05 — Dinner
The fresh air turns me into a sleeping beauty right after arranging my things on the cabinet and having a quick shower. I was too tired of all the travel I had from the Philippines up to here, and it is another pain in the ass tomorrow if I'm going to leave this place as per that jerk command.
Right now, I felt like a tourist while sitting on this rattan sun lounger and wearing my mustard color two-piece bikini.
Wala akong ibang magawa kundi e-enjoy nalang ang isang araw na dito ako. Buti nga hindi nasayang tong dinala kong bikini at nagamit ko pa ngayong araw.
Since walang internet dito, I can only rely on books for my leisure time aside from all the beach activities I can do in this paradise. Sunset is coming; that is why I decided to close a Jonaxx book and put it aside. I want to witness its magnificent goodbye.
Who would have thought that I'll be able to travel and came into this place being a therapist? Noon kasi, laging nadi-degrade yung kurso ko at sinasabi na sa massage parlor lang ang bagsak ko. Kahit nga ang pagiging caregiver ko ay ang tingin sa akin magiging yaya ng mga matatandang foreigner lang pero hindi ko pa rin binitawan ang ganitong trabaho hanggang sa napunta ako sa Prime Wellness at naging isa sa mga kilalang physical therapist.
I am thankful that Deshya is doing great on her studies. Hindi rin siya naging sakit sa ulo ko at sobrang maaasahan sa loob ng bahay. Kaya kahit paano ay hindi ako ganun ka nag-aalala sa kanya kahit mag-isa siya doon sa condo na binigay sa amin ni Yvann dahil alam ko na kaya ni Deshya alagaan sarili niya. Sinabihan din naman ako ni Yvann na may bodyguard doon sa premises ng Proscenium at kay Deshya para kung sakali bumalik ang hinayupak kong Tatay ay hindi mapapahamak ang pinsan ko.
Tulad ng paglubog ng araw, ay ang paglubog din ng mga masasakit na nakaraan ko at bukas sa panibagong araw ay panibagong simula para mas maging matatag akong tao sa lahat ng pagsubok na ibibigay pa sa akin ng Diyos.
Napangiti nalang ako at kinuha na ang libro sa table. Sinuot ko na rin yung kimono blazer ko bago pumasok sa loob. Nagbanlaw lang ako saka nagbihis sa isang floral romper saka dumiretso ng kusina.
I'm going to make dinner meal for him bilang pasalamat sa lalaking iyon sa pagpapahintulot na manatili ako rito para sa gabing ito.
"Good evening Ma'am Zoey!" Bati ni Juancho sa akin. Mukhang galing ito sa labas at nakapag driver's uniform.
"Good evening," Bati ko pabalik. "Saan ka nga pala galing?" Tanong ko sa kanya.
"Sa Olbia po. Namalengke at saka bumili ng mga preskang mga seafood." Sagot nito.
Oh, right timing. Plano ko kasing magluto ng Paella at seafood rice casserole.
Nagpaalam naman ako at dumiretso na sa kusina. Doon ko naabutan si Xerma na nag-aayos ng hapag. Mukhang hindi pa siya nakapag-umpisa na magluto.
Agad ko siyang binati dahilan para matigil siya. Binati niya ako pabalik at doon na ako nagtanong sa kanya.
"Can I cook for tonight?"
Mukha namang nagulat si Xerma at napatigil sa pagpupunas ng lababo. Nagpunta ako sa kanya saka nakangiting tinitigan ang mga paperbag na dala na ngayon ni Juancho.
I think that is good for a month. Malayo din kasi ang sentro ng Olbia kaya siguro isahang grocery na ang ginawa niya.
"W-Wala namang problema sa akin Ma'am Zoey pero baka kasi mapagalitan ako ni Sir Lyam,"
I raised my right brow. "Why is that? Hindi ba siya kumakain ng hindi mo luto?"
"Nako Ma'am, hindi kamo kumakain kahit kaninong luto at kung kakain man hanggang dalawang kutsara lang ang naisusubo." Sagot naman ni Juancho na siyang kinaasim bigla ng mukha ko.
Seriously? Balak ata niya mag-suicide by starving himself.
"Lagi po siyang nagpapakalasing sa alak," Dagdag pa ni Xerma na siyang kinailing ko.
That man is absolutely a wasted jerk. Can he be thankful for his second life? Sana naman naisip niya yung purpose niya sa Earth bago niya itapon sa impyerno ulit ang buhay niya. Kaloka!
