CHAPTER 06

3868 Words
06 — Stay Nang-uusisa ang tingin ko nang tuluyan kong ibalik sa kanya ang aking buong atensyon. My eyes were like a hawk scanning his features, looking for a fancy remark on what he said just earlier. He gets the other bottle of whisky and opened it. The strong kick of that intoxicant fumed the dining for a quick moment. I find it vampish when he slowly pours the blood like liquor into his glass. "I'm waiting for an answer here, Miss Imperial," That made me punch back in the present. A light pink blush suddenly appeared on my cheeks for a slight embarrassment. "Ah, well... Tulad ng sa mga dating naging kliyente ko ay una kong tinitignan yung diet saka isusunod ang excercise plan." "Yvann has a gym in here," he said in a plain tone. Tumango naman ako. "Good. Pwede akong magsimula sa mga structured exercise particularly to work with your leg and hips." "What else?" Thank God I memorized everything I prepared for his rehabilitation kaya hindi ako mahihirapan sa pagkausap sa kanya even if I don't have my iPad with me. "I'll change your diet plan by adding some supplements," "No need for that. I am health con-" "Sa nakikita ko hindi ka health concious. Gaya ng sabi ko kanina hindi nakakatulong ang sobrang pag-inom ng alak sa kondisyon ng katawan mo." Agad na putol ko saka sinulyapan ang baso niyang may laman pang inumin. Mabilis namang naging madilim ang mukha niya dahil sa pambabara ko. What does he expect? I'll gloss over everything with lies just for his convenience? Sinasabi ko lang sa kanya ang katotohanan. Hindi ako nagtapos sa kurso kong Therapist para paniwalain ang mga kliyente ko sa mga bagay na imposible. When I encountered impossible cases, I immediately said that I couldn't make them go normal again. Hindi ko ilalagay sa kahihiyan ang pangalan at repustasyon ko maging ng Prime Wellness. "Why do I need those supplements? Does exercise alone can do great like what you are trying to say," "Doesn't mean I am a therapist, I only work by massaging your numb body parts. Supplements are being invented to help your body have enough and a suitable supply of nutrients to make you physically fit. Sa case mo some fish oil, vitamin D and such can help repair your muscles and tissues." Paliwanag ko. "Damn it! Ano ba tingin mo sakin? Senior Citizen para bigyan ng mga sandamakmak na supplements? I'm only twenty-eight for fücking Pete's sake!" He roared at me. I raised my brow. Ngayon ko lang siya narinig na magmura ng mas malutong pa sa chicharon. Lumabi ako saglit at kinalma ang sarili. "Sa inaasta mo ngayon para ka ngang senior citizen magtantrums." Then I smiled sarcastically. "Walang pinipiling edad ang pag-take ng supplements, get mo?" Dagdag ko pa. Ewan ko ba sa lalaking ito at parang ang katalinuhan niya comatose pa rin at natutulog pa sa likod ng utak niya. Para siyang tumatandang paurong. Sakit sa ulo! Halos lahat nalang nang bagay ayaw niya. Ano ba gusto nito? Mamatay nang tuluyan? Kasi ako nalang mismo magtutulak sa kanya doon sa dagat nang malunod lalo pa at baldado ang binti niya. Nakaka-imbyerna na siya na nagtanong tapos kapag sinagot ng tama, siya pa tong' galit. Nangunot ang noo ko nang sulyapan niya ako ng mas malalim at seryoso. "Can you tell me your age?" He asked. Slowly, my brow lifts a bit for that unexpected question. What is the connection of my age to this word war this time? "T-Twenty three..." Medyo nag-aalangan kong sagot sa kanya. "Mukhang hindi ka pa sigurado sa edad mo. You look like you forgot your birthday," "Judgmental mo naman." Saad ko saka nagtaas ng kilay. "Kapag nahuli sa pagsagot iyon agad? Hindi ba puwedeng may naalala lang?" He scoffed a sarcasm. "Then what is it? A heartbreak? That's awful if it was true." Hindi naman agad ako nakapagsalita nang sabihin niya iyon. Ang titig ko ay ang tanging depensa ko laban sa pang-iintriga niya sa nakaraan ko. If only I can tell him why I am hesitant to tell my age. I remembered my birthday baka nga siguro tantanan na niya ako. But no. I am not ready. I am not capable of trusting anyone, especially a total stranger. Sa huli, ako ang unang sumuko sa titigan namin. Napabuntong-hininga nalang ako at ako na rin mismo ang nagpakumbaba. "Kung wala ka nang tanong, mauuna na akong magpahinga dahil maaga pa akong aalis bukas." Sabi ko bago siya tuluyang talikuran. I