CHAPTER 01

4499 Words
01 — CLIENT I'm not sure why I'm still here, even though I'm getting tired of hearing my cousin's explanation of his proposal to me. "Goddamn it! You are aware that I have never worked with a male client!" I obstructed him. I don't care if my boss is giving me death stares for yelling at Yvann. I know she has a huge crush on him. "I know, but give it a shot. It is not that he will—" "You better stop it there!" Pagbabanta ko. He sighed in frustration, but his handsome face never turned ugly. He dropped down his hands and looked for Miss Jennie, my boss. Alam ni Yvann hinding-hindi niya gugustuhing magalit ako kapag babanggitin niya ang salitang iyon sa akin. Agad namang kinuha ng boss ko ang aking atensyon. "I'm giving you this not because you're Mr. Casteliogne's cousin but because you're my best therapist here." This is an incredible opportunity for you!" She said it in a lovely tone. "Aside from that, Mr. Alferez is a serious big client, and you can get more than your total annual salary here. To think na tatlong buwan ka sa kanya mag-aalaga pero ang kikitain mo ay katumbas na ng sampung taon mong pagtatrabaho dito," Yvann seconded. I arched my brow. I tried calculating the numbers on my head, and I almost retch when I sum up the total money I'll get from this client, if ever. That was beyond big. Damn! I could retire and investing my own business if given. Aba, puwede akong magbuhay prinsesa in an instant. I heard them talking about that client. So, originally it was Yvann's idea since he knew my line of work as a therapist and a nurse for a degree. Ito namang boss ko agad pumayag kahit wala pa akong sinasabi kasi nga hindi ito para lang sa akin kundi pati din dito sa Prime Wellness Rheuma-Ortho Clinic. We are a growing physical therapy clinic, and having this kind of client will boost our credibility and the clinic's name. "Still a no for me," I said. Malaki man ang halaga na makukuha ko, hindi ko pa rin tatanggapin dahil sa pansarili kong rason. This is more than just a money. Nakita ko ang pagbaba ng balikat ni Miss Jennie at tila maiiyak pa ito. Nang lingunin ko ang pinsan ko ay nanatili siyang seryoso at tila hindi susuko sa pagkumbinsi sa akin. "He is too keen to work with anyone who is not familiar with him, nor to someone he didn't know. Since the accident happened, he became more reclusive kaya wala akong ibang makuha na mag-aalalaga at makakagabay sa kanya to walk again aside from you, Zoey. Now, I am offering this again to you by giving you the option of naming your price," He said. Nagtaas ako nang kilay sa huling sinabi niya. Hindi ko maiwasang hindi makagat ang ibabang bahagi ng labi ko dahil sa temptasyon ng kanyang offer. Ngayon, sinasabi niya na ako ang bahala sa magiging presyo nang aking serbisyo. Ganyan ba siya kadesperada para matulungan lang ang kaibigan niya? That first amount he offered me was unfathomable, but the fact that he's now giving me the option of naming my own price completely blows my mind. That money draws my attention because I live alone and am in desperate circumstances right now due to my father's gambling problem and my mother's death just a month ago. In addition, I have personal expenses in my rental apartment as well as the cost of sending my cousin to school. I just experienced a mental shutdown for all the devastating happenings in my life. "Sorry pero hindi ko kaya!" Tumayo na ako at binalik ang folder sa pinsan ko. "It's an insane idea for me to spend three months isolated in an unknown place with a man," I can't put my trust in anyone, not even my relatives' closest friends. A friend and loved ones betrayed me once, and if that happened again, I'd probably kill myself in an instant."Zoey, please. . . Nagawa mo na rin naman ito dati diba? Doon sa artistang si Melissa Melendrez. She is the worst case we handle, yet you made it possible to get her to walk again," Nabaling ang atensyon ko kay Miss Jennie. That case I handle with Melissa is a breakthrough in my career. Aaminin ko na dahil doon ay naging kilala ang Prime Wellness, but this case is different! "Melissa is a girl! Besides, andiyan si Shane. Magaling din siyang Therapist." Sabat ko. "She will be flying