Kabanata 1: Layla

1581 Words
Tinignan ko ang kamay niyang nakalahad sa harapan ko. Ang mga matang puno ng mapanghusgang tingin ng mga tao kanina ay napalitan ng inggit. Bakit parang ganon na lang ka-Big deal sa kanila kung sa dami ng babae dito ay ako pa na parang bawil sumayaw ang napiling ayain ng lalaking ito? "It's would be such a waste if we won't take this time to get to know each other." Siya mismo ang kumuwa ng kamay ko at hinila ako sa gitna ng crowd. Para bang wala siyang pakialam sa kakaibang tingin na binibigay sa amin ng mga tao. I mean obvious naman na famous siya sa lugar na ito, pero ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit ako pa ang napili niyang ayaing sumayaw. "Kuya... May sapi ka ba?" hindi ko mapigilang bulaslas. Akala ko noong una ay mao-offend siya pero kalaunan ay tinawanan niya lang ako.. Lumabas tuloy ang dimple niya. Nagtungo agad tuloy roon ang paningin ko. Ang cute niyang ngumiti. Gwapo siya kapag seryoso pero 'di hamak na mas gwapo siya kapag lumalabas ang dimple niya. "Mukha ba akong may sapi?" pagtatagalog nito. Shala! Amoy mamahalin ang accent. "H-Hindi naman sa ganon p-pero obvious naman kasing pinagtatawanan ako ng ibang tao tapos bigla kang lumapit sa akin at inaya akong mag sayaw. So, meaning may sapi ka." Mas lalo siyang natawa dahilan para mas maging visible ang kaniyang dimple. Hindi ko tuloy mapigilang madistract sa dimple niya. "I don't know, but you kinda get my interest." Kumunot ang noo ko sa sinabe niya. Ano namang kainte-interesanting bagay sa akin? Ex ko nga sinabihan akong boring pero para sa kaniya ay interesting ako? Bino-bola lang yata ako ng lalaking ito. Ganon mga lalake. "You what's your name?" "I don't talk to strangers. Sorry." Tinalikuran ko siya at nagsimulang sumabay sa pintig ng musika. Nakakadistract siya sa sayaw ko. Iginiling ko ang bewang at sumayaw ng malaswa kasabay ng music. Unholy by Sam Smith/Kim Petra ang sumunod na tumugtog. "H-Hoy! Anong ginagawa mo?" Tumaas ang mga balahibo ko sa katawan nang maramdaman ko ang pagdikit ng katawan ni Evander sa likod ko. Humawak ang malalaki niyang mga kamay sa maliit kong bewang. Sumabay sa pagsayaw ko. "I'm Evander Ruzz, you are?" Ang kulit talaga ng lalaking 'to! "Layla, Layla Sagrado ang pangalan ko." "Layla? I will surely remember that name." Kinilabutan ako ng ibinulong niya yon sa tenga ko. Tumama ang mainit niyang hininga sa leeg ko. Subrang lapit niya. Nag-iinit ako. "Bitiwan mo nga ako—" Natigilan ako sa pagsayaw ng mapansin ko ang pamilyar na mga tao sa papasok sa intrada ng club. Unang nakakuwa ng atensyon ko ay ang mga malalanding nasa unahan ng grupo. Walang iba kung 'di ang hinayupak kong Ex at ang kabet nito. Kasama nila ang ibang mga katrabaho namin. Ang ginagawa nila rito?! Akala ko pa naman ay mapapahinga ko na ang utak ko. Hindi pa pala. Parang sinasadya pa ng mga ito na magpakita kung nasaan ako. Ang kakapal ng mga mukha nila! Tumalikod ako upang hindi nila ako mapansin at hinarap si Evander. Mukhang nagtaka rin siya sa biglang pagbabago ng mood ko. Isinandal ko ang mukha sa maskulado niyang dibdib para hindi niya makita ang lumuluha kong mga mata. Mas matangkad sa akin si Evander. Hanggang balikat niya lang ako. Matangkad ako kumpara sa ibang babae pero nagmukha akong maliit kapag katabi niya. "What's wrong?" Tinangkang itulak ni Evander ang braso ko para makita niya ang mukha ko pero nagmatigas ako at sumandal pa. "Let's f**k," walang kagatog-gatog kong aniya. "Dalhin mo ako sa kung saan mo gusto. J-Just please get me out of this f*****g p-place.... please" nagsimula ng mangatog ang boses ko at magtaas baba ang mga balikat ko sa pag-iyak. At alam kong nakahalata na rin si Evander sa nangyayare. Nagulat ako ng buhatin ako nito. Automatikong umangklo ang mga braso ko sa leeg niya sa takot na mahulog. "Don't worry, I gotcha," kinindatan niya ako. Suminghot ako. "M-May ibang tao rito. Alam na lumapit ka sa akin. Kapag natagpuan akong patay habang palutang lutang sa ilog. Ikaw agad ang ituturong suspect." Tinawanan niya lang ako bago tuloy tuloy na maglakad papalabas ng club. Dahil iisa lang ang pinto ng entrance at exit ay nakasalubong pa namin ang grupo nila Stephanie at Con. Mukhang hindi pa ako napansin ng mga ito dahil busy sa pakikipag-usap sa ibang mga katrabaho. Kasama pa talaga nila ang iba naming mga katrabaho. Mukhang nagkakaroon ng celebration. Nakakatawang isipin na ang mga kasama nila ngayon ay ang mga taong inakala kong sinusuportahan ang relasyon namin ni Con noon. Mukhang alam nila ang ginagawang kagaguhan sa akin ng dalawa "Bagay na bagay kayong dalawa ni Con, Stephanie! Sabi ko na kayo ang magkakatuloyan!" kinikilig na