Prologue
Maraming tao ang nagsasabi na matalino raw ako, kahit ang mga naging Teachers ko ay makailang beses akong kicomplement sa galing ko kaya naman proud na proud sa akin ang mga magulang ko. Elementary pa lang ay hindi na ako natatanggal sa with honors at constantly academic achiever and dean lister kaya hindi na nakapagtataka na pati sa trabaho ay madala ko ang pagiging matalino ko pero kung may isang bagay mang natatawag akong bobo, sa pagmamahal 'yon.
Ngayon naman nandito ako sa club, nagpapalasing dahil sa punyetang pagmamahal na 'yan! Kanina, nahuli ko lang naman ang boyfriend kong si Con na nakikipaglaplapan sa katrabaho ko, si Stephanie, ang rival ko sa trabaho.
Syempre hindi ako gaya ng ibang babae na iiyakan na lang ang nakita ko, kaya nilapitan ko silang dalawa at walang pasabeng hinatak si Stephanie papunta sa Cr at nginodngod ang pangit niyang mukha sa inidoro.
Total naman mahilig siya sa s**t, kainin niya na rin ang s**t ng ibang tao.
Satisfield naman ako sa ginawa ko ang kaso nga lang ang sumbungerang kabet ay agad na nagsumbong sa Daddy nito na siyang Team Head namin kaya ang kinalabasan ako ang naging masama sa lahat at malake ang tyansang matanggal sa trabaho.
"Ang kupal na 'yon! Pagkatapos kong magpakasugar mommy sa kaniya, ganito lang ang ibabalk niya sa akin?!" lumuluhang saad ko. "Dapat pala nagtago ako ng buhok nilang dalawa ng bruhang 'yon! Para may maikulam sa ganitong pagkakataon!
Inisang lagukan ko ang alak sa baso ko, wala akong pakielam kahit magmukha akong mesirable ngayon sa harapan ng ibang tao dahil mesirable naman talaga ako. Dapat pala hindi ko lang nginodngod ang mukha niya, dapat pinainom ko rin ang tubig sa bowl para naman mabawasan ang kakatihan niya!
Natigil ako sa pagi-emote ng biglang tumunog ang telepono ko. Nagtataka kong kinuwa ito sa aking bulsa. Pangalan ni Yette ang unang sumalubong sa akin, ang nakababata kong kapatid na lalake.
Agad ko naman itong sinagot at niloud volume dahil maingay dito sa loob ng club. "Hello, Yette? Napatawag ka yata?"
"Ate Layla? Tumawag na ako dahil hindi mo pa naipapadala yong pambayad ng kuryente at tubig, dumating na yong bill kanina lang.. Tapos, kaylangan ko ng bagong sapatos para sa game namin ng mga tropa ko. Sabi ni Mama magpadala ka rin raw para makapagshopping siya kasama nila Tita."
Muling sumakit ang ulo sa sinabe ng kapatid. Hindi naman ako madamot pagdating sa pamilya ko pero mula ngayon ay kailangan ko ng magtipid dahil malake ang tyansa na matanggal ako sa trabaho lalo na dahil sa ginawa ko kay Stephanie kanina.
Wala akong pagkukunan ng pera kapag natanggal ako. Mahirap na humanap ng trabaho ngayon kahit college graduate.
Napabuga na lang ako ng hangin. "O, sige. Gagawa ako ng paraan. Ise-send ko na lang sa iyo ang pera, tipirin niyo muna dahil—"
"Yon! Ate Layla, huwag mo rin kakalimutan kong PS5 ko, a! Sige goodbye. I love you ate!" matapos non ay pinatay na nito ang tawag.
Malalim akong napabuntong hininga. Mukhang kailangan ko ng maghanap ng panibagong trabaho mula ngayon.
"Stress?" tanong ng bartender na kanina pa pa pa lang nakikinig sa akin, nakikichimis. "Mahirap talaga kapag pamilya ang usapan. Heto oh, libre ko na. Mawawala ng alak na 'yan ang lahat ng mga problema mo."
Isang baso ng alak ang inilapag niya sa harapan ko. Iba ang itsura nito kumpara sa iniinom ko kanina, mukha ring mamahalin, at iba ang kulay. Ayos! Nakalibre pa ng alak!
Kinuwa ko ang alak. "Salamat."
Nginisian lang ako nito at tyaka lumapit sa iba pang customer para pagsilbihan ang mga ito. Tinikman ko ang alak sa baso, mas mapait ito kesa sa alak na iniinom ko pero 'di hamak na mas masarap at mas malasa. High class yata ang binigay sa aking alak ng bartender. Ang swerte mo naman, Layla!
Hindi ko pa nakakalahati ang alak na bigay ng bartender nang makaramdam ako ng kakaiba, para akong nag-iinit na hindi ko matukoy.
Isinawalang bahala ko na lang iyon. Nakakuwa na nga ako ng free drink, magre-reklamo pa ba ako? Baka ganito lang talaga ang epekto ng subrang alak sa katawan. First time ko lang din kasing maglasing ng ganito at first time ko lang rin makatikim ng isang high class na alak.
Inubos ko ang natitirang alak sa baso ko bago tumayo. Umiikot na ang paningin ko. Halos hindi na ako makapaglakad ng deretso.
"A-Ang init." May aircon naman sa club pero pinagpapawisan ako ng subra. Nanlalabo na rin ang paningin ko. "Ayan, inom pa Layla!"
Pinilit kong maglakad babalabas ng club. Nang isang lalake ang lumapit sa akin. "Miss, mukhang lasing ka na. Gusto mo iuwi kita?"
"Neknek mo!" Inirapan ko siya. Siguro dahil lasing na ako kaya tumatapang na ako. "Alam ko yang mga ganyan, tapos ri-rapein niyo pagkatapos porket lasing a-ang babae! Basta may alak may balak. Mga lalake talaga!"
Dahil sa lakas ng boses ko ay nakuwa ko ang atensyon ng ibang tao malapit sa amin. Tinawanan lang kami ng mga ito. Mukhang napahiya ang lalake dahil sa sinabe ko.
"Ang arte mo naman, Miss! Mabuti nga may pumapatol pa sayo noh! Mukha ka kayang sugar mommy na pera lang ang meron at sa subrang boring ay madaling ipagpalit sa iba."
"Aba gago 'to a!" Hindi ko na siya nahabol pa dahil tinalikuran niya na ako papaalis.
Lumukob ang umaapaw na inis sa sistema ko. Muli kong naalala ang ginawa sa akin ni Con. Parang tinarak na naman ng kutsilyo ang puso ko dahil sa subrang sakit.
B-Boring ba talaga ako para sa mga lalake?
S-Subrang dali ko bang lokohin?
Yuko kong tinahak ang daan papalabas ng club. Baka totoo nga talaga ang sinasabe nila, boring nga ako. Kaya siguro wala ako masyadong kaibigan at mababa ang tingin sa akin ng mga tao kahit anong gawin ko dahil boring ang tingin nila sa akin. Ang saklap.
Naalala ko pa noong kami pa ni Con, ilang beses ako nitong inayang makipagtalik pero ilang beses din akong tumanggi. Ako kasi ang tipo ng babae na marriage before s*x, siguro iyon rin ang dahilan kaya nagpakamot siya ng kati niya sa iba, at kay Stephanie pa talaga!
Nilibot ko ang paningin sa buong paligid. Naghahanap ng lalaking pwede kong makasama ngayong gabi. Si Con nga ay nakagawa makipagsex sa iba habang kami pa, dapat ako rin ngayon break na kami!
Dapat hindi ako umiiyak ngayon! Dapat nga maging masaya pa ako dahil nakawala na rin ako sa taong hindi naman ako pinahahalagahan. Tama, maging masaya dapat! Mga ganong lalake mali-liit ang tite!
Kaya maghahanap ako ng malaking itits!
"Is that Mr.Evander Ruzz? Damn, hot."
"Siya nga! Ang swerte ko naman ngayon gabi. I heard He's a beast in bed. Being f**k and pleasure by him is trully a dream come true."
"Right, he also has a massive d**k. Naospital nga si Roshane dahil sa laki nito. Ilang araw ding nawhelchair yon dahil sa lalaking 'yan."
Napabaling ang paningin ko sa lalaking pinag-uusapan ng mga kababaehan. Kakapasok pa lang nito sa club pero nakuwa na agad nito ang atensyon ng karamihan.
Sino naman ang isang 'to at naglalaway ang lahat? Pinatitigan ko siya mula ulo hanggang paa, may mga kasama siya pero siya ang bukod tangi sa paningin ko. Subrang gwapo, moreno, at matangkad, mukhang may lahi.
Ngayon ko napatunayan na ang pangit ng taste ko pagdating sa lalake. Niwala nga man lang si Con sa level ng kagwapuhan ng lalaking ito, Evander Ruzz? Familiar ang pangalan niya pero hindi ko lubos na matukoy kung saan ko itong huling narinig.
Mukhang napansin nito ang paninitig ko sa kaniya. Nagtagpo ang mga mata naming dalawa. Subrang ganda ng mga mata niya.
Tila isang tyokolate, nakakabighani.
Saglit itong napatitig sa akin, tinignan ako mula ulo hanggang paa. Hindi ko alam kung anong iniisip niya pero nagtagal sa akin ang kaniyang paningin na tila ba merong kainteresanting bagay sa akin.
Ako ang naunang nag-iwas ng tingin. Sa halip ay nagtungo ako sa kumpulan ng mga tao sa dance floor at sumali sa sayawan. Igigiling ko na lang itong lungkot ko baka sakaling mawala pa ang stress ko.
Sakto dahil ang paborito kong kanta ang sunod na nagplay. "Kung katawan ko lang ang habol n'yo Na kung gumiling pa'y lumiliko. Masusunod pa rin ang puso ko. Ang puso na Don Romantiko Yay yay ya ya!"
Nagsimula akong magbudots sa dance flor. Kaso hindi yata maganda ang sayaw ko dahil pinagtitinginan ako ng mga tao sa paligid ko na tila ba may alien sa harapan nila.
Bakit ganito naman tumingin ang mga 'to? Ngayon lang ba sila nakakita ng babaeng marunong sumayaw at hindi pabebe?
"Oh my god? Who is that girl?"
"Mukhang lasing na. Guard, may baliw rito."
"Si Evander ba 'yon? Papalapit siya rito."
Agad ding nawala sa akin ang atensyon nila nang magtungo iyon sa lalaking kasalukuyang papalapit sa dance floor.
Nagtataka kong sinundan ang paningin ng mga tao hanggang sa dumako iyon sa lalake. Ang akala ko noong una ay dadaan lang siya kaya gumilid ako pero nagulat ako nang huminto siya sa mismong harapan ko.
"B-Bakit?" nagtataka kong tanong nang inilahad niya ang kamay sa harapan ko.
"May I dance with you?"