CHAPTER 24 Dumiretso na ako sa bahay niya at doon kumain ng almusal. Hindi na talaga ako nahihiya sa bahay niya. Labas-masok na ako rito at nakikikain pa. Wala namang reklamo ang may-ari ng bahay. Normal na breakfast lang naman ang kinain naming dalawa pero pakiramdam ko nasa isang fine dining restaurant kaming dalawa. Simpleng bacon, itlog, spam, at hotdog lang naman ang nasa harapan namin, pero isa ito sa pinaka-espesyal na almusal para sa akin. “Pwede ba akong makitulog dito kahit sandali? Uuwi agad ako kapag nagising, lilinisan ko nalang ang guest room mo pagkatapos.” kinapalan ko na ang mukha ko para magtanong sa kanya. Hindi na nahiya ang babaeng ‘to, hindi lang nakikain, nakitulog na rin. Uuwi na lang ako mamaya para magbihis doon sa bahay. May mga damit ako sa bahay ni Coleen p

