Makalipas ang ilang araw naming pagsasama ni Finn ay ganito ang routine namin araw-araw; Gigising ako ng maaga para magluto ng umagahan namin. After kong magluto ay asahan mong tapos na si Finn na maligo at nakabihis na ito. Mararamdaman niyang tapos na'kong magluto kaya bababa siya mula sa kwarto namin para sabay kaming kumain. "Good morning," bati ni Finn at hinalikan ako. "Good morning," nakangiting bati ko pabalik pagkatapos naming maghalikan. After no'n ay magkaharap kaming uupo sa lamesa at sabay na kakain habang nagkukwentuhan ng mga nangyari sa'min kahapon. Minsan kasi dahil sa pagka-busy ni Finn sa company niya ay late na siya ng gabi umuuwi kaya mas nauuna akong nakakatulog at tuwing almusal ay doon lang kami nakakapagkwentuhan ng mga nangyari sa'min kahapon. After naming

