Kabanata 3: Layla

1562 Words
Pagkapasok ko pa lang sa opisina ay nakuwa ko agad ang atensyon ng lahat. Hindi na nakapagtataka dahil sigurado akong kumalat sa buong opisina ang chismis sa ginawa ko kay Stephanie, famous pa naman ang gaga dahik anak ito ng Head ng Team namin. "Ang kapal ng mukha mong magpakita rito after ng ginawa mo sa akin," salubong sa akin ni Stephanie. Masama ang tingin. Nagsilapitan sa amin ang ibang mg impleyado para maki-usyoso sa nangyayare. "Bakit? Ikaw ba ang may ari nitong opisina para katakutan ko?" pang-aasar ko. Mas lalong nangasim ang mukha ni Step. Feeling may ari ng kompanya porket ama niya ang Team Head. Nakapasok nga lang siya rito dahil tatay niya kaya rin maraming feeling kampi sa kaniya noong nag-away kaming dalawa ay dahil gusto ng mga itong magpabango sa papa niya. Mga plastic! Nginisian ko lang siya pero agad na natanggal ang yabang ko nang lapitan ito ni Con at may pag-aalala sa mukha. "Babe, huwag ka ng makipag-away dyan." pagkausap nito sa malandi niyang girlfriend. "Ito kasi! Hindi pa rin siguro makamove on sa 'yo kaya kung ano ano ang pinagsasabi," sumbong niya. "Hindi matanggap na nasa happy relationship na tayo kaya gustong gusto tayong sinarain. Pathetic na bitter." "Kung may bitter man dito, ikaw 'yon. Feeling entitled porket main chic na? Tandaan mong kabet ka muna bago naging girlfriend." Napuno ng bulong bulungan ng ibang impyelado ang hallway dahil sa sinabe ko. Kahit ang ito ay alam na totoo ang sinasabe ko. Ako lang yata noon ang walang kaalam-alam na may something sila. Napuyos ng galit ang mga mata niya. "Bitter ka talaga; Kaya ka iniiwan." Nagtangka itong lumapit sa akin pero agad siyang niyakap sa bewang ni Con upang pigilan. "Ang bitter mo!" Tinaasan ko lang siya ng kilay. Kung sabunutan ang gusto niya. Hinding hindi ko siya tatanggihan. Nasasaktan na siya sa mga sinasabe ko samantalang katotohanan lang naman ang mga 'yon. Kahit maging main chic man siya ngayon, hindi pa rin non mababago ang katotohanan na kabet lang siya. "Anong nangyayare rito?!" Natigilan kami ng lumabas mula sa opisina niya si Sir Albert, ang ama ni Stephanie at siya ring Head ng Team namin. Agad akong itinuro ni Stephanie. "Siya Daddy! Ang babaeng 'yan. Kung ano anong mga chismis ang pinapakalat sa akin. Hindi pa ba sapat na sinaktan niya ako? Ngayon gusto niya pang sirain ang pangalan ko." "Is that true, Layla?" ako naman ang sunod na binalingan ng tingin ni Sir Albert. Pansin ko agad ang masama nitong tingin sa akin. Kung wala lang siguro ibang taong nanonood ay baka napatay niya na ako dahil sa pang-aaway ko sa baby girl niya. "Totoo," walang kagatol-gatol kong saad. Mas lalong sumama ang tingin sa akin nito. "Mukhang nawala na sa 'yo ang salitang paggalang, ija. Sumunod ka, mag-uusap tayo ngayon din sa opisina ko. Kung sa tingin mo hahayaan kong ganito ang attitude mo sa trabaho pwes nagkakamali ka!" Kung dati hinahayaan ko na tapak-tapakan ako ng mag-amang ito para lang mapromote ako, ngayon hindi na! Total tatanggalin naman na ako nito sa trabaho lalo na ginawa ko sa anak niya. Hindi ko na kailangan igalang pa siya. Ang galang ay ibinibigay lang sa mga taong iginagalng ka rin. "Hindi na kailangan, Albert." Inilabas ko ang tissue sa bag ko. Nakalagay roon ang salitang 'I Quit' at iniabot sa kaniya. Sinadya ko talaga dyaan isulat yan. Nakakatamad kung gagawa pa ako ng apology letter. Ayoko ring gumastos pambili ng papel kaya ang nakuwa kong tissue kanina sa CR ng mga girls ang ginamit ko. Nagtataka niyang binuksan ang papel. Kita ko ang galit sa mata niya ng makita ang nakalagay. "Anong klaseng apology letter ito? Sa tissue paper? At dalawang salita lang ang nakalagay? Nagpapatawa ka ba, Layla?" Nagkibit balikat ako. "Total tanggal naman na ako. Wala na akong dahilan pa para manatili rito. Maraming salamat, Sir Albert. Nakakatuwang hindi ko na kayo katrabaho." Tumalikod ako at nagsimulang maglakad papaalis. Sumunod naman sa akin ang paningin ng mga chismosong empleyado. Nagtungo muna ako sa work place ko bago ako tuluyang umalis. Balak kong burahin ang lahat ng mga files na nakalagay roon dahil sigurado akong bubuksan nila 'yon pagkaalis ko. Nandon pa naman ang lahat ng mga project proposal ko. Hindi pwedeng magbenefit sila sa pag-alis ko. Napansin ko agad ang kakaibang desenyo ng opisina. Parang lahat nakaorganize, malinis at organize naman ito dati pero parang iba ngayon. May bisita bang darating? "Layla!" Napabaling ako gilid ko nang makita ko si Isabella. Nagmamadali itong tumakbo papalapit sa akin, humahangos. "Okay ka lang? Narinig ko ang nangyare kahapon. Totoo bang nagquit ka na sa trabaho mo? Saan ka na magtatrabaho nyan kung ganon?" nag-aalala niyang tanong. Sa lahat ng mga katrabaho ko, si Isabella lang ang taong hindi ako iniwan noong nagkaroon ng problema. Hindi siya plastic hindi gaya ng iba na biglang nawala na parang bula dahil lang hindi pumabor sa akin ang lahat. Si Isabella lang ang naging totoo kong kaibigan. "Tama ang narinig mo, kakaquit ko lang. Tungkol naman sa trabaho, wala. Baka mag-apply ako sa ibang kompanya." Ngayon, isa na lang ang problema ko. At iyon ay kung saan namang kompanya ako maghahanap ng bagong trabaho... Isa sa mga dahilan kaya tiniis ko ang ugali ni Stephanie at ng Papa niya ay dahil gusto kong mapromote at maging permanente, matapos din kasi ang sahod sa Yarel Company kumpara sa ibang mga kompanya. At the end, wala rin nagawa ang pagtitimpi ko. Natanggal rin ako sa trabaho... Naupo siya sa tabi ko at pinanood akong idelette ang lahat ng mga files sa computer ko. "Kapag nalaman nila Stephanie at Sir Albert ang ginagawa mo. Siguradong magpupuyos sa galit ang dalawang 'yon. Narinig ko kanina balak nilang buksan ang computer mo para makuwa ang laman. Napangisi ako sa narinig. Sinasabe ko na nga ba! Magkadugo talaga ang mga hinayupak! "As if naman hahayaan ko silang magawa 'yon. Ano nga pa lang ganap? Bakit parang nakaorganize naman yata ang buong opisina?" nagtataka kong saad. "Dumating ang magiging bagong CEO, biglaan. Kanina lang na-announce. Naghahanap ng bagong secretary." Nakuwa non ang atensyon ko. Iyon ba ang anak ng dating CEO na nagresign na? Kaya naman pala parang naghahanda ang lahat. Hindi ko pa nakikita ang anak ng dating CEO kaya wala akong ideya sa itsura nito. Bahala na! Nagquit naman na ako. Hindi ko na dapat pang iniintindi ang mga 'yon. "Si Stephanie na ang iniinterview ngayon," aniya. "Hindi ko lang alam kung makakapasok siya sa tulong ng Daddy niya dahil mismong CEO ang magi-interview. Since open sa lahat ang position na 'yon." "Wait, anong sabi mo? Open sa lahat?" Kung open sa lahat. Ibig sabihin ba non ay maari akong mag-apply? Total ay wala na rin naman akong trabaho. Magiging paraan ko na rin ito upang makaganti kay Stephanie! "Oo? Teka? Don't tell me balak mong mag-apply?" gulat niyang bulaslas. Nginisian ko lang siya. "Anong mga kailangang requirements?" Kinuwa ko ang resume ko sa ibaba ng desk. Sakto at nandito ko lang itong tinabe. Hindi ko alam na magagamit ko pala ito ngayong araw din. Wala pang isang oras matapos kong magquit, mag-apply ako ulit. "R-Resume lang—Teka! Saan ka pupunta?" Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa CEO's office. Napansin ko agad ang ibang mga impleyado at outsider na mukhang kakatapos lang mag-apply dahil malulungkot ang mukha. "Mukhang wala na tayong pag-asa..." "Sayang, kung natanggap sana ako edi subrang saya ko ng pagsilbehan si Mr. Ruzz." Nangunot ang noo ko sa narinig. Bakit parang familiar sa akin ang pangalan na 'yon? Para bang narinig ko na sa kung saan... Ikinibit balikat ko na lang ang narinig at nagtuloy tuloy sa pagpasok sa elevator. Pinindot ko ang Top floor kung nasaan ang office ng CEO. Wala pang ilang minuto ay narating ko na agad ang Office ng CEO. Kung tama ang sinabe ni Isabella, ibig sabihin ay si Stephanie na ang iniinterview ngayon. Sakto! Kung nagawa niya nga akong tarantaduhin dapat narealized niya rin na kaya ko rin siyang tarantaduhin. Dere-deretso akong pumasok sa loob ng opisina. Nakuwa ko agad ang paningin mga ito dahil sa biglang pagpasok ko. Doon ay naabutan ko si Stephanie na nakaupo sa gitna habang nasa harapan niya ay ang tatlong interviewer, ang Daddy niya, at ang dalawa pang lalake na nasisiguro kong mga Head din ng ibang Team. "Anong ginagawa mo rito?" Gulat na bulaslas ni Stephanie nang makita ako. Nagtuloy tuloy ako papasok at inilapag sa harapan ng mga interviewer ang resume ko. "I am Layla Sagrado, applying for the CEO's secretary position. Is it still available?" Galit na napatayo si Sir Albert. "Miss Layla! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" "Narinig ko, open daw ang posisyon sa lahat. Wala naman sigurong masama kung mag-apply ako? Total wala na rin naman akong trabaho, nagquit na ako hindi ba? Kaya gusto ko sanang mag-apply. Afterall, who doesn't want to be the CEO's secretary—" "You're hired," aniya ng kung sino. Nagtataka kong nilingon ang boses na 'yon ngunit natigilan ako ng makita ang taong nasa likod. S-Sandali? Anong ginagawa niya rito? Anong ginagawa ng taong ito dito? "I-Ikaw?" gulat kong bulaslas. Ngumisi siya dahilan upang magsilabasan ang dimple niya. "Oh, looks like I forgotte to introduce myself yet to my new secretary. I am Evander Ruzz, The New CEO."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD