Habang papunta kami ni Mother Lily sa malaking kwarto ay sinabi ko sa kaniya na kung pwede bang magluto kami rito ng pagkain para sa celebration para sa pagdating ni Edward. Kaagad naman na natuwa si Mother Lily dahil mahal na mahal niya talaga ang pagluluto. Tutulungan naman namin siya ni Edward at siyempre alam din naming tutulong din sa'min ang mga bata. Pero hindi naman namin sila pagagawin nang mahihirap na gawain at isa pa ay hindi naman namin sila inaabuso dahil alam kong mas matutuwa pa silang tumulong sa'min dahil natututo sila. Nang makarating kami sa malaking kwarto kung saan namin nilagay ang mga maleta na may lamang pasalubong ni Edward ay kaagad na binuksan ni Edward ang mga maleta at ang mga bata naman ay nakapabilog sa kaniya. Isa-isa niya munang binuksan ang mga maleta