need to go back in my room to calm myself. Simula nang maungkat niya ang tungkol sa birthday ko ay hindi na ako naging komportable. May mga detalye sa nakaraan ko na sumisilip sa kasalukuyan kong pag-iisip at hindi ko iyon gusto. The night is pleasant to be ruined by our word war, and I don't want to stain my last stay here with unpleasant memories with Lyam. "I want to know more about you." That automatically made me lift my head and met his gaze. "I don't want to entrust my life to some stranger," He added, then he looked away in a snap. He didn't notice that he is savouring my dishes very well. Kung hindi lang siguro siya nagmumukhang may iniiwasan, iisipin kong nasarapan talaga siya sa mga niluto ko. "Yvann had my resumé. You can read it to know me better," I said. "I don't have much time to push this wheelchair back to my room and look for your files. Your presence is enough, I guess." The latter part seems to be a command, not an option. Nanatili ako sa kinatatayuan ko at hinayaan siyang titigan saglit habang inuubos ang laman ng plato niya. Hindi ko alam kung ilang demonyo sumapi sa katawan nito at ang bilis mag-ina ng modo. Malapit na akong makumbinsi na may multiple disorder ang isang to'. When he's done, doon na ako nagdesisyon na pagbigyan siya. I moved my teeth to touched my lower lip and sighed in defeat. "Fine. Ano ba ang gusto mong malaman tungkol sa akin?" Wala sa sariling tanong ko. Pipiliin ko lang ang mga tanong na kaya kong sagutin. I'll stop him when I feel that he is beyond the barrier. "Who's with you while residing in the Philippines? What is your parent's work?" "My Mom passed away last year, and my Dad just disappeared. Pinsan kong babae ang kasama ko sa bahay at ako ang bumubuhay sa kanya." I casually answered. When talking about my Mom, I am not that emotional now. Matagal ko na rin namang tanggap na wala na siya. She fought her battle long enough that she needs to rest peacefully and without pain. "I'm sorry to hear that," He said. Pilit akong ngumiti. "It's okay. Importante masaya na si Mama sa kung saan man siya ngayon." It's true. I would rather suffer emotionally from her passing than seeing her alive and being tortured by my father physically and emotionally. "You said you are not into a male client. So, given that you might be the best therapist in your company and earning pretty cash, why did you accept Yvann's offer to come here?" My eyes flickered with something before I disguised it behind by simply acting innocently. "Hmmm, utang na loob." Yun' lang ang sinagot ko. He raised his brow. "Consistent ka sa sagot mo ah?" "Dahil iyon ang totoo. Besides, malaking tulong sa akin ang sisuwelduhin ko rito dahil may ipambabayad na ako sa mga bayarin sa bahay pati na rin sa pag-aaral ng pinsan ko." I did not mention that Yvann gave us an adorable new home and Deshya's full tuition paid by him at baka kasi gamitin naman iyon ni Lyam para insultuhin ako. "Did I offend you?" "Alin? Simula kanina sa pagdating ko o yung ngayon lang? Please be specific at para on point din sagot ko." Sabat ko naman. Buti natanong niya iyon. Kung sa totoo lang willing akong sagutin iyon right away. Nagpigil lang ako at baka tuluyan ng maputol ang pisi ng pasensiya ko sa kanya. Nanatili ang tingin niya sa akin kaya naman napabuntong-hininga lang ako. "No, I am not offended by the last thing you've said if that's what you mean," I answered. "Good to hear that," "Depende naman kasi pag-unawa yan Sir. It takes a lot of adjusting to understand every individual on how they interact with someone they think they're different from." I said while fixing my fair. "Tulad sayo, kailangan kang unawain dahil diyan sa kalagayan mo. If you want to get your life back, then you must first understand your situation and accept it." "It sounds like you've been through an injured past, do you?" Natigilan ako doon. I gave myself a stern mental shake. After an idle moment, I turned into an ice-cold lady. Umatras ako at tumingin sa kanya. "Kung wala ka nang itatanong ay babalik na ako sa kwarto ko. Hindi ako nandito para sa mga tanong mo, kundi para tulungan ka sana." "Na labag sa kalooban ko." Sagot niya agad. "Makakaasa kang bago pa sumikat ang araw ay wala na ako rito," Binigyan ko siya nang mapanghamong tingin. Malaking halaga ang mawawala sa akin dahil sa pag-atras