindi siya sumuko, mananatili pa rin si Hector sa tabi niya. Ngunit parang latay sa kaluluwa ang mga salitang narinig niya mula sa ibaba. “Let her starve.” Walang emosyon. Walang pakundangan. Walang pakialam. Narinig niya iyon—dahil ang totoo, hindi siya nagkulong buong araw. Nasa sala lang siya. Nakaupo sa pinakadilim na sulok, tahimik na naghintay, umaasang tatawagin siya nito, lalapitan, yayakapin, o kahit titigan man lang. Pero hindi. Walang Salvi sa mga mata ni Hector—wala siyang mukha, wala siyang pangalan, wala siyang halaga. At mula noon, naging paulit-ulit na lang ang senaryo—tahimik na hapunan na puno ng ingay ng mga hindi binibigkas na salita. Malalamig na titig na mas masakit pa sa sigaw. Mga araw na parang nakalutang siya sa isang bahay na hindi na kanya. Wala na ang Hector na yumakap sa kanya sa gitna ng dagat. Wala na ang init ng mga daliri nitong minsang gumuhit sa kanyang balat na parang sining. Wala na ang mga bulong sa kanyang tenga na minsang nagsabing, “I got you.” Ngayo'y tila ibinagsak siya, iniwan sa sahig, durog. Gabi. Tahimik na gabi ang bumalot sa kanya. Naupo siya sa gilid ng kama, ang mga paa'y nakalaylay, hubad sa malamig na sahig. Sa tabi niya, isang lampara ang nagbibigay ng malamlam na liwanag—kulay amber, parang sinag ng araw na pilit isinusuksok ang sarili sa pagitan ng ulap ng bagyo. Ang liwanag nito’y nagpapatingkad sa lungkot sa kanyang mukha—mga matang namumugto, pulang-pula sa kapipigil ng luha. Mga labing hindi na makangiti. Mga kamay na hindi na alam kung sino ang dapat hawakan. Dahan-dahang pumatak ang luha mula sa kanyang mata. Walang hikbi. Tahimik. Hindi siya umiiyak dahil iniwan siya. Umiiyak siya dahil hindi siya pinili. At ito ang unang beses na naramdaman niyang masakit pala ang magmahal. Hindi ito tulad ng sa mga libro. Hindi ito romansa na may kasamang ulan at mga habol. Ito’y katahimikan sa gitna ng sigaw ng damdaming hindi pinakinggan. Ito’y pagkatulala sa kisame, iniisip kung anong kulang, kung saan siya nagkamali, kung bakit hindi siya sapat—hindi para sa isang estrangherong lalaki, kundi para sa lalaking pinili niyang mahalin nang buo, nang walang kondisyon, nang buong tapang. At sa katahimikang iyon, may umuukit sa kanyang dibdib—isang tanong na hindi matutumbasan ng kahit anong sagot. Bakit hindi ako sapat para piliin? Mayamaya, may tunog ng pagbukas ng pinto sa hallway. Tumayo siya, kinuha ang robe at sumilip. Walang tao. Ngunit sa dulo ng pasilyo—doon sa bahaging madalas niyang iwasan, sa pinto ng kwartong laging nakakandado at tila itinatago ng buong villa—nakabukas ito. Bahagya lang. Sapat upang maaninag ang loob. At sa pintuan, nakatayo si Hector. Tahimik. Hindi gumagalaw. Ang mga mata nito ay tila tinangay ng hangin ng nakaraan—malalim, mapurol, pagod. Para bang sa kabila ng matikas nitong tindig ay may bahaging gustong gumuho, pero pilit itinatayo ng konsensya. Nagkatinginan sila. Walang nagsalita. Si Salvi, nanatili sa kinatatayuan, hawak ang laylayan ng kanyang robe na parang ito lang ang natitirang proteksyon niya mula sa malamig na katotohanang biglang bumalot sa paligid. Gusto niyang umatras. Gusto niyang sumigaw. Gusto niyang itanong lahat ng “bakit” na naiipon sa kanyang dibdib mula pa kagabi. Pero wala siyang nasabi. At si Hector… tumingin lang sa kanya, sandaling tila may gustong ipaliwanag, at pagkatapos ay dahan-dahan nitong isinara ang pinto. Tahimik ang paligid. Tahimik din si Hector. Pero sa katahimikang iyon, mas malakas ang sigaw ng damdamin, mas malakas kaysa alon, mas malakas kaysa anumang salitang hindi nila binigkas. Lumipas ang mga oras. Hindi siya nakatulog. Nakahiga lang siya sa kama, nakatingin sa kisame, habang ang