Nagising na nga si Evan sa hindi inaasahan na pangyayari. Labis na natuwa si Asula at niyakap niya agad ang bata. Mukha namang nabunutan ng tinik si Wave sa kanyang dibdibnang makitang maayos lang ang bata. Lumapit din siya rito saka ginulo niya ang buhok nito. Hindi niya inaasahan na mangyayari ang araw na ito. Napatingin sa kanila si Evan na puno ng pagtataka ang mga mata na papalit-palit sa kanilang dalawa ni Asula. “Ano po ang nangyari? Kuya Wave?! Nandito ka na?!” Niyakap siya agad ng bata at labis na tuwa ito nang makita siya. Hindi na rin napigilan ni Wave na yakapin pabalik ang bata. “Oo ako ito. Wala ka bang natandaan sa mga nangyari?” Umiling si Evan, kahit anong pilit niya ay hindi niya talaga natandaan kung ano. “Nagulat na lamang po ako na nagising dito. Ang natatandaan ko