to the US for a client too." Miss Jennie fired back. I rolled my eyes. "Si Ruth or si Charmaine Hope! Yeah, kahit si Charm lang since buntis si Ruth." I will suggest anyone from my workmates to get the hell out of here. Hindi ko man masabi ang tunay na dahilan kung bakit sa kabila ng malaking offer ay matindi ang pagtutol ko sa bagay na ito pero dapat na lang sana nilang galangin ang desisyon ko. Nakita kong tumayo si Yvann at tumingin sa akin ng seryoso. Kinuha niya ang folder saka pinatong iyon sa aking binti. This time, I can see the coldness in his eyes, indicating that he is dead serious about this matter. He is determined to get me to be his friend's personal physical therapist. "I'm not going to waste my time to travel over thirteen hours to come here and beg your assistance if this client isn't important, Zoey!" He said in a deep calm voice, but I bet it's dangerous. I chewed my lower lip as I lowered my gaze. When Yvann is extremely upset, he is most likely the most unlikable person. He is a well-known actor and a billionaire businessman, so seeing him in this state is terrifying. When he didn't walk away to return to his seat, I swallowed a tight knot of panic in my throat. He is now hell-bent on convincing me to accept his proposal. Pinilit kong hindi mataranta habang kinukuha ang folder na pinatong niya sa binti ko. Ano ba ang inaakala nila sa akin? Miracle worker? Hindi naman ako si Nora Aunor o kahit na si Quiboloy para magpagaling in an instant. My head felt like a vice was pressing against my temples. I tried to think of an escape route, but it was immediately blocked by my financial needs every time I did. Mariin akong napapikit saka malalim na bumuntong-hininga. I took the folder and opened it. "Is this all his medical reports?" I asked before turning my attention to them. My boss was relieved to see me scanning the folder, but Yvann was still grumpy with me. I believe he is still unsure whether I will accept this offer. Tumayo ako habang patuloy na binabasa ang laman ng folder tungkol sa magiging bagong kliyente ko. I am focused on his medical reports that I did not bother to look for its name. "Don't expect too much from me, but I'll do everything I can to get him walking again within three months," I said. "I have some scans here that your cousin e-mailed me before he arrived. Send ko sayo mamaya." Miss Jennie told me as she started to click the mouse on her computer. According to what I've read, my client suffered a spinal injury in a severe accident, and it's a miracle he's still alive. It was also stated that he had been in a comatose state for nearly five years. Ayon din dito ay may mararamdaman siya sa kanyang mga binti pero hindi niya ito maigagalaw o maitatayo ng walang aalalay sa kanya. Throughout the years, my cousin was in charge of his medication. He already had opinions from a neurologist and some orthopedics in another country that his bestfriend might not be able to walk again due to the damage that the accident caused to both of his legs. I read similar reports from previous clients, including Melissa Melendrez, and tried not to influence me when dealing with them. I have my own methods for turning the impossible into the possible. Some spinal injuries could be devastatingly permanent, others are relatively minor, and some are in between. Dumedepende naman talaga iyon sa uri ng injury na natamo ng kliyente at sa pag-uugali na rin niya throughout the therapy period saka yung kalusugan din ay isa sa pangunahing isinasaalang-alang dito. I like to use a combination of traditional and alternative therapies, as I did with Melissa. The progress is painfully slow at first, and she almost gives up, but I don't. For five months, I devised her dietary and therapy plans. I changed her usual diet and exercise routine, and I was always focused on how her muscle could work again to help her bone walk again, and it was eventually successful. And now, here I am again, dealing with another complicated client. A male client, to be exact. In my five years of being a therapist and a nurse, I never dealt with any male client aside from a child. I am off with them for a profound reason. "You'll be staying in Italy. Ako na