Napahawak sa kanyang bag si Asula. Naglalagay siya ng kanyang mga damit at kakailanganin na gamit sa loob. Hinihintay nilang magising si Evan, kaya naman habang walang ginagawa ay nag-aayos na sila ni Wave. Para kung magkamalay na ang bata, aalis na sila at sisimulan nang pigilan ang mga nilalang na nanghahasik ng lagim sam undo ng mga bituin. Kailangan na may maabutan silang buhay roon bago pa mahuli ang lahat. Akala ni Asula tapos na ang lahat simula noong matalo ni Wave si Sun. Pero hindi niya akalain na may panibago na namang kontrabida sa pag-iibigan nilang dalawa. Ang masama pa ay makapangyarihan at ma-impluwensya. Paniguradong kalaban na ni Wave ang halos na mga nilalang sam undo nito. Ngunit sabi naman ni Wave, hindi iyon mangyayari, lalo na at labag sa kanilang patakaran ang g

