CHAPTER 21 Ang masayang araw ko ay agad na napalitan ng lungkot nang makauwi ako sa bahay namin. Sa iba, kapag nakauwi na sa bahay nila, nawawala ang lungkot nito, nakakapagpahinga sila. Pero sa akin, hindi. Kapag nakakauwi ako ay nadadagdagan ang ang pagod ko. That's why I prefer outside. “‘Yang anak mo, may dinalang lalaki rito sa bahay! Walang respeto!” si mama 'yon. Pagod na pagod ko silang tiningnan. Si Ate, nagdadala rin naman ng boyfriend niya rito. Madalas at halos dito na nga ‘yon tumira. Pero bakit hindi naman nila pinagsabihan si ate? Ako, unang beses ko palang magdala ng lalaki rito sa bahay. Tsaka nasa tamang edad na rin ako. Tapos na akong mag-aral at alam ko na kung ano ang ginagawa ko. “Pa, akyat na po ako.” Kung papatulan ko sila, wala ring patutunguhan dahil ala