Umalis ako sa harapan ni Xerma at nagtungo doon sa kitchen island. Kinuha ko ang mga paperbag at tinignan ang mga laman. I started to think of some dishes aside from the two dishes I already plan to cook.
"Ah, so gusto niya pala ng killing me softly effect ng suicide. Abnoy na yun! Pasalamat siya nabigyan pa siya nang pagkakataon mabuhay tapos papatayin lang pala sarili sa lungkot at alak," Sambit ko ng mailabas ang mga sangkap na kakailanganin ko.
Nakita kong natawa nalang ang dalawang caretaker. Ngumisi lang ako at saka nagsimula nang mag-ayos. Kinuha ko ang apron sa isang cabinet at saka pinusod ang may kahabaan kong buhok.
I started to cut some onions and garlic when I started to have some small talk with Xerma. Nalaman ko na anak pala siya ni Juancho at ang Ina nila ay sa kapatid naman ni Yvann nagtatrabaho kasama ang isa pa ning kapatid na lalaki.
"In any means ba, kilala mo na si Lyam?" Tanong ko as I put the gas stove on.
"Noon po. Lagi kasing napupunta si Sir Lyam sa mga Veciarelli noon sa Florence,"
Ang tinutukoy nito ay ang pamilya ni Yvann. But now, Tita Yvanessa is married to Tito Evelio Marcheselli at anak nila si Ate Yna na kapatid ni Yvann, though were sharing the same middle name, which is the Veciarelli.
"Really? Mukhang close nga sila," Naisatinig ko nalang.
Hindi naman kasi ako lumaki dito sa Italya kaya wala akong alam sa naging buhay dito ng mga pinsan ko.
Nagsimula na akong maglagay ng mga pangunahing sangkap sa dalawang sabay na niluluto ko pagkatapos makapaggisa. Si Xerma na din ang pinagawa ko ng dalawang dessert na naisipan ko para naman madali ang trabaho at maaga kaming makapaghapunan.
Pansin ko na sobrang tahimik pala rito lalo na at gabi. Tanging hampas ng mga alon sa dagat lang ang maririnig ko.
According to Xerma, Lyam always stayed at the bar lounge. Minsan nga doon na naabutan ng umaga dahil sa kalasingan. He is a really hopeless case. Sarap niyang bugbugin ng magising sa katotohanan.
I cooked Paella Marinara, Italian Lemon Chicken, and for the dessert, I just prepared Vanilla Pana Cotta and Banana Sundae for options in case he had some food swings. No doubt he would swallow his pride over a little food in his state and as what the caretaker told me.
After an hour of staying in the kitchen, the dishes are all set and inviting to savour it by all the mouth in this house.
Dinala ko na ang dalawang niluto ko sa hapag nang saktong maabutan ko si Lyam na tumutungga ng isang mamahaling alak. Nagtataka ang mukha niya nang makitang ako ang naghain ng mga pagkain sa mesa ngayon.
"You cooked?" He asked me.
I nodded. "Just a simple way to thanked you for letting me stay here, even just for tonight."
I didn't bother to smile or to act like I was really overwhelmed with that forced approval he had for my stay here tonight.
Hindi siya nagpasalamat kaya okay na rin naman. Hinayaan niya akong maupo sa kaharap niyang upuan.
"Would you like to have a glass of whisky?" He held up the bottle he was steadily working his way through.
"Hindi ako umiinom ng alak. Hanggang beer lang ang kaya ko," Sagot ko.
"Oh... Inosente sa alak, bakit? Wala naman sigurong may magbabalak na masama sayo kapag nalasing ka." That was a pure mockery.
Nakagat ko ang ibabang bahagi ng labi ko dahil sa pagpigil na makapagbitaw ng hindi magandang salita laban sa kanya. Wala siyang alam kaya wala siyang karapatan para sabihin iyon.
I choose to take the seat in front of him. Even the way I sway the table napkin through my lap sent a gesture of irritation with him.
"I know how to control myself when it comes to drinking. Besides, hindi ko kailangan ng alak para magkaroon ng good time sa buhay," Then I gave him a serious glance.
"So, how do you define good time, Miss Imperial?"
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. The way he stares at me is like giving me all the mockery in this world.
"I read books, hang out with friends, and this... cooking," I answered.
"Wala ka bang boyfriend?"
My face flinched. I tightened my grip to the spoon and fork I am holding. Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya ng biglang may isang alaala sa nakaraan ang bumalik sa isipan ko.
Iyon ang isa sa mga maituturi kong bangungot ng aking nakaraan. Its been a year but it feels like yesterday.
"No." My one-word answer was definitive. A period. A closed book.