ang bahala sa pag-alis mo. Wala ka ring dapat ipag-alala dahil sagot ko ang lahat ng gastusin doon at may weekly personal allowance ka rin mula sa akin." Yvann told me. Aba, galante! "Whatever!" I made a b***h face towards him na kinangisi lang niya. After that heated confidential meeting with Yvann and Miss Jennie, I returned to my cubicle to finish my work before heading home. I can't imagine living on a remote Italian island for three months, babysitting a mysterious patient. I think I'm palpitating just thinking about any scenario that comes to mind right now. "Anong pinag-usapan niyo sa loob?" it was Shane, my co-worker, and my bestfriend too. "Wala. Panibagong kliyente lang," matamlay kong sagot. "Really? Sino?" I shrugged my shoulder. "Hindi ko pa kilala. Confidential daw," Yvann warned me not to tell anyone about my newest client because, aside from the fact that it's confidential, no one should know him at the moment. Hindi ko tuloy maiwasang hindi magtaka dahil sa pagka misteryoso ng taong iyon na talagang binalaan pa ako ng pinsan ko. Sana talaga hindi iyon dating serial killer or psychopath at baka iyon ang magiging katapusan ko. "Ay grabe! Suwerte mo talaga sis!" Hinampas hampas pa niya ako na akala mo naman masaya ako sa bago kong kliyente. Tinapik ko nalang yung kamay niya saka nilagay ang tumbler sa bag ko. Tinignan ko ang oras sa wall clock at nakita kong mag-aalas sinko na pala. "Asa'n si Charm?" Tanong ko nang matapos ako sa pag-aayos ng sarili ko. Shane roamed around her attention. Hindi ko nakita ang babaeng iyon simula nang lumabas ako sa opisina ni Miss Jennie. "Baka nagpunta lang sa washroom." Sagot ni Shane sa akin saka hinugot ang cellphone niya mula sa bulsa ng scrub suit. "Wait, text ko siya!" Dagdag nito. Tumango lang ako saka umalis sa cubicle ko. Naglakad kami papunta sa receiving lounge at doon naupo sa isa sa pahababg sofa at naghintay sa isa pa naming kaibigan. Balak namin ngayong pumunta sa foodpark dito lang din sa Pasay para makapagbonding bago umalis itong si Shane papuntang US sa susunod na araw para sa isa niyang kliyenteng NBA Player. "Hey! Sorry, nagpaganda pa ako." Natatawa na bungad sa amin ni Charmaine. "Don't tell me, nag text ka sa jowa mong sumama sa atin?" Shane told her. "No! Wala na kami ni Finnegan! Gago e, nahuli ko na may ibang babae doon sa Sogo kahapon," kaswal lang na sagot ni Charm. Nagsitaasan naman ang kilay namin ni Shane. Charmaine doesn't look like she's hurt by the fact that her boyfriend cheated on her. Mukhang masaya pa nga ito na wala na sila ng mukhang adik niyang nobyo. We don't like that guy either. Lagi na lang sasama sa amin para maka-libre ng pagkain at inumin tapos napakabastos pa ng bibig. "Ba't parang wala lang sayo?" Tanong ko pa rin. Nauna siyang naglakad palabas ng clinic bago tumigil at hinarap kami. Ngumisi siya at saka hinawi ang kanyang buhok. "Hindi siya worth it iyakan. Mahal ko siya, yes. Pero gago siya! Buti nalang hindi ko sinuko ang perlas ko sa kanya." I somehow smiled at her response, and she had a point—what a tough woman. Sa amin siya itong nagpapalit-palit ng boyfriend pero kahit kailan ay napangalagaan nito ang kanyang p********e. Cheating is a choice and never a mistake. Kapag nagloko ka, pinili mo iyon at ginusto mo. Kasi on the first place kung ayaw mo, hindi mo gagawin. Kung mahal mo ang partner mo, bakit ka magloloko? Hindi partner mo ang niloko mo kundi sarili mo. Ginawa mong gago yang sarili mo sa kakapanligaw tapos gagawa ka nang katarantaduhan tapos sa huli isang sorry lang ang sasabihin nila tapos tingin nila maibabalik pa sa dati ang lahat? They are totally asshole! Mga lalaki talaga ngayon libog lang iniisip nila sarap sapakin at gilitan ng kaligayahan sa baba ng magtanda. "So,tara! Celebrate na natin yang happy break-up mo!" inakbayan kami ni Shane at nakangising nagtaas baba ng kilay. "Of course!" buong galak na sagot naman ni Charm. Natatawa kaming nag-abang ng taxi saka nagpunta sa Food District. Iyon kasi ang lagi naming puntahan magkakaibigan tuwing Friday para na rin i-treat ang mga sarili namin matapos ang isang linggo nang pagtatrabaho. Ito na rin and tingin ko'y magiging huling pagsasama namin sa ganitong galaan dahil nakatakda rin naman kaming aalis papuntang ibang bansa. Well, silang dalawa ay sigurado na at ako na lang ang hindi. Parang gustong mag-shutdown ng utak ko dahil sa kaba na namumuhay sa dibdib ko. May tiwala naman ako sa pinsan ko gaya ng pagtitiwala niya sa akin na mapagaling ko ang kaibigan niya kaso nga lang iniisip ko yung katotohanan na isang lalaking pasyente ang tutulungan at aalagaan ko. "So, usap-usapan na pinsan mo raw yung hot guy na pumasok sa office ni Miss Jennie kanina," Panimula ni Shane sa akin ng makahanap kami ng maganda pwesto dito sa food park. "Hmmm, yes. Si Yvann." I answered plainly. I noticed how my friends' eyes widened in anticipation of a surprise. I told them about Yvann once, but they never met him. Although they searched him on Google and other sites, they still doubted that I was truly related to him by blood. Hindi naman kasi nila nakikita sa mga site na iyon kung sino ang mga relatives ni Yvann dahil mostly ay yung basic personal info lang niya nakapaskil doon. Mukhang hindi rin nila agad namukhaan ang pinsan ko kanina dahil napapalibutan ng sandamakmak na security tapos naka aviator pa ang mokong kanina. "Yvann C-Casteliogne? The hottest bachelor actor in Italy?" Hindi makapaniwalang tanong ni Charmaine. "Yung sinasabi mong pinsan mo?" Shane asked me too. I nodded. "Wala nang iba—" I covered my ears when they scream at the top of their lungs. Agad ko silang sinaway dahil pinagtititnginan na kami ng mga tao. Baka isipin nang mga ito ay may mga baliw akong kasama. "Gosh! No doubt gaganda ng mga lahi niyo! I saw him on a billboard in MOA, then yung trailer ng Givenchy at Guess na siya ang brand ambassador. Pota! He's freaking hot!" Charmaine can't contain her admiration towards my cousin. Napaismid na lang ako. Sanay na ako sa kanila habang pinagpapantasyahan nila si Yvann kahit dati pa na hindi nila alam na magpinsan kami. Hanggang sa dumating yung orders namin ay hindi nila ako nilulubayan ng tanong about him. Ako naman sinasagot yung medyo puwedeng sagutin na tanong, after all, I need to protect my cousin's privacy dahil hindi lang siya siya basta-basta isang showbiz personality, but he has an Empire to run. "Edi, ang yaman yaman mo pala. Pinsan mo higit pa sa bilyonaryo eh!" Si Sharm habang ginagawang hapunan ang sisig na pulutan namin. I raised my brow. "No. Siya lang ang mayaman at ang pamilya niya. Hindi ibig sabihin na magkadugo kami ay pati yaman niya sumadaloy na rin sa buhay ko." Walang kinalaman ang pagiging magpinsan namin o ang pagiging magkamag-anak namin para isipin na mayaman rin ako. Pera niya iyon at pinaghirapan niya. Wala akong karapatan doon. Pero hindi ko tuloy maiwasang hindi tingalain si Yvann kasi siya lang nag-iisang pinsan ko sa mother side but he is living all the fortune in this world. He is a well-known actor, businessman, and icon in Italy because he is the son of an Italian Czar, and his half-brother is also one of the world's top wealthiest youngest billionaires. "Cheers to our safe travels and enjoyable work abroad!" Shane raised her beer mug for a cheer. Nagtaas na rin kami ni Charm ng baso at nakipag-cheer. How I wish I could enjoy my outside-the-country work like what Shane envisioned. Quarter to nine na ako nakarating sa apartment na tinitirahan ko at agad na napangiti ako nang makita ang pinsan kong nag-aaral dito sa maliit na sala. Ito yung pampawi ko sa pagod, ang makitang pursigido siyang makapagtapos nang pag-aaral. "Deshya, kumain kana?" Tanong ko sa sa pinsan ko. Tumigil siya sa pagsusulat at umiling. Nilapitan ko siya at nakitang ang dami niyang mga homeworks at module na tinatapos. "Hindi pa ate. Wala na kasing laman yung ref," Sagot niya sabay tingin doon sa maliit na ref namin. "Kulang na din yung allowance ko pambili sana nang ulam." Natampal ko naman yung noo ko nang maalala na dapat mag-grocery pala ako kanina. Boba talaga! Nawili na ako sa gala naming magkakaibigan at hindi na ako nakadaan sa Supermarket. "Di bale, dinalhan naman kita ng hapunan." Itinaas ko ang hawak kong paperbag. "Halika na!" Buti na lang naisipan kong bumili nang pagkain para sa kanya. I prepared her dinner first before I went to my room to change. Mabilis lang akong naghalf-bath saka nagbihis at binalikan siya sa kusina. Deshya is currently taking up Civil Engineering, and that course is cumbersome in my po. Still, because I saw her determination to finish it, I supported her at my own expense. Napermi muna ako sa aking study table at binuksan ang aking laptop. Sakto namang dumating yung e-mail ni Miss Jennie about doon sa hiningi kong mga scan reports ng bago kong kliyente. This time, I opened the folder Yvann handed me earlier and tried to look at his personal profile. The unfamiliar name caught my attention. I search for his name on the internet, and I almost scream in horror when I found out his true identity. I can see why my cousin keeps him hidden from everyone. I attempted to find more articles about him and came at one that had recently been published. I'm not sure why, but I became suddenly interested in his controversial life. Hindi ko maiwasang hindi kabahan at maawa at the same time. Base on his profile he seems to be a jolly and well-mannered man. Marami ang nagluksa na nag-aakalang wala na talaga siya. I leaned back in my chair, thinking that it would be a dream job for anyone else to take on a man as wealthy and famous as Lyam Timothy Alferez. Akalain mong makakasama ko siya sa isang isla sa loob ng tatlong buwan. Kung ibang babae to' malamang kahit wala na yung malaking sweldo basta makasama lang nila ang lalaking ito. But for me, it was pure torture. My stomach churned at the thought of putting my hands on a tough male body. Working as a physical therapist with a client entails making physical contact. To be specific, there was close physical contact. Hands to the skin, muscle, and hands-on every part of a numb body, massaging and relaxing it. Natigil ako sa pag-iisip ng biglang tumunog ang cellphone ko. I saw an unregistered number come up on the screen, so I immediately pressed the answered button. "Hello, sino to?" Bungad ko. [This is Mrs. Ledesma, ikaw ba ang anak ni Zirudo Imperial?] I was stunned a bit when she mentioned my father's name. "Y-Yes po, ako nga po. Bakit po? Ano po ang kailangan ninyo?" Sunud-sunod na tanong ko. Pagka-rinig ko pa lang na binanggit niya ang pangalan ng Ama ko ay hindi ko maiwasang hindi kabahan. Sa totoo lang ang sarap rin itanggi na anak ako ng lalaking iyon. Hindi ako proud at hindi ako kailanman magiging masaya na kadugo ko siya, lalong-lalo na na ang maging ama ko siya. [Ako ang isa sa mga pinagkakautangan ng hayop mong Tatay! Tinakbo na nga niya ang pera ko ay ginago pa niya ak! Hindi niya bayaran ang nauna niyang utang sa akin na halong isang milyong piso!] My instinct was right! Hearing that, I immediately closed my eyes in frustration. My blood was boiling at my father's mess, which had ruined my life at the time. Namatay na nga si Mama dahil sa sakit at konsumisyon sa kanya, ngayon naman ako pa ang balak niyang gawing panangga sa mga taong pinagkakautangan niya na ngayon ay sinisingil na siya. Napaka-hayop talaga! "M-Magkano po ba lahat ng naitakbo niya?" Lakas loob kong tanong. [Sampung milyon hija! Kasama na diyan ang mga perang ninakaw ng Tatay mo mula sa mga kaibigan namin!] She shouted. Halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya. Sampung milyon? Anong ginawa niya sa ganun kalaking pera? Anak ng tinapa! Saan ako kukuha ng ganun kalaking halaga para ipambayad? Hindi ko alam kung ilang beses ko minura ang magaling kong ama sa aking isipan. Yes, he is my father but he is a total bullshit! Hindi na nga niya kami binubuhay noon dahil lulong siya sa bisyo at sugal tapos ngayon iiwanan pa ako ng problema? Hindi naman ako ang nakinabang sa sampung milyon na yan pero ako ang binabalikan ng mga ito. "Mrs. Ledesma sa t-totoo lang p-po hindi ko alam asaan yung magaling kong Ama. Simula ng mamatay si Mama ay hindi na siya nagpapakita sa akin hanggang ngayon. Yung bahay namin sa Ilocos ay binenta rin niya kaya ako ay dito na sa Maynila." [Wala akong pakialam! Ikaw ang anak niya kaya kung hindi mo mahanap yang tatay mo ikaw ang ipapakulong namin! Kasalanan mo yan dahil anak ka ng isang hudas na scammer!] Wtf? Parang biglang nag-init ang ulo ko sa huli niyang sinabi. Bakit ako ang ipakukulong? Ako ba ang gumastos ng pera nila? Ako ba ang nakagawa ng kasalanan sa kanila? Diyos ko! Anong klaseng buhay ba meron ako? Naikuyom ko ang aking kamao habang pinipigilan ko ang sarili kong murahin itong kausap ko. Kahit paano'y may respeto pa rin ako sa ibang tao. Hindi porket anak ako ni Papa ay may karapatan siyang bastusin ang pagkatao ko. Kahit pa sabihing anak ako ng kriminal, hindi iyon dahilan para tignan ako bilang isang kriminal din. Hindi ko rin kasalanan na anak ako ni Papa at hindi ko kasalanan ang kasalanan niya sa mga taong ito. "Mawalang galang na po Ma'am pero sumusobra naman ata kayo? Yung kasalanan ng Papa ko ay hindi ko kasalanan. Hindi po ako ang nagkautang sa inyo! Mas lalong hindi ako ang nanggantso sa inyo!" Depensa ko. Narinig ko pa ang pagtawa niya sa kabilang linya. [Ah basta! Bayaran mo ako nang sampung milyon. Kapag hindi mo nabayaran iyan sa loob ng isang buwan, sa kulungan ka pupulutin kasama ng pinsan mo!] Nagulat ako nang banggitin niya si Deshya. This woman is wicked. For sure, pina imbestigahan niya ako bago pa siya tumawag sa akin kaya ganito kalakas ang loob niyang singilin ako sa hindi ko naman inutang na pera sa kanya. Halos ibato ko ang cellphone ko matapos ang tawag na iyon. I screamed out of frustration because of what my Father left in me. Ten million dollars is not a poop that it should just dump in a toilet bowl. Even if I worked overtime every day for a year, I wouldn't be able to come up with that much money in my bank account. Mrs. Ledesma then gives me a month to save that amount? That is nearly impossible! Kanina pag-check ko sa aking bank account ay simot na ang naipon ko sa ilang taong pagtatrabaho ko sa Prime Wellness dahil sa pagpapalibing kay Mama, sa pagbayad ng maliliit na utang ni Papa na ako rin ang sinisingil dahilan kaya lumipat ako dito sa Maynila kasama si Deshya. Idagdag mo pa na pinapaaral ko pa iyong pinsan ko sa isang private University at yung pang-araw-araw na gastusin dito sa apartment. I heard a knock on the door. I know it was Deshya, that is why I asked her what she needs. "Ate Zoey, nagpunta pala si Aling Paring dito kanina naniningil na sa upa natin. Tatlong buwan na raw tayong hindi nakakabayad. Kapag hindi pa raw tayo nagbayad sa katapusan papaalisin na tayo rito." Laglag ang balikat ko nang marinig ko iyon. Sabay-sabay na problema sa isang gabi ang sumalubong sa akin ngayon. Nagsisimula nang magkalkula ang utak ko sa lahat ng babayaran ko sa buwang ito at halos ikawala ng ulirat ko iyon. Wala sa sariling napatingin ako sa aking laptop at sa folder na nakalahad sa mesa. Mariin akong napapikit at hindi maiwasang maghinaing dahil sa problemang kinakaharap ko ngayon. Was fate really playing tricks on me? How can I refuse this job that Yvann has offered me when I am in desperate need of financial assistance right now? Malaking bayarin rin ang kailangan kong ipunin para dito sa upa sa apartment dahil alam ko na hindi na talaga magbibigay ng palugit si Aling Paring sa akin. Hindi ko rin pwedeng isawalang bahala ang banta sa akin ni Mrs. Ledesma lalo pa at sa tingin ko alam na niya kung saan ako nakatira at alam niya bawat galaw ko. Hindi rin pwedeng tumigil ang pinsan ko sa pag-aaral. Ayokong masira ang pangarap niya dahil lang hindi ko na siya kayang pag-aralin. Nangako ako kay Mama ay nangako ako ang bahala kay Deshya kaya hindi siya pwedeng tumigil ng pag-aaral. Parang gustong sumabog ng utak ko doon sa problema kay Papa. Kahit kailan sakit ng ulo nalang talaga ang iniiwan niya sa amin. Hindi ko namalayang napaiyak na pala ako sa sobrang sama ng loob. Napahilamos nalang ako sa mukha at hinayaang mapagod sa kakaiyak. This time, I think I had no choice but to accept the nightmare I've been avoiding for almost three years now—to be near with a man again. Pinipigilan ko ang mga alang-ala mula sa tatlong taon na nakalipas na iyon. Hindi ito ang tamang oras para mas manaig ang takot ko. Mas mahalaga na mairaos ko ang buhay namin ni Deshya at makaalis sa problemang iniwan sa akin ng Tatay ko. I began to consider the job that had been offered to me. I'll be babysitting Alferez until he gets out of his wheelchair. It was only for three months. Twelve weeks. Ninety days.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD