"Did she find out something?" tanong ni Nica sa'min habang pabalik-balik ng lakad sa harap namin ni Edward. Nasa loob na kami ngayon ng bahay ko at nakaupo kami ni Edward sa couch habang si Nica ay pabalik-balik ng lakad sa harap namin. Mukhang mahihilo na lang kami ni Edward sa kakapabalik-balik niya ng lakad. Pinag-uusapan na namin ngayon ang maaaring maging rason o dahilan kung bakit gustong makipag-meet ni Mrs. Camilla sa'min ni Finn. "Maybe she changed her mind at baka naniniwala na siya ngayon kila Finn at Elicia," sabi ni Edward kay Nica. Kaagad namang umiling si Nica. "No, I know my Mom. Halata sa mukha niya kaninang may nalaman siya na maaaring magpabagsak sa plano natin. Hindi ko lang alam kung ano ang nalaman niya kaya hindi ko alam kung paano ito paghahandaan. Hindi rin nama

