King Bully Over Me K1
Ako si Cry Elly G. Pinagpala nangangarap na makapag-tapos ng pag-aaral at mag-karoon ng magandang trabaho sa hinaharap. Magkaroon ng sariling bahay at lupa nang sa ganoon ay hinde na kame palipat lipat pa ng tirahan. Nangungupahan lang kame ni mama at lagi na lang kame napapalayas sa inuupahan dahil nga sa kapos sa pera kaya walang maipambayad. Mag isa na lang si mama na kumakayod para sa akin wala na siyang katulong, tanging ako na lang.
Nasaan si papa? Hinde ko alam. May kuya, ate o kapatid ba ako? Wala ako noon. Isa lang akong anak ni mama. Nasaan ang mga kamag-anak namin? Wala silang pake-alam kung ano man ang mangyare sa amin ni mama.
Tungkol kay papa, hinde ko alam kung nasaan na siya, hinde ko alam kung bakit nawala na lang siya na parang bula. Hinde naman kase sa akin sinasabi ni mama ang nangyare sa kanila ni papa kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit wala si papa at hinde namin kasama. Basta ang alam ko lang ay hinde na sila magkasama at kame na lang ang magkaramay ngayon ni mama.
Ang dating tumutulong sa amin ay ang lola ko na nasa langit na ngayon. Simula nang mamatay si lola Esme, o Esmeralda sa buong pangalan nya, ay maslalo pa kame naghirap. Muntikan pa ako matigil sa pag-aaral nang dahil sa kahirapan sa pera buti na lang at nakatapos na ako ng highschool at may mga pang publikong paaralan na pwedeng mapasukan. Ngunit dahil walang pera pam-pamasahe ay nahirapan akong magpunta sa mga eskwelahang maaring pasukan.
Hinde pa ako maalam sa social media o mga f*******: na ganyan dahil wala naman akong cellphone na magagamit, buti na lang ay mabait ang naupahan namin ngayon kaya number nya ang inilagay ko sa pwedeng tawagan na hinihinge ng school ko.
May message kaming natanggap mula sa dating pinasukan na hinde ko na kailangan pang mag hanap pa ng school dahil kinuha ako bilang scholarship student sa isang kilalang private school ang " East Valleria Academy ".
At ngayong araw na to ang unang araw ko na makakatapak sa isang sikat at kilalang school sa buong mundo! Hinde pa rin ako makapaniwala na isa na akong ganap na estudyante ng East Valleria Academy! Sisikapin ko mag-aral ng mabuti at masuklian ang kabaitan na ibinigay sa akin ng paaralan. Kung hinde dahil sa kanila siguradong matitigil ako sa pag-aaral. May libreng Dormitory, libre ang pagkain at may allowance pa akong matatanggap mula sa school. Hinde ba napakaganda ng school na ito?.
Ang alam ko dalawa lang kaming nakuha na scholar para makapag-aral dito. Ako mula sa St. Bellara National Highschool at ang isa na taga Fedelino Highschool. At ang isa pa na alam ko pareho kami ng Dormitory ng scholarship student na yun. Ibig sabihin ay hinde ako mahihirapan makisama sa ibang mayayaman na estudyante rito. Mahirap na at base pa naman sa mga novel story na nababasa ko ay karamihan sa mga private student o mayayaman at nakakataas sa isang katulad ko na isang kahig isang tuka ay masasama ang ugali nila. Sana naman ay hinde ko maranasan ang mga nababasa ko.
Tulad na lang nang mga bullies, sinisipa nila ang upuan nang scholar na estudyante, tinitisod, pinagti-trip-an, pag lock sa loob ng cr at kung ano ano pang mga bad doings. Sana naman talaga ay mapayapa ang buhay ko dito. At sana kung mangyare man ang mga iyon sa akin sana.. sana talaga.. maawa naman sila sa akin. Hinde ko keri na saktan saktan lang nang mga katulad nila.
Buti pa sa kwento na nababasa ko ay may mga nakaka-ibigan sila at may mga nagtatanggol sa kanya pero ako? paano? paano naman ako na nasa totoong buhay? ano na lang ang dadanasin ko sa kamay ng mga brats na anak mayaman? di ko sila keri! mahirap na dahil ako.. Hinde ako paniniwalan dahil hinde ako makapang-yarihan di tulad nila kaya nilang hawakan sa leeg ang isang tulad ko.
haysst! tama na nga ang pag iisip ng mga negatives hinde dapat yan ang una kong iniisip ngayon, well.. safety first you know! haha pero dapat talagang unahin sa pag iisip ay ang
' introduce myself ' chuchu! haysst yan talaga ang ayaw ko sa lahat dahil kahit nasa private school kana ay di ka pa rin makakaligtas sa kacorni-han na mga ganyan. Public School man o Private School nariyan pa din ang Introduce yourself.
Sino ba ang hinde? kayo ba ayaw nyo din ba? nakakatae kaya na nakaka-ewan pag nakatayo ka sa harap ng mga classmate mo! Nakikita nila kung gaano tayo nakakahiya. Tssk! ano ba ang mahirap sa pagpapakilala sa sarili! pero kase ngaaaa! eeee! nakakahiya! yun na yun!
"hi miming! wsshh. wsshh" ay sorry may nakita kase akong pusa habang naglalakad sa corridor. Niyuko ko pa talaga ito maabot lang nakakahiya naman kase kapag tumuwad ako edi may mga nakakita sa akin nakakahiya marami pa naman tao plus ang iksi pa nang palda namin yung tipon pag tumuwad ka kita na kaluluwa mo ganern!
"Awww! ang cuteee!" nang gigigil ko pa nilamutak ang mukha nito. haha nang gigigil akoo!
"Hey don't touch my kitty! "
"ay kabayong palaka ka!" napasigaw pa ako sa gulat. bakit ba naman kase bigla na lang sumisigaw! ang tinis pa nang boses parang inipit na barbie!
barbie kase ang cute nya may pasombrero pa sya sa ulo parang nakapatong lang yung sumbrero buti hinde nahuhulog yan?
"excuse me! " maarte pa nitong taboy sa akin, parang nanghawi lang ng halaman! bastos lang te?(°-°)
tinanaw ko na lang ang pag alis nya. Wala naman akong magagawa kase langgam lang ako. Hinde ako pwede makipag away di tulad noon. Ito na lang ang school na maasahan ko. Dati dati kapag may nang bully lang sa kaibigan ko inuupakan ko na hinde ata pwede na tapak tapakan lang nila kame. Pero hinde ibig sabihin na hinde ko sila papatulan kung sakali, sakali man na bully-hin nila ako e pababayaan ko na lang sila may hangganan din ang pagiging mabait ko at may utak ako. Hinde naman ako makukuhang scholar kung hinde ako matalino.
"Anak sya ng principal dito"
"anak ng dyosang halimaw!" haysst! ano ba naman at lagi na lang akong nagugulat.
bakit ba kase mahilig sumulpot bigla yung mga tao dito! grabe kanina nanigaw, ngayon naman hinde nga sigaw pero. Bigla bigla naman kaseng lumilitaw na lang out of no where!
maaga pa ata ako mamatay sa atake sa puso dahil sa mga taong ito! pero infairness! garnda ng boses. Malumanay lang at mukhang mabait.
Nang maharap ang babae, ang unang bumungad sa akin ay ang mala angel na mukha nito nakangiti na hanggang tenga. Maputi ang balat natural red ang mga labi, grabe lang huh! nahiya naman fesslac! ko!
"Hi! I'm Erene Madria glad to meet you!" masigla pa nitong pag bati sa akin.
lalo pa tuloy ako humanga sa kanya, kase naman ang ganda nya. Sigurado mabait ito.
nagpatuloy na kami sa paglalakad para hanapin ang classroom namin.
Pero mukhang pala mali ako sa judgement ko sa kanya (—_—) hinde pala sya matino kase sandali pa lang kaming magkasama ay puro kabaliwan na ang mga kinukwento nito.
"haynako talaga Cry! grabe kung alam mo lang ang ugali ng babaeng iyon!" yung tinutukoy nya ay yung babae kanina na masungit. Yung mukhang barbie.
"Anak sya ng principal natin, at alam nya iyon kaya naman tinuturing nya ang sarili bilang isang queen bee dito sa school, tsk bagay naman sa kanya para silang mga bubuyog na sunod ng sunod sa A5" tumitirik pa ang mga mata nya habang nagkukwento.
ako naman ito nakikinig lang. Speaking of A5 kilala ko sila sikat yata ang mga lalaking iyon, hinde lang dito sa loob ng academy pero pati na rin sa labas.
Pero hanggang doon lamang ang alam ko sa kanila, A5 yun lang wala na. Bagamat napapalabas sila sa tv e, hinde ko naman masyadong pinapanood tutok kase ako sa pag-aaral kahit pa medyo loka-loka ako sa dating school na pinapasukan. Wala din akong cellphone kaya wala talaga akong malawak na kaalaman patungkol sa kanila.
"porque anak ng principal nang bubully na ng iba "
hinde ko na napansin na patuloy pa pala sa pagsasalita si Erene. Hinde ko na narinig pa ang iba pang mga pinagsasabi nya dahil lumilipad ang isip ko sa introduce yourself na sinasabi ng professor namin sa harapan.
grabe napakadaldal naman nitong babaeta na'to! mamaya mahuli pa kami ng prof mapagalitan pa kami, jusmeyo! unang araw pa naman pati.
" ay oo nga pala! siguro naman kilala mo na ang A5?" nang banggitin nya ang A5 ay parang nag niningning ang mga mata nito. Halata na excited sa kung ano man ang sasabihin ko. Nag aabang din sa sagot ko akala mo ay mahalagang susi sa kung ano mang kayamanag baul ang meron sya.
”ahh... hinde ko sila gaa—" di ko pa man masasabi ng buo ang gustong sabihin ay pinutol na nya ako.
" ehhh! b-bakit hinde?! wala man lang ba kayong tv? or what? impossible, Cry!((-_-))" umiiling at hinde pa makapaniwala sa sinabi ko.
I just shrugged for answer.*[ ◕ ᴥ ◕ ]ㄏ
Sino nga ba talaga sila?
Nagsimula sya magpaliwanag about A5 sinabi nya sa'kin lahat tungkol sa kanila.
"Ang A5 ay Angels 5, kaya angels 5 dahil ang mga bumubuo sa grupo na iyan ay pawang mga anghel na bumaba sa lupa. As in Angel. Lima ang bumubuo rito, kaya nga A5 hinde ba!" tuwang tuwa pa sya habang pinapaliwanag sa akin ang A5.
Sunod naman ay pinakilala nya sa akin isa-isa ang mga bumubuo nito.
"Una sa lahat ang center ng grupo, si Jullian Angelo L. Vera, ang sikat na basketball player ng phoenix. Madaming nagkakagusto dahil sa kakaibang kagwapohan nya. Sya ang pinaka gwapo sa lahat"
"at alam mo ba? marami na rin yang napabagsak na mga kaaway nya? yung iba dahil sa laro na basketball" bigla naging seryoso ang mukha nya habang nagkukwento kaya ako, heto seryoso ding nakikinig. Chismosa mode is on!
" may mga nayayabangan sa kanya na mga taga ibang school mga ingetero ang tawag doon Cry! hahaha" natawa pa sya na parang may nakakatawa talaga samantala ako seryoso, nakikinig.
proud na proud talaga sa A5 nila este namin dahil dito na ako nag aaral, gold sila ng EVA short for East Valleria Academy.
"at ang iba ay dahil sa gang"
"oo dai may gang siya pero ang ibang member ng A5 ay hinde doon kasama" bigla nyang sabi. Para bang alam ang nasa isip ko.
akala ko sila lahat ng A5 kasama sa gang o yung A5 ang gang na sinasabi nya. So may gang pala syasiguradong ang tulad nya ay talagang kinatatakutan. Ngunit sa kabila noon ay marami pa ring nagkakagusto sa kanya. Did they even know about his gang? Of course! Si Erene nga alam e.
"Si Chloe Pernacio, ang bestfriend ni Jullian sa A5, palibhasa ay nagkakasundo sa maraming bagay, hobby na nga ata nilang dalawa mam-bully e" doon ako nagulat nambu-bully sila. Pero di naman na dapat pa kagulatan iyon base sa sinabi ni Erene halata na ang ugali nito.
" Kung si Jullian ay mukhang tiger, laging fierce ito naman si Chloe ay mukhang inosente na bata. Maamo ang mukha pero kung magalit o mainis nakakatakot" ayaw kong galitin ang taong iyan mahirap na. tatahimik na lang tayo sa isang tabi para walang gulo.
"Si Chloe ay kasama sa grupo nila Jullian sa phoenix, magaling din. Wala naman sa A5 ang hinde talented halos lahat ata ng sports magaling sila at kaya nilang gawin, yun lang may kanya kanya silang forte"
"Si Cyrus Lee, Cool at cute sa grupo may-ari ang pamilya nya ng isang malaki at malawak business yung High Q Tech Company, kasama sya sa swimming. Ilalaban nga sya Next month"
"e ano to?" out of the blue anong ko. Kaya pate tuloy sya na guluhan.
" I mean ano sya? mabait ba o bully rin? "
" ahh! mabait sya. Sya ang pinaka mabait sa grupo mahilig at magiling mag violin"
Saglit kaming natahimik dahil malapit na kame sa mag introduce yourself. Wala na rin nag sasalita sa harapan kaya naririnig kame. yari na.
"ahh!" ay shomai na pinirito! haysst! hobby na nya talagang mang gulat! buti na lang hinde narinig nung prof namin yung tiki nya. mahina lang naman pero dinig pa rin. Buti sakto may nagsasalita na sa harapan kaya di kame napansin.
"ano ba yon? ang ingay mo!" mahina kong suway saka sya hinampas sa balikad. magkakahiwalay kami ng upuan kaya bilisan ko ang kilos para di makita ng teacher.
"eh? hehe oo nga pala! pag nakita mo si Jullian wag ka na lang tumingin sa kanya ayaw nya nun at baka pag trip-an ka rin yun ang parusa nya sa lahat ng tumitingin sa kanyang babae"
"next Ms. Madria! " tawag sa kanya ng teacher kaya hinde na natuloy pa ang sasabihin nya dapat.
" mamaya na lang dai, pagtapos natin! hehe" kinikilig kilig pa ito habang tumatayo sa upuan nya. naloka na talaga.
Ay nga pala nakalimutan ko sabihin sa inyo, grabe yung introduce yourself chuchu nila may pa show your talent na!
ano kaya yung akin? hinde ako mahilig sumayaw pero marunong naman ako. kanta na lang para hinde naman masyadong nakakahiya at di ako mag mukhang tanga sa harap nila. Buti na lang biniyayaan ako ng talento kaya di ako kulelat sa mga ganito.
Keri na this!
Fallin' out, fallin' in
Nothing's sure in this world no, no
Breakin' out, breakin' in
Never knowin' what lies ahead
We can really never tell it all no, no, no
Say goodbye, say hello
To a lover or friend
Sometimes we never could understand
Why some things begin then just end
We can re ally never have it all no, no, no
si Erene kumakanta rin, yun din ang ginawa nya. Maganda ang boses nya grabe talaga wala talagang hinde talented dito sa EVA! evang evan talaga ang mga estudyante! lalo na yung Jullian na yun! eva! katakut!
may biglang pumasok na limang lalake sa classroom. Bigla nag sitilian yung mga kaklase ko. Si Erene naman ay ganun din nakatingin lang sya sa limang pumasok.
Nang makabawi kumanta sya ulit wala syang keber sa mga kaklaseng nag titilian. lalo nya pang nilakasan ang boses nya. Dahil doon tumahimik ulit yung mga classmate namin at nakinig sa kanya.
But oh, can't you see
That no matter what happens
Life goes on and on
And so baby, just smile
'Cause I'm always around you
And I'll make you see how beautiful
Life is for you and me
sambit nito habang tinitingnan yung isa sa limang lalaki hinde ko lang sure dahil di ko mawari kung sino sa kanila. Umiiwas kase sya pero kalaunan napapatingin pa rin sya sa lalake. ganon din naman ang lalake sa kanya.
Take a little time baby
See the butterflies' colors
Listen to the birds that were sent
To sing for me and you
Can you feel me?
This is such a wonderful place to be
Even if there is pain now
Everything would be all right
For as long as the world still turns
There will be night and day
Can you hear me?
There's a rainbow always after the rain
Ohh, woah
sa wakas ay natapos na ang kanta nya at bumalik na sya sa kanyang pwesto.
"you may sit now Misters" teacher. sabay tawag sa akin. Sinunod naman ng lima ang sinabi ng guro at nag si upuan na sa kanikanilang pwesto.
At sa kamalasmalasan nga naman tumabi pa sa'kin yung masungit yung mukha. Bakit ba naman kase hinde pa sa akin tumabi si Erene.
dalawang seats lang ang meron sa bawat raw. Kaya sya ang katabi ko ngayon.
"Ms. scholar. Ms. Pinagpala" ngiti nito sa aking tawag kaya nginitian ko rin bilang sagot.
syempre sa pagtawag pa lang ng scholar sa akin may mga nagbulungan na. Lalo pa nang humarap na ako sa kanila. mas tumindi pa lalo ang bulungan.
"scholar daw. Ms. Pinagpala daw surname pero hinde naman mukhang pinagpala" rinig kong bulong nung babae.
" oo nga girl! mukhang di pinagpala sa height, pati face! " yung isa pang girl.
tumingin ako kay Erene ngumiti ito sa akin at nag thumbs up. Sinundan ng tingin ng dalawa kung saan ako nakatingin nakita nila yung ginawa ni Erene.
" grabe! katabi na nga nya si Jullian, pati ba naman si Ms. EVA Beauty friend! iba!"
" tsk! ibang iba talaga! iba sumipsip! "
okey lang yan Cry Elly, hayaan mo sila at mag concentrate ka lang sa sarili mo.
" ehem" kuha ko sa atensyon nila. Di naman ako nabigo dahil silang lahat ay nakatingin na sa'kin at tumahimik din.
" I-I am Cry Elly G. Pinagpala leave at Sampalok, manila Sittio. Pag-Ibig, barangay Sigla lot. 301" pagpapakilala ko sa sarili ko.
" my hobby is.. " nag isip pa ako ng sasabihin pero walang pumasok sa isip ko kundi yung mga bagay na lagi ko lang ginagawa.
" ay mag-aral, mag review, self test tungkol mga lectures at ang talent ko nagagawin ay singing"
Tapos ay kinuha ko sa gilid ng teachers table ang gitara na nakita ko.
"pahiram lang po saglit ng gitara" paalam ko.
"Omg! gagamitin nya talaga!? Di na natakot! lagot ka ngayon!"
"kebago bago! "
bulungan na naman yung narinig ko.
hinde ko na lamang pinansin at nag patuloy sa pay aayos ng gitara. Marunong nga pala ako gumamit nito.
"F'ckin' Perfect pero iibahin ko po"
Made a wrong turn, once or twice
Dug my way out, blood and fire
Bad decisions, that's alright
Welcome to my silly life
Mistreated, misplaced, misunderstood
Miss “Knowing it's all good”
It didn't slow me down
Mistaken, always second guessing
Underestimated
Look, I'm still around
pagsisimula ko kumanta. Iniba ko yung tono pati na rin yung lyrics.
Pretty, pretty please
Don't you ever, ever feel
Like you're less than you are perfect
Pretty, pretty please
If you ever, ever feel
Like you're nothing, you're perfect to me
You guys so mean
When you talk
About others, you were wrong
can't you see her
she's innocent afraid to the voice of monsters
Change the voices
In your head
Make good things instead
So complicated, look happy, you'll make it
Filled with so much jelousy, such a tired game
It's enough, change your self into something, stop being selfish
Chased down all your demons, You'll see it is worth it yeah ehhy!
sa lyrics na ito ko mapapadama sakanila ang kamlian nila, I want them to change their attitudes.
Pretty, pretty please
Don't you ever, ever feel
Like you're less than you are perfect
Pretty, pretty please
If you ever, ever feel
Like you're nothing, you're perfect to me
Pretty, pretty please
don't hear what they say
don't hear them...
youre perfect to me....
yeahhh ehh ehh ey..
*music
F'ckin' Perfect-Pink