Lyam picked up his glass of whisky and took a sip. He holds it for a couple of seconds inside his mouth before he swallowed it.
"Sounds interesting, but why is that so? Picky? Standards with some dollar signs? Hmmm, maybe-"
"Wala akong panahon sa ganyan. Hindi ko kailangan ng lalaki para magkapera." Binitawan ko ang hawak kong kubyertos at direkta siyang tinitigan. "Bago pa ako maulila sa magulang, natuto akong kumayod para sa sarili ko kaya alam ko ang bawat paghihirap para sa halaga ng isang sentimo." Dagdag ko.
Hindi ibig sabihin na may utang na loob ako sa kanya ay may karapatan na siyang laitin ako ulit at ipamukha sa akin na ang isang katulad ko ay pera lang ang habol sa lalaki.
Nanatili ang malamig kong tingin sa kanya hanggang sa siya na mismo ang unang nag-iwas ng tingin. Wala sa sarili niyang inubos ang natitirang laman ng kanyang baso at pasimpleng nagpunas ng kanyang bibig.
Hanggang ngayon hindi mawala sa isip ko ang pang-iinsulto na ginawa niya kahit pa simula kaninang umaga na dumating ako. Oo, alam ko na ayaw na ayaw niya ang presensya ko dito dahil kahit ako rin naman ay ayaw rin sa ganitong sitwasyon na kinasasangkutan ko pero kahit kailan ay wala siyang karapatan para insultuhin ako at pangunahan ang pananaw ko sa bawat bagay sa mundong ito.
I saw him lifted his spoon and fork as he started to reach for the Paella. He took a bite of it, and I waited for his reaction. I find it sexy when I saw him chewing his food. The way he moved his jaw and the tempo of his lips are just mesmerizing to witness.
"I admit that the food tonight is way better than my usual meal since I came back from hell," He muttered.
"Thank you." Sabi ko nalang.
I don't know if he is insulting my dishes or he was sincere with his compliment. Nonetheless, at least he says something good tonight.
"Is this your way to capture a man's heart? Or pockets perhaps..."
Okay! Binabawi ko na ang sinabi ko. Wala talagang preno ang bibig nito sa pang-iinsulto. Mukhang na-train ito ng husto ni Satanas sa impyerno at sobrang napakasama ng ugali.
"Hindi lahat ng babae gold digger," I said firmly.
He bailed me with his gaze. "Really? Then bakit ka pumayag sa alok ng pinsan mo na magtrabaho rito if in the first place ay hindi mo rin gusto?"
I looked momentarily discomfited. I remembered all the details of the deal between Yvann and me a day ago.
"I need money for an u-urgent financial matter." Sagot ko.
It seems that my answer amused him to mock me with his devilish smile.
"I thought you're not a gold digger?"
"Hindi ibig sabihin na dahil kailangan ko ng pera ay gold digger na ako. Nagtatrabaho ako para magkapera. I need money to survive a living—besides, legal ang trabaho ko. Licensed Physical Therapist ako at hindi nawawalang apo ni Mang Kepweng," Hindi ko na rin maitago ang inis ko sa lalaking ito.
I totally understand where he is coming from because he is still in denial of his current situation. Maybe, added to that is the fact that he'd been friend zone by his first love. But it is not an applicable reason to humiliate someone regarding how he sees money from a women's perspective.
Hindi ibig sabihing mayaman siya ay ganyan kababa ang tingin niya sa akin dahil lang sa pangangailangan ko ng pera.
Hindi na ako nagpatinag sa biglang pagdilim ng mukha niya. Wala akong pakialam kung hindi siya sanay na sinasagot-sagot siya ng tingin niya ay mababa sa lebel niya. Reputasyon at dignidad ko bilang isang propesyonal at bilang isang babae at tinatapakan niya kaya hindi ako makakapayag na basta lang niya ako iinsultuhin kung kailan niya gusto.
I never worked so hard to earn my degree just to let him spit insult on me.
Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko at hinayaan siyang patayin ako sa isipan niya. Ayokong mawalan ng gana sa mga pagkain dahil lang sa antipatikong lalaki na ito.
Xerma came in with another bottle of whisky, and when I looked in front of me, I saw the first bottle is empty now.
"Do you want some Ma'am Zoey? I'll get you one-"
"Don't bother. I haven't able to tempt her earlier, so it's just a plain waste of time." Pigil ni Lyam.
Mukha namang nagulat doon ang caretaker at napatingin sa akin na tila kinokompirma ang sinabi ng amo niya. Tumango naman ako.
"Mukhang immune na po sa temptasyon si Ma'am Zoey, Sir Lyam." Sabi nito.
He faced me, looking cold. After a split second, he smirked. "We'll see."
Xerma left the room, and Lyam studied my fierce expression. A frown was pulling at my forehead, and my mouth was set in a tight line. Pinipigilan ko lang ang sarili kong mabawian na naman itong lalaking ito dahil baka hindi rin siya makapagtimpi at mapalayas ako sa gitna ng madilim na gabi.
My shoulder was obviously tensed, and both hands are gripping the utensil I am holding that the bulge of each of my knuckles is visible on my pale skin.
"Relax, Miss Imperial. I'm not going to pursue anything like debauching you regardless of my current situation. You're not even my type."
I raised my brow with his high level of self-confidence.
"Gwapong gwapo ka naman ata sa sarili mo?!" Hindi ko maiwasang hindi matawa nang sinabi ko iyon.
"My bruises and my situation right now don't make me less of a handsome man," He replied confidently.
I scoffed. Halos lahat ata ng hangin napasok na sa ulo nitong lalaking 'to. Grabe naman yung bilib sa sarili niya mas mataas pa sa pinakamataas na building sa buong mundo.
I continue my dinner when I saw him trying to open the other bottle of whisky Xerma brought earlier.
"Do you usually drink so much?"
He stopped from what he is doing. "No. I find whisky as the best compliment at any meal I ate."
"No wonder you're too boastful. But from a scientific perspective, alcohol makes your sense numb. Dapat tigilan mo na kakalaklak ng alak na akala mo tubig lang 'yan. At least tone down your alcohol intake while you're recuperating," I said.
Doon siya natigilan at wala sa sariling nabitin ang pagsubo ng pagkain.
"I am not recuperating-"
"Eh, anong tawag mo diyan? Chilling over a wheelchair under the long sunset in Porto Cervo, ganun?" Putol ko. I even had time to exhaled annoyance.
He is so in denial of his situation that it is too hard for everyone to deal with his darkness. Siya mismo ang ayaw tumulong sa sarili niya.
"Wag' mong sabihin na kaya mong makapaglakad sa sarili mong paraan because, to be honest, you need medical rehabilitation and a need of a therapist."
"So, is this your way to convince you to accept your service?"
I set aside my annoyance and look at him with some serious look. Sa totoo lang kahit sobrang inis akonsa taong ito ay mas nananaig pa rin sa akin ang awa.
"No. Kung ayaw mo sa akin bilang therapist it is beyond okay with me pero sinasabi ko lang sayo ang katotohanan na kailangan mo ng aalalay sayo para makalakad muli. But, if you insist a self-rehab on your own... maniniwala na talaga akong ikaw ang totoong doctor quack-quack sa ating dalawa." Sambit ko na tila sumusuko na sa pakikipagtalo sa kanya.
"I don't need lies from those cheap trying-hard therapists telling me I can walk after a couple of months, then when the due is over, they will act like the bullshit person telling me sorry for their failed promises."
Ramdam ko yung galit niya pero on the other side hindi niya puwedeng lahatin lahat ng nasa linya ng trabaho ko bilang mga manloloko. Sa ilang taong pagtatrabaho ko bilang therapist naging passionate ako sa trabaho ko. I deal with my clients with formal behavior, proper assessment, and daily updates about their situation.
"Naiintindihan ko ang pinanggagalingan ng galit mo pero hindi tama na lahatin mo kaming mga therapist sa pananaw mo. Instead of wasting your energy being angry, why not try to take a physical rehabilitation with a therapist to be able to regain your mobility?" I strongly suggest it.
"What right did you have to suggest to me that somehow I'm blocking my recovery by holding on to my anger? Tingin mo ba kung hahayaan kong malusaw ang galit ko, makakalakad ba ako in an instant?" He arched his brow, telling me my idea was total nonsense.
"Hindi naman agad na bukas makaklakad ka kapag nawalanyang gakit mo pero ang gusto kong i-point out ay yung hayaan mo ang sarili mo na maging bukas sa tulong ng iba. Hindi naman ikakabawas ng p*********i mo yan. Hindi lahat kaya mo pa rin kahit ganyan ang sitwasyon mo."
"Do you have any idea what it is like to be totally dependent on other people?" He asked.
"Of course. Ilang taon na akong nagtatrabaho bilang isang PT, araw-araw akong nagdi-deal sa mga disabled,"
I was shocked when he suddenly slammed his fist on the table. Halos mapatayo ako sa kaba ng titigan niya ako ng masama.
"Don't you dare call me disabled!" He roars like a rumble of thunder.
"I-I didn't mean to offend you by that..." I said nervously.
He is really scary. Hindi ko naman intensiyon na masabi ang salitang iyon para insultuhin siya. Kahit naman sa isip ko makailang beses ko siyang tinatawag na baldado ay hindi ko naman magawang maging insensitive masyado.
"Ganito yan Sir Lyam... Sa sitwasyon mo ngayon hindi mo masasabing makakaya mo lahat, like for example si Juancho ang nagpapaligo sayo, ang wheelchair na yan ang nagsisilbi mong paa pansamantala kaya nga gusto kong ipaintindi sayo na walang masama na tanggapin ang tulong ng iba na para naman sa ikakabuti mo. Bakit? Mas gugustuhin mo bang habambuhay na si Juancho ang magpapaligo sayo? Yang wheelchair na yan ang magiging paa mo? O mas gusto mong bumalik sa normal at dati mong buhay? Kasi sa totoo lang, kung tutulungan mo lang ang sarili mong tanggapin yung nangyari sayo at maging determinado ka na makalakad ulit na may tulong ng iba, hindi mo na kailangan dumepende sa iba habambuhay para sa mga gawaing makakaya mong gawin kung makakalakad kana ulit."
I know he felt like he is the biggest jerk in the world for looking physically unfit. Natural lang makaramdam ng insecurities lalo na sa kanya bilang isang kilalang tao pero hanggang kailan siya magpapalamon sa galit at insecurities? Hanggang kailan siya mamumuhay ng patago? If he only believes in himself, malakinang tsansa na makakalakad siyang muli.
"Tell me honestly, Miss Imperial, why did you take on this job?"
I moistened my lips by the tip of my tongue. I know he is thinking I am a fraud. I am like the other scammer who would make him believe that he could walk, but if a failure happened and money are plenty in my pocket, I'll run and disappeared in an instant.
Dahil na rin sa naging sagot ko sa unang tanong niya kanina, iniisip niya na desperada na ako para sa pera. Alam kong hindi niya ako titigilan hanggang hindi niya napapatunayan na isa akong gold digger.
"Yvann requested me. Wala akong balak tanggapin ang alok niya lalo na nang malaman ko na lalaki ang kliyente ko but there is an unfortunate matter that I need to settle as soon as possible kaya nagawa kong tanggapin sa huli ang alok ng pinsan ko."
My gaze moved away from him as I picked up the last spoon of food on my plate.
"Why? Why don't you work with male clients?"
Natigil sa ere ang aking pagsubo sa tanong niya. It was a wrong move that I mentioned about it.
"Hmmm. . . difficult to work with,"
"Uncooperative?"
"Sort of." I out down my spoon. "Mas mabilis kasing natatanggap ng mga babae at bata yung sitwasyon nila. They are not that in denial saka higit sa lahat hindi mataas ang ego at pride nila compare sa mga lalaki. Besides, mas komportable akong katrabaho ang mga babae."
He studied me for a moment. I just finished the last spoon then drink my glass of water. I tried to ignore his enigmatic gaze while keeping myself busy wiping my mouth.
Hindi ko alam kumg anong iniisip niya pero sana naman ay wag' na niya akong simulan sa panibagong pang-iinsulto. Pagod na akong makipagtalo sa kanya. Mas lalo lang niyang pinapatunayan na makitid ang utak niya.
Nang masiguradong malinis na ang bibig ko ay maingat kong nilapag sa plato ang aking table napkin. I moved back to the chair and stood up.
"I'm done, excuse me," I said, then I turned my back at him.
This dinner is unexpected with full of intensity and coldness, but I must praise myself for finishing the meal without breaking any plates on his head.
I need a good rest because tomorrow I'll be early preparing for my departure back to my homeland.
Mas mabuti na rin iyon dahil hindi ko na iisipin ang magiging sistema ng pag-aalaga at pag-aalalay ko sa isang lalaking kliyente. Kakausapin ko nalang din si Yvann bukas at iaatras ang pera na ibabayad niya sa akin.
Kahit may kalakihan iyon at sobrang kailangan ko, ayoko namang ilubog ang sarili ko sa kahihiyan at magmukhang totoong gold digger gaya ng pinapamukha ni Lyam sa akin. I'll just pray God would help me with his miracle.
"If I agreed to have you here for the next three months, what would you do with me?"
Natigil nang tuluyan ang aking paghakbang nang marinig ang sinabi niya.