"Mom's okay, we're okay now although kakaaway lang namin this past few days," sabi ni Nica kay Fiona. "But let's not focus on that," dugtong pa na sabi ni Nica. Ready na ang order namin kaya kailangan na namin itong kunin sa counter. Self service kasi 'tong coffee shop na ito. "Ako na ang kukuha," pagpepresinta ni Fiona at tumayo para kunin ang order namin. "What should we do?!" tanong ni Nica nang makalayo si Fiona. "What do you mean?" tanong ko. "Paano natin malalaman if may gusto siya kay kuya?! Hindi naman pwedeng kaagad ko na lang siyang tanungin if may gusto ba siya kay kuya dahil ito pa lang ang una naming pagkikita after so many years," sabi ni Nica. "Ako na ang bahala," sabi ko. Nang makarating si Fiona sa table namin bitbit ang order namin ay inilapag na ni Fiona ang mga or