saad ni Delantar. Na tila hindi siya ang pinagsasabihan ko sa mga problema sa relasyon namin noon ni Con. "True! Mas bagay kayo noh! Parehas na maganda at gwapo. Ang losyang kaya tignan ni Layla!" ani naman ni Edithel, isa sa mga nagsuggest na maging braid's maid sa kasal ko kung sakaling ikasal kami ni Con. "Di hamak namang mas maganda si Stephanie kesa kay Layla noh!" hindi nagpahuli si Rona. Ang kaibigan ko... It's funny, how fast the night changes and how it shows their true collors. Kung alam lang nilang nandito ako ngayon ay sigurado akong hindi nila sasabihin ang mga 'yan. Ang paplastic nilang lahat! Tama 'yan, magsasama sila magkakauri para hindi mahirapan ang basurero sa pagkuwa sa kanila! Total naman sila ay nabubulok. "Huwag niyo ngang sabihin 'yan! Actually naawa nga ako kay Layla, e," si Stephanie na nagpaawa effect pa. Ang akala mo talaga ay hindi niya inagawa ang boyfriend ko. "She's so pathetic. Kaya hindi siya napo-promote." Humigpit ang pagkakakapit ko sa leeg ni Evander. Alam kong naramdaman niya iyon kaya mas binilisan niya pa ang pagkakalad. Muntik pa nitong mabangga si Con. "Ano ba? Wala ka bang mata?" iritadong untag ni Con dito. Bumaba ang tingin niya sa akin. Dahil nakasubsob ang mukha ko sa dibdib ni Evander ay hindi ako agad nitong namukhaan. "Teka, parang pamilyar—" "Get out of my way," matigas na saad ni Evander. Nawala na ang softness sa boses nito. "I need to take my girlfriend home." "Ang yabang mo, a!" Hindi na naituloy pa ni Con ang sinasabe nang hindi siya pansinin ni Evander at nagpatuloy lang sa paglalakad. Dinala ako nito sa parking lot. Dere-deretso sa isang mamahaling sasakyan. Binuksan niya ang passenger seat at pinaupo ako bago umikot at nagtungo sa driver's seat. Tinignan ko ang kotse sa sinakyan namin. Mukhang mamahalin. Wala ako masyadong alam sa sasakyan pero alam ko nakita ko na ito sa internet. Ang gara! Hulugan nga lang ang nabibili ko. Magkano kaya bili rito? "Who's that guys?" "Sinong lalake?" tinignan ko si Evander. "That asshole awhile ago. I think he knows you." Sinimulan niyang paandarin ang sasakyan habang paminsan na nililingon ako. Napayuko ako. "Ex-Boyfriend ko." "That? Damn, you have no taste in men." "Grabe ka naman makapagsalita. May itsura naman si Con noh!" Hindi sa pinagtatanggol ko si Con pero totoo namang may itsura ito. Hindi ko naman siya kung shugi shugi lang. Gwapo rin naman si Con pero hindi gaya ni Evander ang level. Ibang level na kasi ang kapagian nitong kasama ko. Baka nga pati kuko ni Evander ay walang laban sa kaniya. "Yet he cheated on you?" "P-Paano mo nalaman?" Wala akong maalalang nagsabi ako sa kaniya. Don't tell me futureteller siya? "It completely shows in your face." Concious tuloy akong napahawak sa mukha ko? Mukba ba talaga akong babaeng iniwan at pinagpalit para sa ibang babae? Napabuntong hininga ako. "Tama, iyong babaeng pinakangit don na kasama niya kanina, i-iyon ang pinalit niya sa akin. T-Tapos iyong m-mga kasama niya ay mga k-kaibigan ko," nabulong kong saad. "I will help you forgot him." "P-Paano? Alak nga hindi nakatulong sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Ikaw pa kaya? Ano ka diyos?" pangsa-sarkasmo ko. Tinawanan niya lang ako. "Kung hindi mo makalimutan, palitan mo ng bago. Yong mas better na hindi mo na maaalala pa ang dati." Kunot noo ko siyang tinignan. "Baka kapag pinatikim ko sa 'yo ang langit. Makalimutan mo ang ex-boyfriend mo." Hindi ko napansin na huminto na pala kami sa isang motel. Tinanggal ni Evander ang seatbelt niya at lumapit sa akin. Sinalubong niya ako ng halik. Dahil sa gulat ay hindi ko siya nagawang itulak papalayo. Tila nagtressure hunting pa ito ang dila nito sa loob ng labi ko. Inispada niya ang dila ko. First time ko mahalikan ng ganito ka-agresibo at sa lalaking hindi ko pa talaga masyadong kilala. Smack lang kasi ang ginagawa namin ni Con noong kami pa. Nang maramdaman nitong hindi ako tumutugon sa halik niya ay lumayo siya. Ginamit ko namang pagkakataon 'yon upang huminga. Parang lahat ng hangin sa baga ko ay hinigod niya mula sa halik na 'yon. "You know what I pitty you," mapang-asar siyang ngumisi. "Pagkatapos kang lokohin ng lalaking 'yon hindi pa rin magawang humalik sa ibang lalake. Right now, his having fun with his new b***h yet you're still here looking like a poor kitty who lost it's master." Parang malakasing bato ang tumama sa akin dahil sa sinabe niya. Tama naman siya. Kung nagagawang magloko ni Con dapat ako rin! "Nagkakamali ka. Wala na akong pake sa kaniya. Gusto kong matikman ang langit na tinutukoy mo. Paligayahin mo ako, Mr.Ruzz." Napangisi siya. "My pleasure..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD