Akmang hindi na'ko papasok ng school dahil nandoon si Aldrin kaso naisip ko na bakit naman ako hindi papasok ng trabaho dahil lang sa kaniya. Hindi dapat ako magpaapekto. Naglakad ako palapit ng school at hindi pinansin si Aldrin kaso bigla siyang humarang sa dinaraanan ko dahilan para mapahinto ako sa paglalakad. "Elicia pwede ba tayong mag-usap?" tanong ni Aldrin. Mukhang nakainom siya dahil amoy alak siya. "Wala akong oras para kausapin ka, umalis ka sa dinaraanan ko. Nakaharang ka," sabi ko. Wala pang ilang segundo ay nainip na'ko dahil ayaw niyang umalis kaya ako na ang nag-adjust at naglakad pakaliwa pero sinusundan niya pa rin ako at hinaharangan. "Ano ba ang problema mo?!" galit na sabi ko sa kaniya. "Pakiusap Elicia kausapin mo'ko," sabi ni Aldrin at kaagad na lumuhod sa hara

