Bumalik na nga sila sa shop ni Perto, at mukhang ayos naman ang lahat pagdating nilang dalawa ni Wave. nagtaka at nagulat nang makabalik agad sila na wala man lamang galos o nahirapan sa pagpapahanap nila ng bulaklak ng buhay. Napatingin si Asula kay Wave, mukhang alam na rin ng lalaki ang kanyang iniisip. Hindi nga nagkamali ang lalaki, mabuti na lamang at iniwan ni Wave ng proteksyon si Evan. “Mabuti at binigay sa inyo ng diwatang bantay ang isa sa bulaklak ng buhay. Nakapagtataka na wala man lang ginawa iyon sa inyo.” tinitigan sila ni Perto na may pagdududa sa mga mata. Huminga ng malalim si Wave saka tumungo ito sa harap ni Perto at binigay ang bulaklak ng buhay. “Perto, binayaran kita ng sapat na diyamante. Huwag ka nang masyadong matanong. Gawin mo na ang makapagpabubuti sa kasa

