“HETO na po iyong photobook na ipinapahanap n’yo sa `kin. Medyo natagalan po dahil wala na pong copies na available dito sa Pilipinas. I ordered it online. Ipinadala ko na rin po ang ilang kopya sa address na ibinigay n’yo. Copy n’yo na po ito. Mayroon din po akong isa. The book is very inspiring and uplifting.” “Thank you,” ani Jace habang tinatanggap ang libro na ipinahanap niya sa assistant niya. Tinawagan kasi siya ni Jessie noong nakaraang linggo upang itanong kung saang bookstore mabibili ang photobook na ibinigay rito ni Phylbert. Bibigyan daw nito ang ilang mga kaibigan nito sa ospital na may kaparehong karamdaman. Nais daw nitong ma-inspire din ang kapwa nito nagdurusa sa cancer. Dahil hindi sila nag-uusap ni Phylbert, ipinakausap niya ito sa assistant niya upang maibigay ang tit

