Bumalik ako sa upoan ko para gawin ang trabaho ko. Ramdam ko ang tinging ibinabaling sa akin ni Evander pero hindi ko lang siya pinansin. Ganyan siya palagi, minsan nahuhuli ko pa siyang nakatingin sa akin pero kapag naman nahuhuli ko siya ay hindi man lang umiiwas ang gago at nagpaflying kiss pa. Nasanay na lang ako. Pinilit ko ang sariling magfocus sa ginagawa pero hindi ako nagtagumpay dahil sa biglang pagbukas ng pinto ng CEO's office. Pumasok mula roon ang isang babaeng hindi pamilyar sa akin pero mukha siyang may lahi. "Oh my Evander! Hindi mo sinabe sa aking nakauwi ka na pala." Hindi ako napansin nito dahil nagtuloy tuloy itong papasok. Lumapit sa boss ko. "I really miss you, babe." "Helena? You're here?" gulat na napatayo si Evander. "Bakit napadalaw ka yata?" "Because I miss

