CHAPTER 25 Isa-isang tumulo ang luha mula sa aking mga mata sa mga nangyayari. I didn't expect this to happen. Oo, nagkakasagutan kaming dalawa ni Papa. Pero hindi umabot sa puntong mananakit na siya. “Pa! Hindi ko sila sinaktan! Wala akong sinasaktan! Sana tinanong n'yo man lang ako kung totoo ba ang sinasabi nila! Pa…” pinunasan ko ang luha sa aking mga mata. “Ako ang sinaktan nila…” tinuro ko ang aking na hanggang ngayon ay kita pa rin ang maliit na sugat. “Pinapalabas mo ba na sinungaling ang mama mo?” mariing tanong nito. Pagod akong tumawa. Ako na naman ang mali? Syempre ako na naman ang mali! Lagi nalang ako! “Oo nga pala. Bakit umasa pa ako na maniniwala ka sa’kin? Syempre, mas kakampihan mo pa 'yang kabit mo kesa sa akin! Kailan ka ba naniwala sa'kin, ‘di ba?” umiiyak na s

