MASAYANG-masaya si Evan nang makarating silang dalawa ni Asula sa isang plaza ng lugar na iyon. Maraming mga bata sa paligid habang nakabantay naman sa hindi kalayuan ang mga magulang. magandang pagmasdan ang mga ito, makikita talaga ang saya na nararamdaman sa bawat mata at halakhak. Noon lamang nakalabas si Asula matapos niyang magkulong sa loob ng bahay matapos siyang makalabas sa hospital. Ngayon lang ulit siya nakalabas sa mga mataong lugar, at para kay Evan ay pipilitin niyang abalahin ang sarili para mag-enjoy naman ang bata. Iyon lang din kasi ang naisip niyang paraan para kahit papaano ay maging masaya naman ito sa paninirahan sa kanilang mundo. Kahit na galing si Evan sa mundo ng mga bituin ay hindi maipagkakaila na may pagkakapareho rin ang lahat. Nakasunod lamang siya kung sa

