02 — DEAL
Isang malakas na kalampag mula sa gate ang nagpagising sa akin. Dinig pa rito sa kwarto ko ang malakas na sigaw mula sa labas kaya yamot akong bumangon.
Pasalamat na sana ako at half-day lang ako ngayon sa clinic pero dahil sa mga nambubulabog sa tapat ng apartment namin ay hindi ko magawang ma-enjoy ang aking umaga.
I put my hair on a messy bun and do a quick mouthwash. Pagbaba ko ay hindi ko nakita si Deshya pero naririnig ko ang boses niya galing sa labas kaya naman sumilip ako sa bintana.
"Asaan na yang lintik mong pinsan! Ha! Pinagtataguan na ako? — Hoy, Zoey! Lumabas ka diyan! Magbayad ka ng renta niyo dito sa apartment!"
Awtomatik na tumirik ang mata ko sa inis ng makilala ang boses na sumira sa umaga ko. Tumigil ako malapit sa pinto saka mariing napapikit. Mukhang hindi kagabi natatapos ang pagharap sa mga problelma at ito ang unang sasagupain ko para sa araw na ito.
"Aling Paring magandang umaga—"
"Walang maganda sa umaga ko bwisit ka! Bayaran mo na ang tatlong buwang renta mo rito!" Putol niya sa pagbati ko at dinuro-duro ako.
Kumapit naman agad sa akin si Deshya at inilayo ako. Takot talaga itong batang to' kay Aling Paring paano siya lagi nabubugahan ng matanda dahil siya ang naabutan dito kapag maniningil.
"Kalma tayo Aling Paring. Kakasikat palang ng araw badtrip na agad kayo." Sambit ko na hindi mawala-wala ang plastik na ngiti sa mukha ko.
Nagtaas siya ng kilay sa akin at masama ang tingin. Ngumisi pa ang adik niyang anak na sinama niya pa talaga rito. Sarap talaga nilang pagbuhulin at isabit sa puno.
"Talagang hindi na kayo sisikatan ng araw na nakatira sa apartment ko kapag hindi ka pa nakabayad."
Palihim akong napabuntong-hininga para kalmahin ang sarili ko. Diyos ko naman! Bakit kasi ngayon pa nagkasunod-sunod ang problema ko sa pera.
Kagabi wala nang laman ang wallet ko maliban sa sengkwentang papel. Mamaya lalakarin ko nalang hanggang labasan saka sasakay ng jeep dahil walang-wala na ako. Malayo pa sweldo.
Nauubusan na rin ako ng rason dito kay Aling Paring dahil sa araw-araw na paniningil niya sa akin.
"Pwede bang bukas nalang ako magbabayad? Kasi wala pa yung sweldo ko saka itong si Deshya—"
"ABA PUCHA KA! Magrarason kana naman? Hindi pwede Zoey! Kung wala kang pambayad magsimula na kayong mag-impake at lumayas dito ngayon!"
Lihim kong naikuyom ang aking kamao dahil sa pagbulyaw niya sa akin. Ako na nga itong nagpapakumbaba ay ako pa itong sinisigawan lang. Akala mo naman hindi ako nagbabayad simula noon.
Sadyang gipit lang ako dahil sa libing ni Mama at doon sa pagbayad ko ng utang ni Papa. Masama pa doon ay yung kaunting naipon ko ay tinakbo pa niya noong isang beses na pinuntahan niya ako rito. Doon na talaga ako sumumpa sa lahat ng santo na itatakwil ko na siya bilang ama ko.
"Ibigay mo na sa akin ng buo ang bente mil at wala tayong problema! Pero kung hindi, simulan niyo na mag-alsa balutan dahil may titira na ritong bagong tenant!"
"Aling Paring, last na 'to. . . bukas na talaga yung last chance. Walang-wala pa ako ngayong araw. Sa hapon pa balik ko sa trabaho!" Paliwanag ko sabay abot sa kamay niya pero winaksi niya iyon.
"Hindi! Kung wala kang pambayad, lumayas na kayo rito!" Saka niya ako tinulak dahilan para matumba ako at mapaupo sa lupa.
Agad naman akong dinaluhan ng pinsan ko at inalalayang makatayo. Napakalakas talaga ng matronang ito.
Napangiwi pa ako nang maramdaman yung sakit sa aking puwet at balakang. Malakas talaga yung pagkakatulak niya sa akin. Hindi man lang nakaramdam ng awa at talagang inirapan pa ako.
Yung kumag naman niyang anak nakangisi lang sa likuran niya. Mukhang adik nga talaga. Palamunin at palaki lang ng itlog ang alam. Bwisit!
Kahit sobrang naiinis ay pilit kong kinalma ang sarili ko. Sayang ang facial mask ko kagabi kung wrinkles ang aabutin ko sa mag-inang ito.
"Aling Paring, baka po sa huling pagkakataon ay bigyan niyo kami ng palugit ni Ate Zoey para makapagbayad ng buo sa inyo..." Wika ni Deshya.
"Isa ka pa! Palamunin ka ng isang ito kaya dagdag gastos ka sa buhay niya, paano kasi malandi mga magulang mo—"
"AALIS NA KAMI!" Sigaw ko.
Mariin kong hinawakan si Deshya sa tabi ko at galit na nakaharap kay Aling Puring. Kusang nalusaw ang magandang pakikitungo ko sa matandang ito dahil lang sa huling sinabi niya.
Kakayanin kong laitin niya ako pero wag' na wag' niyang idadamay ang pinsan ko dahil wala siyang kinalaman sa mga problema ko.
"Ang ipinunta niyo rito ay para maningil lang sa akin at hindi ang insultuhin ang pinsan ko! Ngayon kung hindi niyo kayang rumespeto, atleast mahiya naman kayo! Dahil kung ikukumpara ang pinsan ko diyan sa anak niyong adik ay mas may pakinabang si Deshya!" Nanggagalaiti kong patutsada.
Kahit kailan hindi ko tinignan si Deshya bilang isang pabigat sa akin. Oo, malaki ang binabayad ko sa tuition at school fees niya pero masaya pa rin ako dahil top honor student siya at maganda ang standing sa eskwelahan.
"Aba! Anak ng demonyo ka! Anong karapatan mong laitin ang anak ko—"
"Eh, ano rin ang karapatan mo na insultuhin ang pinsan ko?" Putol ko. Humakbang pa ako ng isang beses saka siya inastahan.
Mas matangkad ako kay Aling Paring ng tatlong pulgada kaya naman napangisi ako nang iangat niya ang tingin sa akin. Mabait ako sa mabait pero hindi ko rin sinabi na hindi ako maldita.
Hindi ko na nga ito pinapatulan kahit likas na tsismosa dito sa kanto namin pero hindi ko mapapalagpas na pagsabihan niya ng masama ang natitirang pamilya na meron ako.
"Yabang mo ah! Eh, isang libo lang naman ang halaga mo—"
Isang sampal ang pinalasap ko kay Beri nang ako naman ang ininsulto niya. Pinakaayaw ko sa lahat ay yung tapakan ang dignidad ko bilang babae. Hindi lahat ng babae pera lang ang katapat at halaga.
Mahirap lang ako pero kailanman hindi ako nagbenta ng sarili ko para sa salapi. May pinag-aralan ako at double degree holder kaya kahit kailan hindi ako magiging isang bayarang babae.
"Ganyan ka na ba ka bitter sa pamba-busted ko sayo at kailangan mo akong insultuhin? Seriously Beri? Naging bakla kana ata ngayon?" Ako naman ang mang-iinsulto sa kanya.
Akma niya akong susuntukin nang may isang magarang kotse ang tumigil sa harapan namin. Bumusina pa ito dahilan para maibaba ko ang aking nakaambang kamao para sana sa mukha nitong si Beri.
The SUV was a white Range Rover. After a short while, a guy wearing casual business attire without a suit coolly emerged from the driver's seat. I noticed Beri's gleaming eyes as she approached the car.
For sure, may balak na namang masama ang damuhong na 'to!
"Zoey!" I arched my brow upon recognizing that voice. "What's going on here?"
It was Yvann in his bored expression walking in my direction. Para namang naging ginto ang mga mata ng dalawang kaaway ko at nagsiatrasan bigla.
Tumigil ang pinsan ko saka nagtataka akong tinignan kaya naman agad kong inayos ang sarili ko. Sunod niyang sinulyapan ay sila Aling Paring at ang anak nito.
"Cosa sta succedendo qui?" (What's happening here?) He asked me.
Humugot ako ng malalim na buntong-hininga saka masamang tumingin sa dalawang kaharap ko. Yung dalawa naman ay hindi maalis ang tingin sa pinsan ko na akala mo nakakita ng malaking baul na maraming ginto.
Umiling ako kay Yvann. "Niente!" (Nothing!)
He raised his perfectly groomed eyebrows at me. I raised mine too.
"Che ci fai qui? Hai davvero il coraggio di venire in questo tipo di posto." (What are you doing here? You really have that courage to come to this kind of place.) Nakangisi kong sambit sa kanya.
Aba! Puwedeng maihambing sa Tondo itong lugar namin saka maraming adik at mga halang ang kaluluwa dito. Pasalamat nalang ako walang kumakanti sa akin dito dahil doon sa nakaraang ginawa ko sa isa sa mga tambay na nagtangkang mambastos sa amin ni Deshya.
"Sono qui per il tuo contratto e i documenti legali necessari per la tua partenza." (I'm here for your contract and the legal papers needed for your departure.)
Para naman akong natauhan sa sinabi niya. Huminga ulit ako nang malalim saka napatingin sa mga taong nakapaligid sa akin. They're eyeing us weirdly. Mukhang hindi nila kami maintindihan ni Yvann.
"Okay, sa loob na tayo mag-usap," Sambit ko saka inaya na siya sa apartment.
Tumango naman ito kaya tumalikod na ako pero sa aking paghakbang ay agad naman akong sinigawan ni Aling Paring.
"Hep! At saan ka pupunta? Bayaran mo ang utang mo sa renta dito at wala akong pakialam kung andito ang mayaman mong jowa! Bayaran.mo.ang.utang.mo!" Ngayon ay nanlilisik ang mga mata niya sa akin.
Agad naman akong nagpunta sa harapan niya at winaksi yung kamay niyang nakaduro sa akin. Nakakawalang respeto ang mva ganitong matatanda na walang modo kumausap sa ibang tao.
Nakakapanggigil!
"Una sa lahat hindi ko yan jowa! Pangalawa, bukas ako magbabayad dahil walang-wala ako! Pangatlo, pinsan ko yan! Pang-apat wag' na wag' mo akong sisigawan dahil yang amoy ng bulok mong bunganga ang ikakamatay ko kung sakali at manggalaiti ka lalo dahil hindi kita mababayaran kung malegwak ako sa mundong 'to!"
Kung kanina ay handa akong ibaba ang pride ko dahil may kasalanan ako sa hindi pagbabayad ng renta nitong bulok niyang apartment na pasalamat siya at pinatulan ko pa, ngayon wala na. Masyadong masama ang ugali nitong si Aling Paring.
Sa sobrang galit niya ay walang pag-aalinlangan niya akong inabot saka mabilis na hinablot ang buhok ko. Napahiyaw napang ako sa sakit at nakipagsabunutan na rin.
Rinig ko ang sigaw ni Deshya at ang pagmura ni Yvann. Pati si Beri nakisali na rin.
Ay lintik! Bakla din pala itong adik na 'to!
"Tama na p-po Aling Paring!" Pakiusap ni Deshya.
"H-Hindi! Napaka-arogante nitong demonyitang ito!" Sigaw ni Aling Paring.
