May pasok ako ngayon at si Finn ang maghahatid sa'kin sa school. Ngayon na rin ang araw na lilipat ako sa bahay niya para magkasama na kaming titira. Hinihintay na lang namin ang truck na maghahakot ng mga gamit ko papunta sa bahay ni Finn. Nasa tapat na'ko ng gate at muling tiningnan ang buong bahay ko na halos ilang buwan ko ring tinirhan. Maya-maya lang ay dumating na ang malaking truck at may ilang taong lumabas galing doon na maghahakot ng mga gamit ko. "Gusto mo bang magpaalam muna sa bahay mo bago tayo umalis?" tanong ni Finn sa'kin kaya napalingon ako sa kaniya at napangiti. Hindi ako sumagot at binalik lang ang tingin ko sa buong bahay at pumikit. 'Paalam, salamat sa mga ala-ala,' nakangiting sabi ko gamit ang isipan ko. Dumilat na'ko at hinarap si Finn na pinapanood lang a

