Kaagad ko ring nakita ang kotse ni Nica pagkalabas ko. Ito ang kotseng laging ginagamit ni Nica kaya kaagad ko itong namukhaan at isa pa ay favorite niya ito. Ngumiti ako nang malaki habang palapit ang kotse niya. Huminto ang kotse niya sa tapat ko. Binaba niya ang windshield niya. "Come on!" Nica said. Nakangiti kong binuksan ang pintuan sa shotgun seat at sumakay ro'n. Nang maisarado ko ang pinto ng kotse ni Nica ay napansin ko si Edward na nakatayo kung saan ako nakatayo kanina. Sinundan niya pala ako. Lumapit siya sa bukas na windshield at tumingin kay Nica at sa'kin. "Take care, enjoy," Edward said. "Of course we'll take care, don't worry we'll enjoy," nakangiting sabi ni Nica. Umatras na si Edward sa kotse kaya sinarado na ni Nica ang windshield sa side ko. Nagba-bye ako kay Ed

