NAKARATING agad sila sa kanilang destinasyon matapos ang mahaba at masukal na kagubatang kanilang dinaanan. Hindi alam ni Asula kung paano mamangha sa kagandahan ng lugar, kung talagang gusto niya na manatili roon ay gagawin niya. Kung kasama niya si Wave, hindi naman siya mananatili roon kung wala ang lalaki. Para sa kanya maganda pa rin kapag kasama ang mahal sa buhay, mas ma-appreciate nag kagandahan ng mundo at ng nilikha ng Maykapal. Napatingin si Asula kay Wave at Evan, palinga-linga siya sa paligid nang makarating na sila sa bayan. Ang tawag sa bayan sa mundo ng mga nilalang na iyon ay Baristao. Kung saan doon nagtatagpo ang iba’t ibang lahi ng mga kakaibang nilalang, at base pa lamang sa mga nakikita ni Asula, pakiramdam niya ay magtatago na lamang siya sa kagubatan kaysa ang maki

