Si Isabella ang humarap dito. "C-Con? Anong ginagawa mo rito?" tanong niya sa lalake. "Gusto ko lang sanang makausap ang kaibigan mo, Isabella... nang kaming dalawa lang. Pwede mo ba kaming iwan—" "Hindi na kailangan." Hinarap ko siya. "Ano bang gusto mong sabihin sa akin at kailangan mo pa talagang paalisin si Isa? Pwede mo namang sabihin ng nandito siya." "Gusto ko sana yong tayong dalawa lang." "Bakit pa?" Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Sinayang mo na ang isang taon ng buhay ko, Con. Bakit kailangan mo pang sayangin ang oras ko ngayon? Ano bang gusto mo? Ha?!" "Layla.." Hinawakan ni Isabella ang braso ko para patigilin ako. "Sa tingin ko tama lang na sa private kayo mag-usap. Pinagtitinginan na kayo. Baka kung ano ano na namang chismis ang kumalat sa opisina kapag nandito kayo."

