Binitawan ko ang hawak kong kutsilyo at malaking kaldero at kaagad na binuksan ang pinto. Bumungad sa'kin pagkabukas ko ng pinto ang basang basa na si Finn habang hingal na hingal. Tumingin naman ako sa likod niya at tiningnan ang gate at naka-lock naman ito kaya paano siya nakapasok? Inakyat niya ba ang gate?! Isa pa ay wala rin ata siyang dalang kotse dahil walang kotse na nakaparada sa harap ng gate. "W-what are you doing here?" nanlalaki ang mga mata na tanong ko. "I thought you like me," sabi ni Finn. "Oo nga gusto kita," sabi ko. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ko. Kaagad kong tinakpan ang bibig ko habang gulat na nakatingin kay Finn. Pero ang mas nakakagulat ay bakit alam niyang gusto ko siya? "P-paano mo nalama--" Naputol ang sasabihin ko nang magsalita siya. "Sinabi

