CHAPTER 22 “Ambrose, okay na ba 'to?” sinilip niya ang aking nilulutong pagkain. Nandito na naman ako sa bahay niya para maghapunan. Kasalukuyan niya akong tinuturaang magluto ng adobo. “Hintayin mo munang kumulo 'yan,” sabi nito sabay halik sa aking pisngi. Yumakap pa sa akin upang pisilin lang ang dibdib ko. Hinatid niya ako kagabi, at nagulat ako nang sumapit ang umaga ay nandoon na naman ito sa labas at naghihintay sa'kin. Binulabog ko na naman siya ngayon para magpaturo ng pagluluto sa kanya. Wala siyang alam na pupunta ako rito ngayon. Kanina pa ako bandang alas kuwatro sa bahay niya. Wala akong pasabi-sabi at sumulpot na lang ako bigla sa labas ng bahay nito. Buti nga hindi pa 'to napipikon sa pangungulit ko sa kanya. Ang hirap ko pa namang turuan magluto. “Takpan ko muna?”

