Kaagad akong napabangon mula sa pagkakahiga habang hawak-hawak ang tiyan ko. Tiningnan ko ang kamay ko at wala itong dugo. Panaginip lang pala. Napahinga ako nang malalim nang ma-realize ko na panaginip lang pala iyon. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at nandito na pala ako ngayon sa kwarto ni Edward sa master bedroom. May makapal din na kumot na nakabalot sa katawan ko dahil nakabukas ang aircon. Bumaba na'ko ng kama at gaya nung nakaraang punta ko rito ay may pink na tsinelas sa ilalim nitong kama at sinuot ko iyon at lumabas na nitong kwarto. Pagkalabas na pagkalabas ko pa lang ay nakarinig na'ko ng mga boses. Boses iyon ni Edward at ni Finn. Dahan-dahan kong sinarado ang pintuan nitong kwarto at dahan-dahan ding bumaba ng hagdan. "Thanks for saving her Edward, pwede na namin