Ilang saglit ay nakakuha ako ng tyempo at nailayo ko ang sarili ko sa kanya ng malakas ko siyang itulak. Agad na pumagitna si Yvanna at tumingi sa akin ng masama.
Don't tell me he will go to their side. Ako ang ininsulto niyang mga bugok na yan.
"May I ask as to what the issue is here? How much money do you owe them?" He asked me, then turned his gaze to the two people in front of us.
Nagkatinginan naman sila ni Aling Paring at ang anak niya saka napakamot ng ulo. Doon ako napangisi saka umalis sa pagkakahawak ni Deshya sa akin. Kaya napaka-importante na may pinag-aralan eh.
"Tinatanong ng pinsan ko kung anong problema at magkano utang ko sa inyo! Mga bobo!" Sigaw ko na sobrang yamot na sa mag-ina.
Yvann warned me by his death glares. Ayaw talaga niya ng gulo at ayaw na ayaw niyang nasasangkot ako sa mga ganito. Inayos ko nalang ang sarili ko saka matalim silang pinakatitigan.
"How much is her debt? I'll pay for it. Just don't do any scandalous acts here." He said, which surprised and frustrated me.
"Hell no!" Mabilis na pigil ko. "Don't do that! Aalis nalang kami ni Deshya—"
"Thirthy kiaw! Hindi pa kasama ang tubig at kuryente. Partida, may interest pa iyan!" Agad na sagot ni Aling Paring. Ngumisi pa ito dahilan para mas lalo akong maghimutok sa galit.
Twenty thousand lang ang hindi ko pa nababayaran sa kanya pero kung maka-demand siya ng thirty-thousand akala mo parang sinisingit lang sa puno nang papaya yung pera. Mas nainis pa ako dito kay Yvann dahil napakabilis niyang magsuhestiyon na siya ang magbabayad.
"Napaka-mukhang pera mo talaga!" Hindi ko maiwasang hindi siya sigawan. Gusto ko siyang sugurin ulit pero pinigilan lang ako ni Deshya.
Nakita ko nalang na humugot si Yvann ng wallet mula sa bulsa ng kanyang pantalon. Doon ko na siya hinawakan sa braso at saka pinigilan ulit.
"No. Please, just don't include yourself in this mess..." Pagmamakaawa ko. Agad ko namang hinarap ang dalawang asungot at galit na nagsalita. "Mas gugustuhin ko pang sa lansangan tumira kesa dito sa bulok niyong apartment! Pasalamat ka pinatulan ko pa ito!"
"Zoey, just stop!" Yvann shouted at me.
He looks so frustrated and mad at the same time. Natahimik na lang ako saka napairap. Hindi nawawala ang galit sa aking dibdib dahil na rin sa apgsalo niya a problema ko rito sa Apartment. Halos pinapatay ko na nga sila Beri sa aking utak dahil sa pagiging scammer nila.
Yvann takes out his wallet and gets some bluebills. After a while, I noticed him scanning and counting the paper bills. I saw how these two swindlers became astounded at the prospect of holding the money they had conned from my cousin.
Mariin nalang akong napapikit dahil sa ginawa ng pinsan ko. Kahit sabihing pinsan ko siya, wala itong obligasyon sa akin. Ayoko magkautang na loob o lalo na ang husgahan na nadidikit ako sa kanya dahil sa pera.
"It's fifty thousand. I hope that's enough," He handed the thick bluebills to Aling Paring.
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang marinig kung magkano ang inilabas niyang pera. Kahit si Deshya sa tabi ko hindi makapaniwala na ganun kalaki ang ibibigay ni Yvann kay Aling Paring. I just cursed silently. This hustler is really getting into my nerves.
"Hoy pota! Bente mil lang ang utang ko diyan sa upa sa Apartment! Masyado mong pinagbibigyan ang mga mandurugas na yan!" Asik ko.
