Prologue
"Oy Sean, sigurado kaba talagang kaya mo umuwi mag isa?" tanong sa akin ni Vincent akbay si Flynn na kaunting kaunti nalang ay makakatulog na.
Natawa ako sa itsura nila at nagthumbs up lang para sabihing ayos lang ako.
Ayoko ng magsalita nahihilo na ako.
Awit naman, tinanaw ko lang silang pagewang gewang na sumakay sa kotse at saka sila umalis.
Napangiwi nalang ako dahil sa dami ng nainom ko. Mabuti nalang medyo malapit lang sa bar na ito ang apartamentong nirentahan ko.
Pagewang gewang din akong naglakad at napapahawak nalang minsan sa pader kapag nararamdaman kong papatumba na ako.
Hindi ko na talaga to uulitin.
Napasandal nalang ako sa isang pader ng hindi ko na nakayanang maglakad. Tinanggal ko ang suot na eyeglass at kinurap kurap ang mata para matigil ang hilo na naramdaman.
Ah awit ang init. Tinanggal ko narin ang tatlong butones sa damit para kahit papano maibsan manlang iyong init na naramdaman.
Pikit ang matang naupo ako sa isang upuan na nakita ko lang sa tabi, hindi ko alam san to galing basta bahala na kung makatulog ako dito wala naman atang tao.
Meron pala..
Nakarinig ako ng ingay sa malayo kaya binuka ko ang isang mata para tignan sana ang pinanggalingan ng ingay kaso bigla nalang may sumulpot na lalaki sa harap ko.
Isang cute na lalaki nakacap siya,tapos nakapants at oversize polo. Nagtaka ako ng makita ang taranta sa mukha niya at nagulat nalang ng umupo siya pakandong sa akin, tinanggal niya ang suot na cap dahilan para mahulog ang hanggang bewang niyang buhok.
Awit akala ko lalaki.
Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at inilagay sa bewang niya. Hindi pa ako nakareact ng bigla niya nalang tinanggal ang dalawang butones ng polo niya at hinalikan ako ng mariin.
Itutulak ko sana siya kaso mas diniinan niya pa ang sarili at hinalikan ako lalo dahilan para mabuhay ang hindi dapat mabuhay.
Napalunok ako at hindi napigilang sumabay sa halik niya ng mas lumalim ito. Ilang minuto kaming naghalikan, napapagala narin ang kamay ko sa likod niya dahil sa sarap ng halik niyang antamis.
Ni hindi ko na napansin ang mga dumaang mga kalalakihan dahil lunod na lunod na ako sa halik ng taong kaharap ko.
Ng tumahimik na ang paligid bigla nalang siyang huminto tumingin sa malayo at ngumising binaling ang tingin sa akin bago tumayo.
"That one's hot, thanks for the night mister." huli niyang sabi at dinilaan pa ang palibot ng labi niya bago kumindat na umalis.
Napatulala nalang ako, ni hindi ko manlang nakita ang buong mukha niya.
Napalunok na napahawak nalang ako sa labi ko at nahihilong tinignan iyong pigura niyang hindi na masyadong nakikita.
Isa lang masasabi ko..
Bitin.