07 — Start
Nanginginig ang buong katawan ko hanggang ngayon matapos i-kuwento sa akin ni Yvann ang lahat ng nangyari sa Pilipinas at kung ano ang nangyari kay Deshya.
Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na maiyak dahil hindi ko man lang naprotektahan ang pinsan ko.
Napaka-demonyo talaga nila para pagtangkaan ang isang inosenteng tao. Hindi ba sila makakapaghintay? Ganun na ba sila ka-desperada at gahaman sa pera para idaan sa dahas ang lahat?
"I am so upset with you for hiding all of this from me, Zoelle!" Yvann is angry. I know because he just called me by my first name.
The madness is very evident in his eyes. Hindi ako nakapagsalita agad nang biglang tumunog ang telepono at inabot niya iyon. Napahilamos ako sa aking mukha dahil sa takot at frustrations. Hindi ko naman kasi makausap si Deshya dahil sabi ni Yvann ay nasa ospital pa ito at kasalukuyang inooperahan.
Nabaril siya ng isa sa mga tauhan ng isang kilalang sindikato na pinagkakautangan ni Papa maliban doon sa tumawag sa akin noong isang gabi. Sa pangkalahatan ay aabot ng halos dalawangpung milyong peso ang utang na kailangan kong bayaran sa mga taong nagantso ng Ama ko.
Hindi ko na alam kung paano kami natuntun ng mga taong iyon pero natatakot ako dahil mag-isa lang si Deshya sa Pinas. Itong nangyari ngayon ay sobrang magbibigay ng trauma sa pinsan ko. Dalawang beses siyang nabaril at yung tama niya sa likod ang pinaka-grabe na kailangan siyang maoperahan agad.
I am silently praying that Deshya will survive the operation. I will never forgive my heartless father for causing me so much trouble and trauma right now. Hindi na siya nakontento na namatay si Mama ng dahil sa kabulastugan niya at ngayon nadadamay si Deshya sa kasakiman niya. Sinira na nga niya ang buhay ko, balak pa niyang dagdagan iyon.
"Deshya is stable now. Reginald is on his way to the Philippines to put things in their proper places,"
"W-Wait, who's Reginald?" I asked.
Honestly, wala akong naiintindihan sa mga sinasabi niya aside from hearing another foreign name. Wala akong kilalang kaibigan ni Yvann dahil sa tuwing magkasama kami sa mga family gatherings ay wala namansiyang mag kaibigang pinapakilala o kahit normal acquaintances. Siguro nga dahil sa estado niya at sa lugar niya sa alta suciudad kaya mas pinipili niyang maging pribado ang buhay niya.
"Google it—"
"Damn it, Vann! I don't have fvcking time to do that!" I cut him off with my temper boiling up into my head.
He stood up. He put back the telephone and raised a brow at me.
"Let say he is capable of cleaning this mess and punishing those bastards who tried to kill your cousin and threatened you." He explained.
It took me a minute to digest what he said. I don't know who the hell is that man, but based on my cousin's description, he must be one of the influential billionaire men in the world in this century or someone in the military or public service. I don't know, his description speaks so much power.
"Is that enough for you to stop asking? I don't want to make things complicated lalo na at andito ka as per my request. Si Reginald na ang bahala sa pinsan mo. I'll make sure that the gunman will pay for what he did and your father. . . ."
I waited for him to finished his sentence. Yvann was eyeing me, observing my reaction as he mentioned my father. I did not blink. I did not allow fear in me, but my pulse was a rapid-fire.
Yvann made few steps towards the receiving area where I am sitting on a sofa. Naupo siya sa center table at hinarap ako nang may seryoso at nagtatanong na mukha.
"Why didn't you tell me about Uncle Zirudo's drugs and money laundering cases? " It was a dangerous question, and it is telling me not to flicker a lie in my eyes.
Ang tanging alam lang nila Yvann ay ang pangloloko at pambabae ni Papa kay Mama. Hindi naman tago sa kanila na matagal nang sinasaktan ng Tatay ko ang Nanay ko. Hindi lang nakulong si Papa dahil naaawa si Mama sa kanya. My mother still loves my father despite his bullshitness towards her.
Kaya nga sobra yung galit ko kay Papa nang mamatay si Mama dahil parang wala lang iyon sa kanya. He even had the guts to bring his mistress on my mother's wake. Hindi na niya nirespeto si Mama at ang libing nito.
"I can hire a big-time investigator to know more about all of this mess you in right now, Zoelle. Kaya kung ako sayo, sasabihin ko na lahat ng katotohanan. There is no room for secrets anymore. Deshya's situation is enough warning for you to speak up." My cousin continued.
Doon ako dahan-dahang nag-angat ng tingin sa kanya. My eyes were filled with tears that are ready to stream down on my face.
Ayoko na balikan ang nakaraan. Ayoko na maalala yung nangyari dahil alam ko na ikakadurog na naman iyon ng pagkatao ko. Pagkatao na unti-unti ko palang binubuo.
I heard him sigh. He is being impatient. Wala na rin akong nagawa nang biglang rumagasa ang mga luha ko.
"Si Papa ang lumaki sa lahat ng luho since siya ang bunso sa kanilang magkakapatid..."
The Imperial family was a well-known political clan in Ilocos. My late great grandfather was a
Governor of the Province and my grandfather was a well-loved Mayor. My Dad has two siblings who are currently following the footsteps of my Abuelo.
Nagsimula ang hidwaan sa pamilya nang masangkot si Papa sa isang eskandalo kung saan pinaratangan siya ng r**e ng isang nagtatrabaho sa munisipyo at isang eskandalo kung saan nahulihan siya ng m*******a sa sasakyan. Bagong kasal pa lang sila ni Mama noong panahon na iyon at kasagsagan ng eleksyon kaya sobrang galit si Lolo sa kanya. Mas nadagdagan lang iyon ng mapatunayan iyon sa petrnity test ng mabuntis ni Papa yung babae at saktong buntis na si Mama sa akin.
My Dad was free from all the accusations against him because of our political power, but my grandparents smoke mad for him. Muntik na kasing hindi matuloy ang pagtakbo ni Lolo sa pagka-Gobernador at imbes na si Papa ang tatakbo sa pagka-Alkadle ay pinalitan nalang siya ni Tito Zamir.
Tinakwil ni Lolo si Papa kaya naman napilitan sila ni Mama na manirahan dito sa Maynila. Were still rich before since may ipon si Mama dahil isa siyang Bank Manager pero dahil nga nag-umpisang malulong si Papa sa sugal ay doon mas lalong nagkalamat ang pagsasama nila.
My Dad engaged himself in cheating until it became pure a******y and infidelity since he dated and had s****l relations with multiple women kahit buntis pa si Mama sa akin. Hindi man lang niya inisip na pinatawad na siya ni Mama sa unang kalokohan niya at talaga umulit pa siya.
"Nanganak si Mama sa akin na wala siya. H-He was at the Casino with his rumored mistress, a showbiz diva. Pinatalo n-niya ang naipon n-ni Mama na pera na nakalaan para sana akin..." Kuwento ko habang patuloy sa pagluha. "Nang malaman ni Mama siyempre nagalit siya at kahit bagong panganak ay nagawang saktan ni Papa si Mama. Doon nagsimula na tuluyang mag-iba si Papa."
Bumalik si Mama sa pagta-trabaho sa banko at si Papa ay tuluyang nalulong sa sugal. Naghirap kami at napilitang tumira sa maliit na paupahan. Hindi na kasi kami nagagawang kamustahin ni Lolo hanggang sa mamatay ito. Mas lalo pang naging miserable at pariwara si Papa ng malaman niya na wala siya makukuhang yaman at pamana mula sa mga magulang niya. Naging demonyo si Papa hanggang sa harap-harapan na niyang binabastos at sinasaktan si Mama. Nagdadala na siya ng ibang babae sa bahay.
Hindi ko maiwasang hindi humagulhol habang sinasariwa yung impyerno na dinanas ni Mama kasama si Papa. Nangagalaiti ako sa galit tuwing naalala ko ang kaawa-awang mukha ng Nanay ko na puro pasa ang katawan at mukha minsan ay ginagawa na siyang parausan ni Papa kasama ang kabit niya.
When my Mom found out she has Cancer she is somehow happy kasi mamamatay daw siya ng matiwasay dahil hindi na niya kailangang magpakamatay. While my mom is in the hospital, ginapang ko ang pag-aaral ko. Nag-working student ako at nagbebenta ng Avon at MSE para pandagdag sa gastusin sa eskwelahan. Nang mamatay na nga si Mama akala ko matatapos na ang kalvaryo ko sa buhay dahil akala ko magtitino na si Papa pero hindi pala.
He is the evilest person I ever met. Napakuyom ang kamao ko nang maalala ang gabing iyon. Nagngingitngit ang kalooban ko sa galit nang bumalik sa alaala ko ang kahayupan na ginawa niya. I never expected he could be that evil. He betrayed his own daughter for his vices. Even the person whom I trust betrayed me. They both inflicted me with the fear of being near to men.
With all the remaining strength I opened that sealed secret I had. Puno ng galit ang pagdedetalye ko sa nangyari sa akin na ginawa ni Papa sa akin. Napaiyak nalang ako lalo na at hanggang ngayon ay masakit pa rin ang sugat na iyon sa pagkatao ko.
Yvann immediately rushed on me. Mas napahagulgol ako nang iyak ng maramdaman ko ang yakap niya. For the first time, I felt a comfort of a family.
"Oh, God, Zoey!" He doesn't know how to comfort me but little did he know, yung nasabi ko sa kanya ito gumaan ng bahagya ang bigat na dinadala ng dibdib ko.
Lumayo siya sa akin at pilit ako pinapatahan. Nakikita ko yung unti-unting pagsilay ng galit sa mga mata ng pinsan ko. He doesn't know how tot touch me maybe because of what he heard from me. Marahil natatkot na siya ngayon kung paano ako hahawakan na hindi ako matatakot.
He stood up. Tumalikod siya sa akin at malakas na sinipa ang sofa.
"Fvck this!" He cursed.
My cousin looks frustrated and devastated. Hindi ko alam kung ano at saan nanggagaling ang mas malalim na emosyon na iyon. I know he is hurt by what happened to me pero iba. Tingin ko rin ay may naalala siya o may taong marahil ay malaoit sa kanya at may kaparehong karanasan sa akin o mas malala pa sa sinapit ko.
Ilang beses ko pa siyang narinig na nagmura bago hinugot ang cellphone at may tinawagan. Para naman akong tanga na nakatingin lang sa kanya at iniisip ang mga mangyayari.
"I need you to find Zirudo Imperial. I want him alive. Ako ang magdadala sa kanya sa bilangguan. Yes— Oh yes, thank you, Dude! I owe you this one. Salamat!" Yvann put his phone off.
Bumaling siya sa akin at humugot ng malalim na buntong-hininga.
"S-Sino yun?" I asked.
"Reginald."
Bumalik siya sa harapan ko. Tumingin siya sa akin at pinatahan ako.
Napayakap na lang ako sa kanya at doon napahagulgol. Hinayaan niya na lang din akong umiyak hanggang sa mailabas ko lahat ng sama ng loob na itinago ko sa matagal na panahon.
It has been unforgivable for years for the pain, trauma, anxiety, and depression that my past inflicted to me. I put on a brave face to pretend that this had never happened to me, but every night, the four corners of my rotted bedroom witnessed how frail and ruined I am.
"Ayoko na may ibang makaalam ng tungkol sa nangyari sa a-akin. P-Please Vann... Sa atin n-nalang ito..." Pagmamakaawa ko.
Hindi kaya ng pagkatao ko na may ibang makalaam pa nito. I don't want to be a clown for the rest of my life. Tama na ang katotohanan na sinira ni Papa ang buhay ko.
He nodded. "But I'll make sure, Uncle Zirudo will pay for this and the guy who was his accomplice to the crime."
Napatango nalang ako napayakap sa pinsan ko. I am so thankful that Yvann is here. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyaring masama kay Deshya. She's too innocent for this. She doesn't deserve to die.
Yvann gave me enough time to calm myself. Punatawag niya ulit si Therese para dalhan kami ng pagkain at pina-cancel niya lahat ng meetings niya para samahan ako rito at makapag-usap kami ng maayos.
Nasabi ko na rin sa kanya ang dahilan kung bakit ako napapayag sa proposal niya at iyon ay dahil sa utang ni Papa kay Mrs. Ledesma pero ayon nga at may iba pa palang pinagkakautangan si Papa.
Actually, noong tinakbo niya ang pera ko agad akong tumawag sa Ilocos para itanong kung nandoon siya pero ang sabi ni Tito Zamir ay wala at hindi na puwedeng makabalik doon si Papa dahil na rin sa nangyari sa kanilang magkakapatid noon at sa pagkamatay ni Lolo.
Wala na akong ibang ideya kung saan si Papa ngayon pero ang sa akin lang, dapat na siyang mahuli at mapagbayaran niya lahat ng kahayupang ginawa niya sa akin at kay Mama noon.
I had a chance to talk to Tita Yvanessa over a video call nang tumawag siya para kamustahin si Yvann. Bakas ang pag-aalala niya lalo at nalaman niya ang nangyari kay Deshya. She offered help but I declined. Tama na iyong naitulong ni Yvann. Ayoko iasa sa kanila ang lahat.
"Wag' ka nang mag-alala maaayos din ang lahat. Magbabayad rin ang Papa mo sa mga kasalanan niya."
I put down the glass of juice I was holding. "Sana nga. Gusto ko nang matapos ito. Gusto ko nang matanggal ang koneksyon ko sa kanya. I don't want to be associated with that evil man!"
Pinagsisihan ko na naging ama ko siya. Ayokong ikahiya na isa akong Imperial because my grandparents are lovable and desirable but my ruined everything. Sinira niya lahat-lahat.
Bumalik si Yvann sa kanyang table at binuklat ang folder na binigay sa kanya kanina ng sekretarya niya.
"I understand you pero don't let the hatred inside you to rule you. Matuto ka pa ring magpatawad hindi man ngayon, pero sa panahon na tuluyan nang hilom ang sugat mo at nakausad ka na sa kinabukasang matagal mo nang hinahangad."
I saw him smile. Nawala na yung dark aura niya at yung galit sa mata niya. He is calm and professional to look at.
Hindi ko alam kung may kapatawaran pa ba sa puso ko para sa Ama ko. Masyadong malalim yung sugat. Maghilom man pero mananatili yung peklat ng masamang pangyayari na ginawa niya sa akin. Iyon ang magpapaalala sa akin ng kasakiman niya.
"Accept and love yourself again first. You have to do that to find peace in your heart," Sabi pa ni Yvann na siyang parang umapuhap sa puso ko.
Nag-iwas lang ako nang tingin at napalingon sa malawak na salaming pader. I saw birds flying freely. Spreading their wings at the best formation, it could have.
I want to be like those birds. Free, carefree, and beautiful. Gusti ko nang maging malaya pero alam ko na makakamit ko lang iyon kung palalayain ko ang sarili ko sa nakaraan. Magiging malaya lang ako sa nakaraan kapag ang mga taong nagbigay sa akin ng mapait na kahapon ay tuluyan nang magbayad sa mga kasanalanan nila.
"Thank you for everything, pinsan," I said.
I was about to leave his office. I need to go back to Porto Cervo. Napag-usapan na rin namin na itutuloy ko ang pagiging therapist ko kay Lyam.
"Anything to make you safe and better. I want Auntie Yasmin to be really at peace wherever she is right now." He answered.
I smiled at that thought. Yvann is truly a man of his own words. Masaya ako na sa kabila ng kayamanan niya ay nanatili siyang nakalingon sa kanyang pinagmulan.
"Ikaw na muna bahala kay Deshya. Balitaan mo ako kapag okay na talaga siya. Saka ko na pasasalamat yung kaibigan mo kapag nagkita kami."
"No worries." He messed up my hair like he always does. "Sige na, ipapahatid kita kay Lorcan pabalik sa Porto Cervo."
"Okay. Salamat."
We exchanged goodbyes. Paglabas ko sa opisina niya ay agad akong sinamahan ni Therese hanggang makarating sa ground floor at doon na ako sinundo ni Lorcan.
Hindi agad ako nakatulog dahil sa pag-iisip ko kay Deshya. Hinihiling ko sa Diyos na sana ay gumaling na siya.
I tried to sleep for the rest of my trip back to Porto Cervo, but I can't. I was preoccupied with my problems. Blanko lang akong nakatingin sa labas ng bintana habang iniisip ang kalagayan ng pinsan ko, ang perang ibabayad sa mga pagkakautang ni Papa at yung kaligtasan namin ni Deshya oras na matapos ako rito sa Italy.
Ngayon, iniisip ko na baka puwede akong bumalik ng Ilocos. I can assure na ligtas kami ni Deshya roon at malabong mabalikan ako ni Papa. Tito Zamir's political power is much more dangerous than my grandfather. Mukhang throughout the decades ay na-maintain ng mga Imperial ang tayog ng kapangyarihan nila doon.
"Dove diavolo sei andato?" (Where the hell did you go?)
Natigil ako sa paghakbang dahil sa gulat nang marinig kong dumagundong ang boses na iyon sa receiving area ng Villa.
I saw Lyam roaring in anger. I took a glance at the wall clock. It already past five. Oh yes, I forgot that supposedly today is our first session.
I stood up straight and look at him apologetically.
"I'm sorry. I had an emergency kaya umalis ako—"
"Without even telling me? Umalis ka nang hindi nagpapaalam? Ganyan ka na ba kabastos?!" He shouted.
Napahiya naman ako sa sinabi niya. I know it was my fault for not giving him a heads-up about Yvann's emergency call earlier. Wala naman akong means para makausap siya at masabi kung anong gianwa ko ngayong araw.
"Sorry. Biglaan kasi yung tawag galing kay Yvann. Nasabihan ko naman si Xerma na sabihan ka. Emergency lang talaga kaya hindi ako personal na nakapagpaalam..." Honestly, I am so scared like a cat right now.
He is literally mad. Hindi ko malabanan yung takot ko habang kaharap siya dahil alam ko na may kasalanan ako. Besides, I'm still emotional because of what's happening around me, especially about Deshya.
"Si Xerma ba ang boss mo rito?" Now, he sounds sarcastic.
I moistened my lips as I bow down my head out of shame. Hindi agad ako nagsalita at hinayaan kong kumalma siya. Another second had passed, and I decided to face him again.
He is still looking at me intensely. I even saw him clenched his fist, and when I was about to utter something, he made a hard jaw moved.
"You haven't started yet, and here you are making bullshit excuses for your incompetency! What a shame that I even gave you a trial period for a week to prove yourself to me—"
"Nabaril ang pinsan ko sa Pilipinas and I am facing big time problem dahil sa mga kasalanan ni Papa sa batas!" I cut him off. This time, I am the one shouting at him.
I tried my best not to burst into tears. This is not the right time to feel weak. Hindi ako iiyak sa harapan ni Lyam. Ayoko na sabihin niyang paawa effect na naman ako. Wala akong gana makipagbangayan sa kanya ngayon.
I'm tired—mentally, physically, spiritually.
"Pinasundo ako ni Yvann dito para sa balitang yan! Hindi ako pabaya sa trabaho ko Sir at mas lalong hindi ako ang tipo ng tao na iniiwan ang trabaho ng walang matinong dahilan! Yung pinsan ko nag-aagaw buhay ngayon, inooperahan! Gustuhin ko mang puntahan ay hindi ko magawa! I need to accept and continue my work here for the hospital expenses! Ngayon, kung nagdududa ka. Tawagan mo si Yvann!" It was supposed to be an explanation but it ended up in a tongue-lash reply.
I pressed my lips to stop calm myself. I had to do the inhale-exhale routine to clear my air passage. Napatingin nalang ako sa kisame habang ginagawa iyon.
Bakit napaka-unfair ng mundo? Hindi pa ba sapat lahat ng pinagdaanan ko, lahat ng sakripisyo ko, lahat ng paghihirap ko para bigyan naman ako nang pagkakataong maging masaya at magkaroon ng matiwasay na buhay?
I bite my lower lip and faced him. Inayos ko ang sarili ko para hindi niya mahalata na masama rin ang loob ko dahil sa sinabi niya.
Nagulat pa ako nang magtama ang aming mga mata. Hindi nabago ang hilatsa ng pagmumukha niya pero nakita ko na wala na ang galit sa mga mata niya.
"I want my life back again. I want to be out of this chair, and since Yvann trusted you so much for your miracle that is I am giving you the chance to sprinkle magic in me."
I pressed my lips together as if I am dealing with a kid having a bad day today.
"I know it was difficult for you—"
"Oh, yes, Miss Imperial. It's so difficult. I can't go to places where I want to paint. I can't dress by myself, and I can't even go to shower alone." Sumbat niya na may halong pang-aasar.
Here we go again with his sarcastic remarks to everything. I tried to put away my tears and faced him professionally.
"Tomorrow, we will start your walking rehab by letting you walk with the assistance of parallel bars. I already set your diet plan at ako na ang personal na maghahanda nun bukas." Sagot ko nalang.
Iyan yung ginagawa ko sa mga may katulad sa kanyang sitwasyon. Gusto ko rin kasing malaman kung gaano kalala ang fracture and paralysis niya.
He didn't say anything, but I can sense that he is still not into my ways of getting his feet back. Talagang pinagdududahan niya ang aking trabaho. Well, tomorrow is the start of my work as his physical therapist-s***h-caregiver.
He maneuvered the wheel of his chair and turned his back at me. Kita mo na? Siya rin pala itong bastos.
"Seven in the morning tomorrow. No more excuses." Paalala niya at hindi na nag-abala pa na lingunin ako.