CHAPTER 27 (WARNING: SOME SCENES ARE NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. PLEASE READ AT YOUR OWN RISK.) Malakas ang hampas ng hangin, ang bawat patak ng ulan ay mabilis, at nagsasayawan ang mga puno sa labas. Sa lakas ng hangin, naiisip ko ang mga puno sa daan baka nga may mga natumba na. At ang baha? Sa ganitong buhos ng ulan, parang hindi na imposibleng mangyari. “Ambrose?” Parang may nagkarerang kabayo sa dibdib ko. Kinabahan ako, na para bang may libo-libong paru-paro ang nagsasayawan sa tiyan ko habang nakatitig sa kanya. Basang-basa siya, mula ulo hanggang paa, ang tubig ay tumutulo sa kanyang damit. May hawak siyang malaking, basang-basang karton na hindi ko alam kung ano ang laman, pero ang bigat at laki nito ay kapansin-pansin. “A-anong… paano…” hindi ko matapos-tapos ang sa

