Hindi alam ni Wave kung susundin ba niya ang sinabi ng pinuno. Alam niya huli na rin ang kanyang misyon na iyon, pero hindi niya rin inaasahan na ganoon din pala kahirap. Naguguluhan na siya sa kung ano ang kanyang susunod na hakbang. Aminado si Wave na hindi basta-basta na misyon lang ang binigay sa kanya ng pinuno, kundi may kailangan din siyang hanapin at tuklasin sa kabilang ibayo. Sa kabilang ibayo kung saan ang mga nakatira ay ang masasamang nilalang. Huli ngunit mahirap naman. Kailangan niya ring maghanap ng limang kasama na kanyang mapagkatitiwalaan. Ang problema ay hindi niya mapangalanan ang lima na mga nilalang. Sa una niyang listahan ay si Kaede, pero may misyon naman ang isang ‘yon, kaya hindi naman pwede. Limang elemento ang kailangan niya, tubig siya. Ibig sabihin, hahana