ko sa trabaho na ito pero hindi ko na iyon problema. I will work hard to earn a King's ransom to pay for my bastard father's debt. Lyam gave me an equally challenging look. I tried to hide my irritation because I think what the s**t he is up to now. Wala talaga akong gana makipagsagutan pa sa kanya dahil baka tuluyan ko na siyang mamura ng todo. "What if I told you I'd changed my mind?" That made me lift my head to meet his gaze. Nothing has changed. He still had this same icy aura that could chill me at any moment. "I'll give you a one-week trial," He added. My brow automatically raised into an arched from what I heard from him. "Anong akala mo sakin? Trial Card hero sa Mobile Legend?" Sabi ko sa kanya. This man is really out of his mind. Ano ba akala nito sa akin? Voucher na papakinabangan nalang kahit hindi naman kailangan? Makapagdeklara na bibigyan ako ng trial akala mo bagay ako na nabibili sa online. "After a week doon kita ire-reassess kung magaling ka nga talaga. Sayang naman kasi kung mapupunta lang sa bulsa mo yang binayad ni Yvann sayo na hindi man lang kita napapakinabangan-" "Eh, gago ka pala eh!" Putol ko saka hinampas ang mesa. "Ganyan na ba talaga kababa tingin mo sakin para insultuhin ako?" I almost explode in so much anger. My boiling point heated up beyond my control, and I just can't let him insult me more. I can't let him degrade my profession. Nanatili ang seryoso niyang ekspresyon at hindi man lang natinag sa pagmumura at pag-aalburuto ko. Napaka-kapal talaga ng mukha nitong asungot na 'to. "Sayo na yang trial card mo sa akin. Aalis ako bukas. Period!" Asik ko saka tumalikod. Ubos na ubos na talaga ang pasensya ko sa kanya. Sanay akong insultuhin ng iba pero pagdating dito sa lalaking ito, mabilis mag-init ang ulo ko. Bawat salita niya hindi lang nakakainsulto kundi nakakababa din ng kompyansa sa sarili bilang mahirap. Lintik na yan! Sana talaga wala siyang mahanap na mas magaling sa akin ng ma-Karma siya at sa akin sa babagsak sa huli para tulungan siya. I smirked out at that idea. Let's see where you will end up, bastard! "You can't do that easily, Miss Imperial. Unless you want to end up in jail," "Jail your face! Hindi mo ako masisindak sa mga banta mo-" "I am your client. If you pushed your exit without my permission, I would immediately pay a call to my attorney to file a case against you. Breach of Contract, Miss Imperial, and I'll do everything to suspend your license. Sa akin ka magtatrabaho at hindi sa pinsan mo kaya hindi oobra sa akin ang pagiging matapang mo." And I saw how his lips turned into a one freaking devilish smile. Ramdam na ramdam ko ang init ng bunbunan ko dahil sa sinabi niya. I analyzed everything, and I almost shut down when I ended up agreeing with his words. Wala akong ibang ginawa kundi murahin siya sa isipan ko. Parang gusto ko siyang lumpuhin ng tuluyan sa panaginip ko mamaya. Ang bilis niyang mag-iba ng anyo mula sa pagiging walang-pusong judgemental jerk at naging manipulative douchebag. I glared at him furiously. I saw the remaining bottle of whisky on the table. I walked towards it then grab it in one swift move before eyeing him again. "Kung yan' ang gusto mo puwes, bibigay ko sayo," I smirked. "We'll start tomorrow. No more bullshit reactions coming from you, Sir." Tuluyan ko siyang iniwan sa hapag dala ang bote ng alak at dumiretso sa isang trash bin at buong puso kong tinapon iyon doon dala na rin ng galit at inis ko para sa kanya. Saglit akong napahinto at humugot ng isang malalim na buntong-hininga. This is the only way I can calm myself because of what happened. Nang makontento ay bumalik na ako sa kuwartong nakalaan sa akin. Inihanda ko ang pantulog ko bago nagtungo sa banyo para mag-half bath. I did blower my hair and done with my night face routine. Naglagay na rin ako ng facial mask sa mukha ko para mabawasan ang stress ko at fresh pa rin ako bukas. Mabuti nga at hindi ko naihampas sa ulo niya yung bote. Iniisip ko palang na kakasuhan niya ako ay bumabalik yung galit ko para sa kanya pero sa kabilang banda ay naisip ko rin na pabor sa akin na manatili rito para makabawi sa kanya. Hindi ako mapapanatag na hindi ko siya nababanatan. Akala niya mapapaluhod niya ako sa kanya? No way! Hindi oobra sa akin ang salapi niya o kahit pa ang kapangyarihan na dala ng kanyang pangalan. Tao pa rin siya. Pareho pa rin kaming kakainin ng uod oras na mamatay kami at ililibing sa hukay. I let the sea breeze of this night embraced me before I closed the glass door. The comfy mattress never failed to lounge me into a deep slumber. Soon, I will arise from this mud where they put me in. Poverty will not be a hindrance to my courage to go on and survive. Tatanawin ko pa rin ng malaking utang na loob ang tulong na ginawa sa akin ni Yvann pero hindi habang buhay ay aasa ako sa tulong niya. I have my degree, and I have my brain. I have the means to work and provide for my needs and Deshya's needs. Kahit pa yurakan ng Lyam na iyon ang pagkatao ko hinding-hindi ako magpapatinag. Handa akong tanggapin ang hamon niya at patunayan sa kanya na magaling ako. I woke up the following day to the buzzing sound of the alarm on my phone. The sun is about to rise. Kahit inaantok ay mabilis akong bumangon at nagsuot ng sweater saka lumabas. I welcome the icy breeze of air that embraced me. Hinayaan ko rin itong liparin ang buhok ko habang hinihintay ang tuluyang pagsilay ng araw mula sa mapayapang kalangitan. Nakakalungkot isipin na ito ang una't huling beses na masisilayan ko ang ganda ng pagsikat ng haring araw mula sa lugar na ito. Para sa akin, para itong pahina ng nangyayari sa buhay ko. Lulubog kasama ang isang problema at sisikat kasama ang bagong pag-asa. When I'm contented, I went back inside the room and fixed myself. I did a brave morning bath under a cold shower. Since Lyam gave me a week to help him recover, I bring out my scrub suit in blue colour then pony-tailed my hair for a neat appearance. I just put a tinted lip balm on my lips and a baby powder on my face. Just a local Philippine brand perfume detailed my respective aura today. "Buongiorno signora Zoey. È bello vederti sul tuo abbigliamento professionale." (Good morning madam Zoey. It's nice to see you on your professional attire.) Xerma greeted me with her bright smile. I nodded then greeted her back. "Altrettanto. Ho visto l'alba prima, è incredibile vedere da qui." (Same to you. I witnessed the sunrise earlier, it's beyond amazing to watch from here.) "Isa yan sa mga nagustuhan ni Lord Yvann kaya nabili niya ang lugar na ito." I agree. This place is heaven. Suwerte ng pinsan ko na napasakanya ang parte ng islang ito. I asked Xerma if where is the monster in this house. I am not excited about today, but I have to endure his possible rants against me for the rest of the day. "Excuse me, Maam Zoey," It was Juancho who interrupted us. Nilingon ko siya at ngumiti. Binati ko pa siya ng isang magandang umaga. Pansin kong may dala siyang telepono at mukhang hindi maganda ang ibabalita niya base na rin sa hilatsa ng mukha niya. "Kakatawag lang ni Lord Yvann at gusto niyang lumuwas kayo papuntang Rome ngayon din." I frowned. "Bakit?" "Hindi ko po alam. Tumawag din ulit ang sekretarya niya at ilang minuto lang ay andito na si Lorcan para sunduin kayo." Sagot ni Juancho. Suddenly, I could feel my heart started to roar like an engine. Parang bigla nalang ako nakaramdam ng kakaibang kaba kahit hindi naman dapat. Why he suddenly want to meet me? Is he going to cut the contract? Kinausap ba siya ni Lyam tungkol sa nangyaring pagtatalo namin kagabi? Hindi ko na maintindihan ang iniisip ko at gusto ko sanang magtanong pa kay Juancho at baka may nasabi ang pinsan ko sa dahilan kung bakit ako nito kailangang makita. Natigil ako sa pag-iisip ng marinig namin ang malakas na busina mula sa labas. Wala sa sariling sumunod ako kay Juancho at Xerma na lumabas at salubungin ang kung sinuman ang bisita. I saw a man in his black suit, immersed in the black luxury car. I heard the two caretakers of this Villa greeted him. "Maam Zoey, this is Lorcan. He is Lord Yvann's personal bodyguard." The man is, I think, the same age as my cousin. He has a nice built, which suits his work description. Alanganin akong ngumiti at bumati sa kanya. "Lord Yvann wants to meet you as soon as possible Madam, that is why I am here to bring you to him." He said in a slang American. "Did he say something about this surprise meet-up he wants from me?" I asked. "No, Maam. He just ordered me to went here and brought you back to Rome ASAP." That made me sick curious. Napalingon ako kay Xerma at Juancho na pareho ring nagtataka. Ilang saglit at bumalik ang atensyon ko kay Lorcan at tumango bilang pagsang-ayon. Nagpaalam na rin ako sa dalawang tagapangalaga ng Villa. Sila na rin ang bahala na magpaliwanag kay Lyam tungkol sa biglaang pag-alis ko. Tahimik lang ako sa buong biyahe papuntang Olbia hanggang sa makasakay kami sa private plane ng pinsan ko. While on a long trip, I can't help but create possible reasons for this ambush meet-up with Yvann. Mabuti naman at hindi ako nanibago sa mahabang biyahe. Ilang oras pa ang gingugol namin sa daan bago tuluyang tumigil ang sasakyan sa harap ng isang marangya at modernong gusali na sa tingin ko ay pinakamatayog dito sa buong Roma. The combination of Victorian and modern architecture made this skyscraper stood out among the rest. This high-end building has a very familiar surname that speaks power and wealth - the Casteliogne Empire. This is the first time I will be able to step in and witness the grandeur of this place. Iba ang dating sa akin ng karangyaan ni Yvann. "Good day Miss Imperial. I am Lord Yvannsleir's secretary." A beautiful woman greeted me at the entrance. "Therese Gallo, by the way, Maam." I accepted her handshake. "Nice to meet you." Together with Lorcan, Therese guided us into going inside the building. The receptionist greeted us in Italian. I smiled and greeted back. We ride in an elevator, which I guess going to Yvann's office. Hindi ko ma-imagine if makikita ko siya na kasama ang half-brother niyang si Khyfer. That guy is also a perfect man. They are so much alike, though, that another Casteliogne is icier than Yvann. Oh, I almost forgot. My cousin is a well-known Italian actor too. Winning numerous awards in both local and international. Grabe talaga ang success niya pero ni' minsan hindi siya naging hambog o mapagmataas. Hindi rin naging matapobre sa kahit sino. Natigil ako sa pag-iisip ng tumigil ang elevator at bumukas iyon. Agad timambad sa akin ang napakagarang palapag na sa tingin ko ay ang pinakatuktok na ito ng building. May isang receptionist ang bumati sa amin bago kami nagtuloy-tuloy sa unahan. We stopped on the huge double door made in iron-steel. Nakita ko si Therese na kinuha ang isang card na nakasabit sa ID niya at itinapat iyon sa isang scanner na nasa mismong gitna ng pinto. Ilang saglit ay bumukas iyon at tumambad sa akin ang isang napakagarang opisina. Halos kasing-laki na ito ng dalawang condo na binigay sa akin ng pinsan ko. Black and gray ang colour motif at combination ng wood at steel and mga fixtures. "Lord Yvannsleir, Miss Imperial is here now." His secretary announced. Nakita ko siyang nakatayo doon malawak na glass wall habang nakatalikod sa amin. He is wearing a dark blue suit and a khaki leather shoes. Humarap siya sa amin at nanatili ang tingin sa akin. He looks so serious. "You may leave now. Grazie!" He said in his usual business tone. Nag-bow lang ang dalawa bago ngumiti sa akin at iniwan na ako rito kasama ang pinsan ko. When the door closed, Yvann made a few steps towards me. Hindi man lang niya ako binati o kahit inasar which is pinagtataka ko. Usually, he will go goofy around me. Ngayon lang ata ako kinabahan sa pagiging tahimik niya. "Katakot yang pa-serious aura mo ha-" "Why didn't you tell me that you are facing the consequences of your Father's embezzlement and money laundering cases?" He cut me off in a snap. Parang masasamid ako ng sarili kong laway ng marinig iyon. Mas lalong nagdilim ang paningin niya habang nakatingin sa akin at naghihintay ng sagot ko. I silently processed his words in my mind to understand better what he said. Paano niya nalaman ang tungkol sa problema ko? "Bakit mo tinago sa akin na may nagtatangka na pala sa buhay mo at may utang ang Papa mo na sampung milyon na kailangan mong bayaran?" He continued. This time he took a seat on his throne behind his grand office table. Pinagsalikop niya ang kanyang mga kamay habang ako naman ay pinagpapawisan ng todo. "Paano...mo n-nalaman ang t-tungkol diyan?" I can't contain my fear as I am startled asking that question. "Kung hindi ko pa pinabantayan at pinasundan si Deshya ay hindi ko malalaman ang totoo na kahit sa kanya ay tinago mo. She almost die because of that!" My eyes got widened. Biglang binundol ng kakaibang kaba ang dibdib ko. What does he mean by that?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD