09 — Nothing
"Care to explain this one?"
With all of my remaining force, I pushed Lyam away from me. He ended up on the edge of a sofa bed and I saw the pain in his face as he endured the impact of my force on his back.
Agad akong tumayo at pinagpag ang scrub suit ko bago hinarap ang pinsan ko na may seryosong pagmumukha. Hindi naman maikubli ang matinding hiya na nararamdaman ko dahil sa nakita niyang eksena namin ng kaibigan niya.
Like a mother, he arches his brow, seeing her daughter doing bullshit in her estate.
I was about to say something when Xerma entered the room and assisted Lyam in standing up. Doon ko pasimpleng inayos ang sarili ko at patay malisyang napatingin sa labas. Pilit kong kinakalimutan ang nangyari habang kinaknalma ang aking sarili.
"In my office, now!" Yvann immediately turns his back at me and left the place.
"Damn it!" I cursed under my breath.
Hindi ko na nilingon si Lyam at basta na lang sumunod kay Yvann. While walking along the vicinity, I can't help but think about that accidental kiss.
Tangina! Di' ko pa rin alam paano nangyari yun. That was quick and horribly unexpected. Nararamdaman ko ang panginginig ng katawan ko dahil doon. Tila may kung ano sa utak ko na matagal ko na sanang ibinaon sa liot ang unti-unting bumabalik.
I know it was unintentional but I felt like I was molested.
Nabalik ako sa katinuan nang marinig ang pinsan ko na magsalita. Yung boses niya malalim at malamig. Walang bakas ng pagka-kuwela kay Yvann. Kalmado pero mapanganib ang katahimikan sa pagitan namin.
"Explain."
His face painted a serious tone of calmness. I can sense deep madness from behind but it was concealed by his control of emotions.
I bite my lower lip as I tried to construct a sentence inside my head. This is difficult than I expected.
Hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa pagpapaliwanag o kung ano ang ipapaliwanag ko sa kanya. Masyado akong na-iintimidate sa paraan ng pagkakatitig niya na para bang may malaki akong kasalanan na nagawa.
"T-That was an accident. I was about to help him stand, m-masyado siyang mabigat kaya n-na-out b-balance kami. . ." I started.
There is silence in between. Nakayuko akong nakiramdam sa paligid. Ilang minuto ang lumipas at hindi ko narinig na nagsalita ang pinsan ko dahilan para mag-angat ako ng tingin. Doon ko nakita ang pagsisisi sa mukha niya.
Pagsisisi para sa ano?
Tumayo siya saka lumapit sa malaking glass door kung saan tanaw naman namin ang kabilang bahagi ng isla kung saan merong isang malaking resort. Sa tantiya ko ay kung dadaan ako sa dalampasigan ay kaya kong maabot ang dakong iyon.
"I want you to go home."
I shifted my attention to his back. "What?"
Doon niya ako hinarapan at inulit ang sinabi niya. Kita ko pa rin ang pagsisisi at takot sa mukha niya dahilan para mas lalo akong maguluhan sa kung bakit niya ako pinapauwi.
Pero bakit may takot sa mga mata niya? May masama bang nangyari dito? Did the world find out about Lyam's existence? What?
Ganun lang kadali sa kanya na papuntahin ako rito at pauwiin sa Pilipinas. Alam kong marami siyang pera pero hindi naman kasi tamang rason lang iyon para magdesisyon siya ng ganito. Hindi ako makapagsalita kahit na ang dami kong gustong itanong pati na rin ang katanungan kung bakit niya ako pinapauwi.
"Juancho will be with you until at the Airport. Sagot ko na ang lahat—"
"Anong dahilan? Bakit ngayon papauwiin mo na lang ako basta-basta? Parang hindi ka nagmakaawa sa akin para sa pagbabysit sa lalaking iyon ah!" Putol ko sa kanya.
Hindi ko lang maatim na ang kaswal niyang sinabi na bukas ay aalis na ako dito. Ang dami kogn siankripisyo para mapagbigyan siya tapos ganito lang niya ako itapon pabalik sa Pilipinas?
"Don't worry I'll still pay for you as to what on the deal."
Doon ako tumayo at nilapitan siya. "Ganun lang yun? Matapos kung magsakripisyo para mapagbigyan yang hiling mo na alagaana t palakarin yung arogante mong kaibigan papauwiin mo ako sa isang walang dahilan na rason? Bakit Yvann? Anong nagawa kong mali? Ha? May sinabi ba ang bwisit na Lyam na iyon para matigil ang trabaho ko?"
Bakas ang matinding galit sa aking boses nang sumbatan ko siya. Hindi ko matanggap na parang nauwi sa wala yung mga pinaghirapan ko. Because of my awful past, I sacrifice my fear of involvement in male patients, but all this is the end?
"Is t-this about what you saw earlier?" I bravely asked.
Doon siya natigilan at biglang naging seryoso ang mukha. Hindi niya ako hinarap pero ramdam ko ang pagiging stiff niya at tila pagkabato niya sa kanyang kinatatayuan. Nanatili ang kanyang mga kamay sa loob ng suot niyang pantalon.
Don't tell me this is about what he saw earlier? Damn!
I saw him had a deep breath and exhaled it hardly. It feels like he is carrying something heavy by the means of his small movement.
"I know, mali ko na pinilit kita sa alok ko and I will be liable for that kaya di ko iaatras ang bayad sayo."
"So, tungkol nga ito sa nakita mo?" Pagkompirma ko. "Iniisip mo na nilalandi ko ang kaibigan mo? Iniisip mo na ginusto kong nakapatong sa ibabaw niya at magkadikit yung mga labi namin?"
The hell, that because of this damn accident he'd fire me? That is purely unfair!
"That is not about it! I am not judging you by what happened earlier—"
"Then what?!" I yelled at him.
I had enough for this week. Iniisip ko ang magiging buhay namin ni Deshya at yung mga maaaring mangyari sa amin oras na umuwi ako sa Pilipinas. Kagabi ay naisip ko na ang maaari ko sanang paggamitan sa magiging suweldo ko kung sakali sa pagtatrabaho rito. I will bring Deshya here and we'll settle here for good. Papahukay ko ang labi ni Mama at ipapa cremate yung labi niya to bring her here. Gusto kung lisanin ang Pilipinas ng tuluyan para na rin sana makalimutan ang nangyari sa akin doon sa kamay ng aking Ama.
I only want to live peacefully and start anew.
Pero kung gaano katayog ang plano ko para sa ikabubuti na sana ng buhay ko, ganun naman kababa ang ikinabagsak nun nang dahil lang dito.
"Hindi ko tatanggapin yung sweldo na hindi ko naman pinagtrabahuan! Pero kung gusto mong umalis na ako dito, aalis ako!" Sabi ko sabay padabog na tumalikod sa kanya.
Hindi ko ginusto ang nangyari kanina lalong lao na ang nangyaring pagkakadikit ng mga labi namin ni Lyam. That was a pure accident! Kailanman ay hindi ako nasarapan doon o kahit man lang nagustuhan iyon. Hindi niya alam ang nakakapangilabot na epekto nun sa akin!
"Zoey! Stop!"
"Wag' mo na akong pipigilan! Aalis ako dahil iyon ang gusto mo!" Sigaw ko pabalik.
Hindi ko na rin mapigilan ang sarili kong hindi maiyak dahil sa sari-saring emosyon na nararamdama ko. Kaya ko na sanang tiisin ang pakikisama doon sa Lyam na yun para sa pangarap ko.
"Fine! I just want to save you from danger. Seeing you being too close to Lyam in that way earlier gave me worries that I might put you in danger being his personal assistant."
Natigil ako sa paghakbang nang marinig ang sinabi niya. Hindi man matigil ang aking mga luha dahil sa sama ng loob ko pero sa sinabi niya ay may kaunting kaba at lungkot ang sumibol sa aking puso.
The danger he is talking about is still an unclear thing for me. I'm starting to think that did I babysit a criminal? But hell no! I already searched for his name on the internet and I already knew something about his personal life.
Kung masama man ang ugali na pinapakita niya sa akin ngayon, kahit paano'y naiintindihan ko iyon. It was part of his post-accident trauma and a defense mechanism against people who might look down on him because he's in a wheelchair.
"Ayokong madamay ka sa gulo. Ayokong dumating sa punto na pagsisihan ko ang desisyon ko na pinalapit kita sa kay Lyam. I don't want to lose another person who is dear to me," the last part was like a whisper on a cold Italian breeze.
Napayuko na lang ako at wala sa sariling napahagulgol nang tahimik. Yvann's extra concern for me is a quick melt that gradually fades my annoyance with him.
I never felt so important to anyone even in my own family. Kahit sa mga Imperial hindi ko nakita ang ganitong pagmamahal at pag-aalala. Kahit nga wala an si Mama at Papa sa buhay ko hindi nila ako nagawang kamustahin. They never accepted me nor helped me survive my living. Hinayaan lang nila akong mag-isa at kailanman ay hindi kinilala bilang isang legal na Imperial.
"Hindi ko alam kung anong ibig mong sabihin na mapanganib o kung anuman ang maaaring mangyari sa akin sa pagiging isang personal caregiver at therapist ni Lyam pero I am not quitting this just because of that. Hindi ko ilalagay sa kahihiyan ang dignidad at reputasyon na meron ako. I will do everything to let him walk again." I assure him that.
The fire in my eyes is enough to dissuade him from making another rebuttal against me.
After that heated argument with Yvann, a night like this is extremely relaxing. The cold wind from the ocean, with its salty kiss on my skin, is my own form of therapy. For a while, this made me feel calm and at ease.
Matapos kong ipangako sa kanya na gagawin ko ang lahat para mapalakad si Lyam sa lalong madaling panahon ay nagkulong na lang ako rito sa akign kuwarto. Ilang oras kong ginugol ang sa pag-aaral at pananaliksik tungkol sa mga iba pang maaaring teknolohiya at paraan na maakatulong sa kaso ng kondisyon ni Lyam.
I am this eager to prove to them that I am worth the penny they invested in me and I am true to my words that I am giving all the shots I have to make the impossible, a possible one.
"Ma'am Zoey..."
That's Xerma after I heard her knock on my door.
Binaba ko saglit ang hawak kong papel at saka pinatong iyon sa ibabaw nang aking laptop.
"Bukas yan," sagot ko at saka napahawak sa aking batok.
Ramdam ko na ngayon yung stress at ang pagod. Yung mata ko nagsisimulan na ring mag-blur dahil wala pa akong kain simula pa kaninang umaga. I had my pride with me na kahit yung pagkaing dinadala ni Xerma sa akin kanina ay pinapabalik at tinatanggihan ko.
All of the time I've had up to this point has been spent on the research and study I'm doing right now. Determination, indeed.
Ci scusiamo ancora per l'inconveniente," (Pasensya na sa muling istorbo,)
Pumasok siya sa aking silid at may dala itong isang inumin na sa tingin ko ay tsaa. Ngumiti ako sa kay Xerma at hinayaan siyang ipatong iyon sa bakanteng espasyo ng aking mesa.
"Alam kong wala ka pang kain simula kaninang tanghalian kaya nagdala ako ng tsaa pansamantala habang inaayos ni Juancho ang Alfresco."
"Salamat." Sambit ko sabay abot ng tsaa. "Bakit ihahanda ang Alfresco? may darating ba? Si Yvann nasaan?" tanong ko na rin.
Pero medyo napaisip rin ako sa
"Pinaayos iyon ni Sir Lyam. Siya ang ang nag-utos na ang hapunan ay mangyayari sa Alfresco at wala si Lord Yvann , kanina pa umuwi matapos niyong mag-usap kanina."
Napatango ako na tila wala sa sarili. Nakakapanibago pakinggan na mismong si Lyam ang nagpahanda ng hapunan sa labas. Sana nga hindi puro wine ang nakahanda sa hapag.
Ibinalik ko ang aking tingin sa mga pael na hawak ko kanina pati na rin sa aking Laptop. Kanina ay kausap ko sa video call si Charm at nagtanong sa mga iba pang bagay tungkol sa aming trabaho na maaaring makatulong sa akin. Charm is also one of the best therapists sa Prime Wellness kaya nga nagkaroon siya ng maraming opportunity to work abroad with some of the biggest clients we had.
I was keeping myself busy when I saw from my peripheral view that Xerma is still standing right next to me.
"W-What?"
Nag-alangan namang ngumiti si Xerma at muling himingi ng paumanhin. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay andito pa rin siya sa akin silid.
"Kaya po ako nandito ay para sana sabihan ka na inaanyayahan ka ni Sir Lyam na samahan siyang maghapunan ngayong gabi."
Napaawang ang bibig ko na hindi makapaniwala sa kanyang sinabi.
Ako ang inaaya makasama? Himala ata at maganda yung mood ng kumag na iyon?
"Seryoso ka ba diyan?"
Tumango na man ito saka ngumit. "Ito ang unang pagkakataon na ginawa niya ito at sa tingin ko magandang sensyales iyon na maaaring payag na siyang tulungan mo siyang makalakad siyang muli."
I blinked in a semi-fast motion as my heartbeat. Xerma's smile never fades, and all I could do was smile shyly. What's with him? Did he overdose himself on wine?
He initiated a dinner with me, which left me speechless. Last I checked, he was eager to summon me back to my home country. Baka mamaya inaya lang niya ako para awayin at makipagbangayan.
Nagpaalam sa akin si Xerma at pinaalalahanan ako na wag' na tumanggi at si Lyam daw ay maghihintay sa akin sa Alfresco.
My body did its ritual while my mind is still in a haze. I just wear a simple T-shirt and pajamas for that so-called dinner. I never dare to put on some makeup and only a lip tint and cheek tint were only on my face. Hinayaan ko ring nakalugay ang buhok kong bagong blower.
The night was still at peace when I pass by the wide living area and the balcony. Gumilid ako at tinahak ang kabilang patio patungo sa Alfresco. Kahit paano naiibsan ng magandang tanawin dito ang kalungkutan at pananabik na nararamdaman ko habang malayo ako sa Pinas.
He was really there. His broad back and fresh haircut made him more handsome from the back. Don't get me wrong, iba ang dating sa akin ng mga lalaking bagong gupit. Nakaka-fresh sila tignan at parang pormal sa akin ang dating pagka ganun.
"Buonasera Sir Alferez," (Magandang gabi Sir Alferez,)
Mula sa likuran niya ay bigla akong sumulpot sa harapan niya at ngumiti lang nang bahagya. Si Juancho naman ang naghila ng upuan para sa akin.
"Thank you." Pasalamat ko.
The servant smiled and bow his head. "Enjoy the night Miss Imperial."
He left us in an awkward moment. Rinig ko ang kalmadong hampas ng alon sa beachfront at ang mumunting orkestra ng mga insekto. Patay malisya naman akong nagpalinga-linga sa paligid at tila inaaliw ko na lang din ang sarili ko para hindi na mas lalong awkward ang aming sitwasyon.
Nagtataka pa rin ako kung bakit niya ako inaya na maghapunan kasama siya. Kanina lamang ay napaka-seryoso lang siya at hindi man lang ako binati pabalik. Blanko lang ang ekspresyon niya habang nasa akin ang sitwasyon.
"Mi scuso per quello che è successo prima. Questo è stato un incidente involontario." (I apologize for what happened earlier. That was an unintended incident.)
My breath seemed to hang on to the air. His highly spoken Italian didn't make it hard for me to meet his words. The way he apologizes for that unexpected liplock was seemed to be sincere.
I twitched my lip and nodded. "Wala yun. Pasensya na rin at hindi kinaya ng lakas ko ang maalalayan ka ng maayos para hindi ka matumba kanina."
For a while he looked at me, perhaps examining my reaction. I've ensured I've got a calm expression firmly. It was nothing for me to let him know.
Bumalik na ang katahimikan na minsang lumisan matapos siyang humingi ng pasensya kanina. Ilang saglit ay dumating si Xerma na nagtutulak ng dining cart. Juancho on the other hand has one of the expensive wines as a thirst quencher.
I tried my best to focus myself on the meal that Xerma placed in front of me but the intense penetrating gaze of Lyam Alferez did no favor to my already plentiful appetite. The way he looked at me feels like he is studying me, peeling each layer of me and finding my weak points.
"Goditi la serata e la cena preparate per entrambi." (Enjoy the night and the dinner prepared for both of you.) Xerma told us as they left the Alfresco.
The aroma of the steak which I presumed to be a delicious Bistecca Alla Fiorentina is a perfect main course for tonight. The wine Juancho poured was also inviting me to taste it.
"I don't have much idea about Filipino dishes so I only let Xerma cook some of the best Italian dishes for us," Lyam told me.
"Okay lang. Masarap naman siguro ito."
"You better try." He answered.
I did what he said. The first cut I made was impressive. The pink meat inside was the perfect medium-rare I've ever seen. It was soft and flavorful— the butter, garlic, and herbs were in every bite of it.
"Masarap nga," hindi ko mapigilang sambitin iyon. "I've tried Italian dishes from some Italian Resto in the Philippines pero iba ang lutong Italyano talaga na dito sa Italy niluto."
I am a Filipina at heart, but I adored Italian cuisine. The culture and savor of their rich history can be found in every outstanding dish they created. It's no surprise that Yvann is always proud to know how to properly cook Italian foods, and why my friends and I enjoy going to Italian restaurants on some of our best payday moments.
We had dinner in silence. The vanilla-scented candles are so relaxing that I had to close my eyes most of the time to savor the food I was eating.
"Tell me more about you?"
The second to the last piece of my steak never reached my mouth after hearing that question.
I met his icy gaze yet it was not chilling to feel. He was there, looking at me like that waiting for me to open some pages of my book.
"Ano ba ang gusto mong malaman sakin? Hindi mo ba nabasa ang aking Resume?" Balik tanong ko sa kanya.
He scoffed. "I said more... More than what your resume is telling me."
I shrugged my shoulder and continue with my food. Hindi ko alam anong pumasok sa isip nito at parang may getting-to-know each other kami ngayong gabi. Pero on the other hand, it's a good way para maalis yung bad vibes and awkwardness sa pagitan namin.
"Ano ba ang gusto mong malaman sa akin?" Tanong ko matapos ang huling subo ko ng steak.
Pinagsalikop ko ang aking mga daliri at pinatong ang baba ko sa ibabaw ng aking kamay. Kaswal lang akong tumingin sa kanya na tila ba hinihintay kong magtanong siya sa akin. On the other hand, this is okay for me that he is the one initiating the talk between us.
I have a degree in Psychology, which will help me understand how he perceives his situation. There, I can lay the groundwork for how to approach him in his current state.
"Anything under the sun."
"Please be specific,"
He smirked and scoffed to calm his features. Saglit siyang tumingin sa paligid at tila ngayon ko alng nakita na naakit siya sa kariktan nitong lugar. Hindi naman kasi lingid sa aking kaalaman na lagi lamang siyang nasa kanyang kwarto at walang ginagawa kungdi magbukas ng TV at maging maalam sa takbo ng mundo.
"Bakit mo tinanggihan yung alok ni Yvann at biglang tinanggap mo nama sa huli?"
I automatically raised my brow. That was unexpected yet I know he would know that. Doon ako umayos ng upo at saka hinarap siya ng taas-noo.
"Dahil kailangan ko ng malaking pera." diretsahan kong sagot.
Iyon naman ang totoo eh. Kung hindi malaking ang kikitain ko dito na alam kong maitatakas nito ako sa mapait na gulo na iniwan sa akin ng aking ama ay hindi ko ito tatanggapin.
"So, your a gold-digger, a scammer—"
"I'm a gold digger for my daily living. Mukhang pera ako dahil hindi kami mayaman at wala akong kakaanan na mabili lahat ng gusto ko kahit magtrabaho ako ng 24-oras. Hindi masamang maging mukhang pera kung nasa tama. Atleast, mukhang pera man ako pero nasa legal na paraan. Pinagtatrabahuan ko ang kinikita ko." Putol ko bilang paliwanag.
"Impressive,"
I sarcastically smirked. "Insulto ba iyan?"
Umiling naman siya at saka nagtaas-noong hinarap muli ako. Andun pa rin yung kompayansa niya na kaya niyang makipagsagutan sa akin.
"Hindi ko inakalang kaya mong makahanap nang magandang ibig sabihin ang pagiging isang mukhang pera."
"Lahat ng tao mukhang pera, nagkakatalo lang sa minimithi at pangangailangan." Sagot ko pa. "Ikaw, kailangan mo ng pera para makalakad ka. Ako, kailangan ko ng pera para sa tuition ng pinsan ko at sa pang-araw-araw na gastusin ko. Hindi ako naghahangad ng labis kaya hindi ako masamang uri ng taong mukhang pera."