CHAPTER 23 Nagdududa pa rin ako kung kaya niya ba talaga. Dalawang linggo na ang nakalipas at kahit kalabit ay hindi nga niya ginawa. Kahit hawak at halik wala rin. Kulang nalang ako ang mag-aya sa kanya. Napapatitig na nga lang ako sa labi niya at tanging lunok nalang ang nagagawa ko. Ako ang nagsabi na gawin namin 'to, pero hindi ko akalain na parang ako pa ang unang susuko sa larong ginawa namin. Hindi ko akalain na kahit gaano pa siya katigang, kaya niyang tumagal ng dalawang linggo. Magkasama naman kaming dalawa at ramdam ko ang pagpipigil niya. Kapag nagawa niya ‘to ako naman ang kawawa sa kanya. Sineryoso niya ang sinabi ko, kaya magiging unfair ‘yon kung hindi ako susunod sa kasunduan naming dalawa. May sinabi na siya na dadalhin niya raw ako sa probinsya ng lola niya at isang