katahimikan ay parang mga kuko ng multo—kumakalabit, kumakalmot sa utak at puso. Hindi rin siya nakakain. Hindi niya alam kung anong mas mabigat—ang gutom ng katawan, o ang pagkakawalang saysay ng lahat ng naramdaman niya kay Hector. Ngunit iisa lang ang tanong na paulit-ulit sa kanyang isipan, Bakit biglang nagbago si Hector? At sa pagitan ng bawat paghinga, ng bawat pintig ng puso niyang sugatan, unti-unting nabuo ang desisyong pinipigilan niya buong araw. Babaguhin niya ang takbo ng kwento. Babasagin niya ang pangambang matagal nang nakakadena sa loob niya at aalamin niya ang totoong dahilan ng paglayo ng loob ni Hector. Alas tres ng madaling araw. Tahimik ang buong villa. Walang kahit isang yabag kundi ang kanya—nakayapak siya, dahan-dahang lumalakad sa kahabaan ng pasilyo. Ang mga aninong itinapon ng buwan sa sahig ay parang mga guniguni ng alaala na ayaw mawala. Nakarating siya sa dulo. Ang pinto ay bahagyang nakabukas, tila ba inaanyayahan siyang pumanhik at alamin ang katotohanan. Huminga siya nang malalim. Nilabanan ang kabang bumabalot sa kanya, at marahang itinulak ang pinto. Ang tunog ay parang buntong-hininga ng isang lihim na matagal nang ikinukubli. Sa loob, naamoy niya agad ang pabangong matagal nang hindi ginagamit—matamis, may halong jasmine, ngunit amoy-luma. Pamilyar. Nakakagulo ng damdamin. Tahimik ang paligid. Ang mga dingding ay may bahid ng alikabok at panahon. Sa isang gilid, may estanteng punong-puno ng mga lumang libro—may mga pahinang nakausli, may sulat-kamay sa mga gilid, may mga pahinang tila niluha ng alaala. Sa mesa, isang lumang pluma, isang kupas na antique lampshade. At sa itaas ng kabinet… isang painting. Isang babaeng nakaupo sa baybayin. Ang buhok nito ay kulot, mahaba, tinatangay ng hangin. Suot nito ay isang puting bestida. Ngunit tila malungkot ito, pero may lambing ang mata—parang may inaantay – o may iniwan. May kung anong bumara sa lalamunan ni Salvi. Lumapit siya. Unti-unti. Habang papalapit, parang lumulubog ang mundo. Dahil sa bawat pulgada ng paglapit, mas lumilinaw ang mukha sa painting. At mas lumilinaw din ang repleksyong hindi niya inaasahan. Kamukha niya! Hindi eksakto. Mas mature. Mas pino. Mas elegante. Pero ang hugis ng mata, ang kurba ng labi, ang anyo ng ilong—lahat ay parang echo ng kung sino siya ngayon. Parang salamin ng kung sino siya magiging balang-araw. Sa ilalim ng painting, may lumang litrato—sepia-toned. Isang mas batang Hector ang naroon. Sigurado siya dahil sa hitsura. Nakaakbay sa babae sa painting. Nagtatawanan pa ang mga ito at nagkadikit ang mga pisngi. Parang magkaibigan. O… higit pa. Tumigil ang mundo ni Salvi. Sino ito? Parang may humigop ng lahat ng hangin sa silid. Bakit kamukha ko ang babaeng ito? Anong koneksyon niya rito? At bakit narito sa kwartong ito—na tila dambana ng nakaraan—ang mukha niya, kahit hindi siya ang nasa larawan? “Salvi.” Halos mapatalon siya sa bigla ng boses. Napalingon siya. Nandoon si Hector at nakatayo sa may pintuan. Tahimik. Malalim ang tingin. May sugat sa mga mata nito. Sugat na hindi pisikal—mas malalim. Parang bitbit nito ang bigat ng isang buong dekada sa balikat. Namutla si Salvi. Hindi niya alam ang gagawin. Nalilito siya sa mga unti-unting nalalaman. “I - I’m sorry,” mahina niyang sabi. Nangangatog ang tinig. Wala siyang intensyon. Hindi niya alam na ito ang matutuklasan niya. Hindi niya alam kung anong dapat maramdaman. Ngunit tahimik lang si Hector. Tahimik ang buong silid. At pagkatapos ng isang mahabang sandali—isang pabulong na tinig ang kumalas sa labi ng lalaki, parang panaginip na tila ayaw sabihin ng katotohanan. “That’s not you, Salvi.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD