Bakit ganyan sila kung makatingin? Kung makatingin kasi sila ay para bang may alien sa harapan nila. Nakakaconcious tuloy. Pangit ba ang pagkakamake up sa akin ni Shanaia o mukha lang talaga akong weird tignan? Dapat talaga hindi na ako pumayag pang magsuot ng ganito, ayan tuloy! Hindi ko na lang sila pinansin pa at nagpatuloy sa paghahanap sa Boss Ko. Mabilis ko rin siyang nahanap nang sundan ko ang mga grupo ng reporters na nagkukumpulan. Halos hindi ko na siya makita dahil napapaligiran siya ng mga ito, mabuti na lang talaga at matangkad ang Boss ko, hindi ako ganong nahihirapang mahanap siya ganitong sitwasyon. Hindi muna ako lumapit at hinayaan muna siyang makipag-usap sa mga ito. "Sir Evander, how does it feel to finally become the youngest CEO of YS? A luxurious jewelry company i