"Tigil na. Money is the only way to stop them from harassing you," He replied to me.
Mabilis pa sa alas kuwatro na binilang ni Aling Paring ang pera saka tumawa na akala mo nanalo sa lotto. Manakawan sana siya o di' kaya masunog yung pera o mahulog sa imburnal. Punyeta na yan!
"Magaling! Sige, hindi ko na gagambalain yang si Zoey basta ganito ang bigayan—"
"Zoey will not stay here in this unsanitized and dangerous place anymore. I gave you enough money to shut up and never to harm her and Deshya again."
Nagtaas ako nang kilay sa sinabi ni Yvann. BUmayad siya ng sobra para sa renta tapos hindi na kami titira dito? Ano yun?
I tried to get his attention and when turn his gaze at me, I saw how deadly he is. Ramdam ko ang lihim na pagbabanta ng pinsan ko sa sinabi niyang iyon at sa paraan ng pagtitig niya. Nakita kong para namang natakot ang mag-ina
"Pero hijo, hindi naman napapahamak yan si Zoey dito tsaka kilala na siya dito ng mga tambay... Diba Beri?" Sagot ni Aling Paring at agad na siniko ang anak para makahingi ng back-up na mauto itong si Yvann.
"Yang bunganga mong yan ang hindi ligtas—" I didn't finish my insult when Yvann raised his brow to me, and he sent me serious dead stares.
He faced them again and this time, he had this scary enigmatic aura on his back. Si Deshya napakapit pa sa akin. Ramdam din siguro niya yung nakakatakot na side ng pinsan ko.
Alanganing ngumiti si Aling Paring. Ganyan nga dapat marunong silang matakot lalo na sa mga taong inakala nila simpleng mayaman lang. Naku! Baka kapag nalaman ng dalawang to kung sino ang kaharap nila ngayon baka mangisay na nga sila ng tuluyan sa takot.
"They will leave this place with or without your permission and the money I gave you. Now, if you'll excuse us, we'll pack their belongings and leave your filthy apartment right away." He said it in a businesslike tone.
I raised my brow at them, smirking devilishly as they looked scared as a rat. I'm also pleased with how my cousin insulted them and this place. To be honest, I won't live here if it isn't cheap and a little closer to my work and Deshya's University.
"Masunog sana yang pera o hindi kaya mahulog sa imburnal para hindi mo mapakinabangan! Goodbye!" Hirit ko bago ko sila tinalikuran at hinila si Deshya papasok ng apartment.
Masama na kung masama pero sinusumpa ko talaga na mangyari iyon dahil hindi nila deserve ang perang iyon. Kaya hindi umaasenso ang mga tao kasi kapwa mahirap, peperahan. Yung tipong imbes magtulungan para umangat ay gumagawa pa sila ng masama para lumamang. Sobra talaga akong naiinis dahil sa ginawa ni Yvann at yung pagpatol nila Aling Paring sa binigay niya.
"Why did you do that?" I asked him when we entered my apartment.
Nilibot muna ni Yvann ang tingin niya sa kabuuan ng apartment ko. Mukhang hindi niya sukat akalain na sa ganitong lugar ako titira.
"To help you from this mess that you did not even have the care to tell me." Sagot niya nang mabalik sa akin ang kanyang atensyon.
"Damn it Vann! Problema ko yun! Labas ka doon! Hindi porket pinsan kita ay gagawin mo iyon basta-basta nalang! Malaking halaga yung fifty thousand na binigay mo sa kanila!" Inis na sumbat ko.
"Walang katumbas na pera ang kaligtasan mo! Mag-isip ka nga! Kung hindi pa kita pinuntahan dito hindi ko pa malalaman na malaki pala ang problema mo dito sa tinitirahan niyo!"
I rolled my eyes. Of course, I won't do that! Baka nga pati problema ko kay Papa siya na ang sumalo. Hinding-hindi ko sasabihin sa kanya ang iba ko pang problema.
Inis akong napasalampak sa sofa at napatitig sa kawalan. Nawala bigla yung gutom ko. Nangagalaiti pa rin ang kalooban ko sa nangyari kanina. Gusto kong suguring yung mag-inang iyon at pag-umpugin mga ulo nila. Hindi ako satisfied na humirit lang ako nang pang iinsulto sa kanila.
"Ate, saan na tayo titira?" Biglang sumulpot si Deshya sa harapan ko.
Iyan pa ang isang problema ko. Wala sa sariling napahugot ako ng sellphone sa likod ko nanakaipit sa short ko. Tatawagan ko muna si Shane at baka may nalalaman siyang murang apartment para sa amin ni Deshya.
"You will be staying at my condo," Mabilis na sagot ni Yvann na siyang kinatigil ko.
He can't do that. Kaya kong makahanap nang ibang titirahan.
"Hindi na! Maghahanap nalang ako ng ibang apartment—"
"One more rejection and you'll see..." Putol niya saka lumipat sa harapan ko. "Pinsan kita at pamilya tayo! Hindi naman puwedeng pabayaan ko kayo na naghihirap dito! Before Tita Yasmin died, I promised her to look after you and Deshya dahil yun' ang hiling niya sa akin. Alam ko na ayaw mong tinutulungan ka kasi tingin mo kinakaawaan ka but it's not. I am doing this for your mother!"
Natigilan naman ako sa sinabi niya. My mom and Yvann's mom, Tita Yvanessa, are sisters. They are the ones who helped me financially with my Mom's medication and funeral.
Bigla kong naalala ang pinangako ko kay Mama, na aalagaan ko si Deshya at ang sarili ko. Hiniling din niya na patawarin ko si Papa pero iyon ang hindi ko nagawa. My Dad is a total asshole for making my life more miserable.
Narinig ko nalang na inutusan ni Yvann si Deshya na magsimula nang mag-impake. Wala rin akong nagawa kundi gawin din iyon. Hindi na rin nasundan pa nang panibagong bangayan ang naging huling pag-uusap namin ni Yvann. I spent more than half an hour packing my things.
Hanggang sa mailagay lahat ng gamit namin sa sasakyan ni Yvann ay hindi kami nagpapansinan. I am not that mad, but I am guilty of what he said earlier.
I need to fulfill my promise to my mother, which includes having some hard decisions against my beliefs. Including acceptance from my cousin's help and the work he is proposing to me.
Iniisip ko nalang yung future namin ni Deshya. Okay lang sana kung wala ang problema ko kay Papa dahil kakayanin ng pagtatrabaho ko sa Prime Wellness ang mga gastusin.
Tumigil kami sa isang kilala at exclusive na condominium building around BGC. I can tell by the name that it is only for people like my cousin—powerful and wealthy.
The high-rise building exudes opulence and luxury. As we walked in, a lovely receptionist greeted us, and a male attendant led us to an elevator that took us to the top floor of this building.
Mabuti nalang fashionista din ako kahit papaano at itong si Deshya. Hindi kami tuloy mukhang katulong ni Yvann. Habang paakyat kami ay hindi ko maiwasang mamangha pa rin sa mga ganito kagarang mga lugar.
Bihira lang ako magkaroon nang pagkakataon na makatungtong sa mga ganitong uri ng lugar kahit pa sabihin na nakakatanggap ako ng mga kliyenta na mayayaman. This one is beyong being just rich. Damn! Having a life like Yvann's is like having this entire building in a single snap.
"It was Khyfer's condo before. Binili ko sa kanya after he moved out for a long vacation in Maldives." Panimula ni Yvann ng makapasok kami sa isang malaki at magarang unit.
Apart from being his half-brother, I'm familiar with Khyfer Casteliogne. That hottie guy is not only a self-made billionaire but also the world's most powerful man and a well-known architect. Nasabi na rin sa akin ni Yvann na may-ari ito ng isang kilalang architectural academy sa Italy. Nasa lahi nga talaga nila ang pagiging full-package sa kgwapuhan, kayamanan at katalinuhan.
"Wow, ang laki nitong unit mo Kuya!" Hindi makapaniwalang bulalas ni Deshya.
Tulad ko ay ngayon lang kami makakaranas na makatira sa ganito kasosyal sa bahay. Imagine, kung ilang milyong peso ang bili nito. Meron pang sariling infinity pool sa labas at halos maganda lagi ang gising mo dahil sa mga glass wall na nagbibigay daan para makita ang kagandahan ng buong ciudad.
"From now on, dito na kayo titira. I bought this place only to secure my brother's things in here but eventually hindi naman ako nalalagi dito because my life is in Italy,"
"What do you mean dito titira? Pansamantala right? Kasi kailangan ko ring buuin yung pinambayad mo kanina kay Aling Paring at ibalik iyon sayo," Paliwanag ko.
"Here we go again..." He said in a plain bored tone.
He went to the kitchen island and got some grapes to eat. I saw him open the refrigerator, get some water from the pitcher, and transfer it into the glass.
"Dito na kayo titira at sayo ko na rin ipinangalan itong unit, and I already talked to Khyfer about it. Allow this to be a gift from me on your upcoming twenty-fifth birthday para hindi mo na problemahin yung titirahan niyo ni Deshya," He said smiling.
Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kanya. Para akong nakaramdaman ang munting kasiyahan sa dibdib ko. Parang sobra naman ata para maging regalo ang ganitong bagay sa akin. Parang hindi ko ata deserve to'.
I mean, this is too much. Yung pakainin mo na ako kahit sa medyo kilalang restaurant sa BGC okay na ako. Kahit kailan hindi ako nakatanggap ng magagarang regalo and I am not expecting this grand present either.
"Isn't it too much?" I can't help but say that.
Umiling siya. "You deserved this after all you've been through since Tita Yasmin's death and your father's infidelity. So, please stop arguing about everything I've given you. It's all for your future, anyway."
Lumambot naman ang mukha ko sa sinabi niya. Para akong maiiyak sa sinabi niya. Masuwerte pa rin talaga ako dahil nandiyan si Yvann na handang tumulong sa akin at kailanman hindi ako tinuri na iba kahit sobrang layo na nang narating niya at ng pamilya niya. Hindi pa rin nila ako nakakalimutan.
He had to tour us into the whole place. Binigay na rin niya sa akin ang card key ng mismong unit at yung susi ng magiging kwarto namin ni Deshya. Pansin ko rin na pambabae ang interior design ng buong unit kaya alam ko na seryoso siya sa sinabi niya kanina.
He explained everything to us about the things we need to know here, including the rules and regulations of the building. Medyo nagiging komportable na rin itong pinsan kong babae kay Yvann kahit ngayon lang niya ito nakilala nang lubusan.
"So, here are the legal documents for this condo unit," He presented me with a brown envelope. "This one contains your papers, which include your ticket, visa, and passport, as you are flying to Italy tomorrow." He went added as we were seated on the large cream-colored sofa.
"Agad agad? As in? Bukas agad?"
Para akong timang na tinanggap yung isa pang envelop saka binuksan yun pero ang atensyon ko ay nasa kanya.
"You must get my best friend walking again as soon as possible," He reminded me.
I scoffed. "Pinapaalala ko lang sa iyo na hindi ako descendant ni Mang Kepweng o kahit na ni Nora Aunor para mapalakad yang kaibigan mo sa isang orasyon lang ha?"
He smirked on that remarks I had. Totoo naman kasi. Hindi naman ibig sabihin na nagawa kong mapalakad yung isang kliyente ko na may malapit na case sa kaibigan nitong si Yvann ay guaranteed na magagawa ko rin iyon sa kanya.
"Just do everything and set your own premium price for the service. I'm all in on this." He smirked and feeling determined.
"Gosh! Ganyan ba talaga kapag mayaman? Hindi niyo na alam kung saan niyo gagastusin yung mga pera niyo? Ewan ko ba kung bakit super mega extra gusto mong makalakad agad agad kasi yung kaibigan mo! Excited kayo mag swimming? magbasketball? Ano ba?" Hindi ko maiwasang sabihin iyon dahil sa pagkamangha.
Imagine, within three months? Gagawa ako ng mirakulo. Diyos ko!
Hanggang ngayon iniisip ko kung paano ko magagawang sa ganyang panahon ay mapapalakad ko yung kaibigan niya. I mean, I never doubted my abilities as a therapist, but the period of time he required? That is almost impossible.
Hindi na niya ako pinatulan sa huling sinabi ko at hinarap nalang kinausap si Deshya. He assured her that she had nothing to be worried about while staying here alone. Every Saturday, an on-call maid will come here to clean the entire unit. Yvann will give Deshya a weekly allowance for groceries and study materials.
When Yvann announced that he had already paid Deshya's remaining tuition fee for this semester until the next semester in full, I almost cursed him. Kumbaga, graduation fee nalang poproblemahin ko.
"Ikaw na muna ang bahala rito habang wala ang ate Zoey mo. Okay?" Yvann lastly said.
"Opo! Makakaasa po kayo Kuya," Deshya can't hide the happiness in her face now.
I can see how delighted she was with Yvann's generosity. She even came to me and shed some tears of joy as she thanked me. I couldn't be happier about seeing her so close to achieving her dream of becoming an engineer. That is what I want for her—to receive a degree and a decent job.
Nakikita ko kasi ang sarili ko sa kanya noong ako ay nag-aaral pa. Yung hirap at pagod na sumusubok sa determinasyon mong maabot yung pangarap mong makapagtapos at makahanap ng magandang trabaho. I needed to work part-time to support my studies, and by God's grace, I graduated from college as a Suma c*m Laude and with a double degree because I also took a short course in Nursing, which gives me an advantage in finding a more stable job like where I am now.
We had a fine breakfast as per Yvann's treat. Hindi rin daw siya nakapag-almusal dahil maaga siyang nagising para may asikasuhin at dumiretso na lang siya agad kanina sa dating Apartment namin. We had just finished a delicious breakfast and talked about his life in Italy, as an actor and a businessman. To be honest, I am incredibly proud of him for all of his accomplishments and success. He definitely deserves it.
"I believe I have made your life easier, and you no longer need to be concerned about Deshya or the place to stay with its high rental fees. I'm sure you've already made a firm decision on my job offer to you."
When I heard that, I froze. When I consider the possibilities of what might happen if I accept this job, chills run down my spine.
Nilibot ko ang tingin ko sa buong unit at inisip lahat ng ginawa ni Yvann para sa akin. Alam ko na hindi niya ito ginawa para mapapayag ako sa alok niya pero yung utang na loob ko yung mas nangingibabaw ngayon. Ang laking halaga nito na kayang bayaran yung utang ni Papa at magkaroon ako ng negosyo at makapagsimulang muli.
This money could save me from all of my dilemmas in an instant.
Deshya seemed to be comfortable here, and her education in her the last year of college seemed to be well-secured. The contract I'm currently holding outlines all of the benefits I'll gain, as well as the fact that I'll be the one to decide how much I want to be paid for the three-month consignment in Italy. There's also a price range indicated here with the least of already in a seven-digit number.
Ang alok niyang ito ay sobrang nagbigay ng malaking alanganin sa akin ngunit kahit ganun ay tila alam ko na ang magiging desisyon ko sa sa alok niyang maging personal caregiver and therapist ako kay Mr. Alferez.
Pikit mata akong naglabas ng malalim na buntonghininga. Napatingala ako sa kisame at tahimik na ipinasa-Diyos ang lahat. Siya na ang bahalang guambay sa akin at sana'y maging tama itong desisyon ko.
I nodded. To give my life a better future, I must set aside my pride and fear.
"It's a deal."