Dumating ang araw ng linggo kaya ngayon ay nandito ako sa airport para hintayin si Edward dahil ngayon ang dating niya sa Pilipinas. Nagsulat pa'ko sa tarpaulin ng WELCOME HOME EDWARD! ° v °/. Nakangiti ko iyong binalandra habang hinihintay si Edward. Nang makita ko siya ay tinaas ko ang tarpaulin na hawak ko at nagtatatalon. Nagmadali naman siyang lumapit sa'kin habang nakangiti. Nang makalapit siya ay niyakap niya ako nang mahigpit at gano'n din ang ginawa ko. "I miss you," sabi niya habang nakayakap sa'kin. "I miss you too," nakangiting sabi ko sa kaniya. Naging matagal ang yakapan namin dahil mukhang ayaw niya pang bumitaw. Pinagtitinginan na tuloy kami ng mga tao sa paligid habang nakangiti. Kinuha na ng mga bodyguard niya ang mga dala niyang halos sampung maleta. Kasama kong p

