SINIKAP ni Phylbert na magpakakaswal kahit na ramdam niyang nakatingin sa kanya si Jace. Nakikipaghuntahan siya sa ilang mga kaibigang babae na dumalo sa party ni Mommy Bianca. Nang makita niyang dumating sa pagtitipon si Jace kasama ang mga magulang nito ay ginawa niya ang lahat upang makaiwas dito. Kung sino-sino ang kinausap niya upang hindi ito makalapit. In all fairness to him, hindi naman ito nagpumilit. Nang minsang magkasalubong ang mga mata nila ay nginitian lang siya nito. “Hi, Phylbert.” Napatingin siya sa ginang na bumati sa kanya. “Hello, Tita Rachelle,” nakangiting bati niya rito. Hinagkan niya ito sa pisngi. “You look great.” Tila bahagya pa itong nagulat sa paraan ng pagbati niya. Maybe, she didn’t expect her to be so nice after what happened between them. Kung inaasah

