Maingat na hinawi ni Blue ang katabing kurtina upang silipin ang dumating na nakausap na ni Dylan sa may pintuan. Napakunot ang noo niya nang makita ang isang lalaking nakasuot ng itim na jacket, denim jeans at itim rin ni cap.
Who is this? Isa ba 'to sa mga hook up ni Dylan?
Nanatiling lihim na nakamasid lang si Blue sa kausap ng kaibigan kahit hindi niya naririnig ang sinasabi nito hanggang sa umalis ang lalaki.
"Sino 'yon? Ano raw ang kailangan?" curious na tanong niya pagbalik ni Dylan sa pwesto nito.
"Ano pa! Edi, costumer."
"Huh? Hindi ba niya nakita 'yong sign board na closed?"
"Actually, ilang beses na 'yan bumalik-balik rito. Hinahanap 'yong specialty nating red velvet cheesecake natin. Sinabi ko na lang na nasa bakasyon ang baker natin." Kibit balikat nito.
Mula noong tanggapin niya ang alok ni Madam Clarita na magpanggap bilang si Paige, nakompromiso na ang shop nila. Si Blue kasi ang personal na nag-ba-bake ng mga specialty cake nila. Habang ang mga simpleng cake ay itinuro niya sa mga staff.
Hindi niya kasi kayang ipagkatiwala sa mga ito ang recipe na minana pa ni Blue sa yumaong ina.
"Huwag kang ma-guilty riyan!" Sabi ni Dylan nang mapansing natahimik siya. "Naiintindihan ko naman na kailangan mo talaga yang raket na yan para kay Tito. Anyway, tumawag na ba ulit sa 'yo ang dearest father mo?"
Umiiling na bumuntong hininga si Blue. "Hindi nga, eh. Kahit naiinis ako kay Papa, nag-aalala pa rin ako sa kaniya."
"Baka nandoon sa Tito Charles mo? BFF sila non diba?"
"Sana nga..."
"Huwag mo na alalahanin 'yon. Ilang beses a ba nasuot sa problema 'yang si Tito! Nakakasurvive naman!"
Napabuntong hininga si Blue. May punto naman rin si Dylan. Magugulat na lang siya kapag na-areglo na niya ang problema, bigla na lang itong susulpot saka hihingi ng tawag sa kaniya.
Hindi na rin siya nagtagal sa shop nang dumating ang kaniyang sundo. Naabutan pa niya si Mamshie Claudine pagpasok niya sa unit ni Paige.
"Oh, nag-enjoy ka ba?" Bumeso ito sa pisngi niya.
Pilit na tumango si Blue. "Thank you sa pagpayag mo, Mamshie."
"Basta sekreto lang natin 'to, ah? Huwag mong sasabihin kay Madam na pinayagan kitang lumabas na mag-isa. Malilintikan tayong dalawa!"
"Syempre naman po, Mamshie."
"Good. Siniguro mo bang walang nakakita sa 'yo? Walang paparazzing nakasunod?"
"Wala." Buong kumpinyasang tugon ni Blue.
"Sure na sure!"
Patango-tango itong yumakap sa kaniya.
"Oh, siya! Magpahinga ka na! Tomorrow is the big day! Maagang matulog! At mag-beauty rest!"
"Yes, Mamshie!"
Yes. Dahil bukas na magaganap ang pinakahihintay nang lahat na engagement party ng dalawang bigatang personality sa entertainment industry.
***
Maaga ngang natulog si Blue at maaga ring gumising kaysa normal na gising niya. Hindi para maghanda sa party kundi para mag-bake. Naisip niya kagabi na hindi pupwedeng, mapabayaan ang shop!
Panandaliang buhay at katauhan lang niya itong kasalukuyan. Saan siya pupulutin kapag tapos na ang lahat ng ito? Paano kung tuluyang mawala ang mga costumer na pinaghirapan at iningatan niya ng ilang taon?
Isinalang ni Blue sa oven ang ikalawang batch ng red velvet cheesecake bago tinawagan si Dylan.
Mabuti na lang bente kwatros oras na bukas ang isang convenience store sa ibaba ng unit at kumpletong nabili niya ang mga basic ingredients. Yong wala, pinalitan na lang muna niya ng ibang brand. Swerte rin na may mga baking material sa kusina ni Paige.
Halos bago pa nga ang mga 'yon. Nasa box at plastic pa. Halatang hindi nagamit. Pansin niya lang, hindi mahilig magluto si Paige. Kasi kahit ibang mga kagamitan sa kusina makikintab pa.
Sabagay, araw-araw ba namang may nagpapadala ng mga pagkain dito. Galing sa mga kilalang chef para raw sa meal plan ng dalaga. Masarap naman kaso na-mi-miss ng dila niya ang mga normal na pagkain.
Bigla naglaway siya sa sinangag at itlog.
Habang hinihintay na sagutin ni Dylan ang tawag, naghalungkat sa ref si Blue. Sa isang linggo pagtira niya rito— ngayon lang siya makikilam sa ref. Madalas kasi ay si Mamshie ang naghahanda ng mga kakainin niya na pasok raw sa calorie intake ni Paige.
Hindi nga malaman ni Blue, paano nakakayanan kumain ni Paige ng walang kanin!
Napangisi si Blue nang makitang naroon pa ang left over rice sa ref na hinapunan kahapon ng make up artist at iba pang nag-ayos sa kaniya para sa dinner date with the Gambles.
Inilabas niya 'yon. At habang naghihiwa ng bawang pinalambot naman niya ang bacon na galing sa freezer.
Pakanta-kanta pa siya habang nag-gigisa ng bawang at nagpi-prito ng itlog. Nang marinig na sumagot si Dylan sa kabilang linya.
"Hello..." antok na antok ang boses nito.
"Dy!"
"Blue?" Tila naalimpungan ito. "Ang aga-aga mo naman mambulabog!"
Natatawang hinango ni Blue ang bacon. "Di ba may costumer na naghahanap ng red velvet cheesecake natin?"
"Oh, ano naman ngayon!" Iritableng sagot nito. "Naku, ah! Huwag mong maisuggest-suggest na ako ang pagagawain mo niyan, Mamsh! Goodbye—"
"Hindi kasi!" Awat niya rito. "Guess what."
"Ano nga! Shuta! Blue! Inaantok pa ako!"
Natawa na naman siya. Minsan lang siya makaganti ng pambubwiset rito! Aba, sasagarin na niya. "Nag-bake ako ng cup cakes! Pick-up-in mo na now!"
"Ano!"
Hindi na niya ito hinintay na makapag-reklamo. Binaba niya ang tawag at nag-message rito na kunin ASAP dahil darating na si Mamshie mabubuking siya.
Tawang-tawa si Blue, nang makalipas lang ang isang oras dumating ang nakasimangot na si Dylan. Hindi na nag-effort magbihis ang bruha, nakapantulog pa ata.
"Grabe ka talaga sa akin!" Reklamo nito nang iabot niya rito ang dalawang box ng cup cakes.
"Huwag ka na magreklamo! Para naman 'to sa shop natin. Oh, ingatan mo yan! Yung frosting baka masira!"
"Wala man lang pa-kape! Ang aga-agang mambulabog!"
"Sige na," pagtataboy niya rito habang winawasiwas ang kamay. "You'll survive! Umalis ka na. Baka abutan ka pa ni Mamshie."
Inirapan pa siya nito bago nagdadabog na umalis. Naiiling na bumalik si Blue sa loob ng unit. Dumiretso siya sa kusina. She was smiling from ear to ear habang takam na takam sa mga pagkaing inihain niya. Sinangag, bacon, omelette at mainit na kape.
"Ah, this is the real food!" Sinimulan na niyang kumain. Balak niyang mamili ng mga pagkain sa grocery. Tama! That's a good idea!
Nakakamay pa si Blue at nakataas ang isang paa sa upuan nang bigla na lang may magsalita.
"Good morning."
Nabarahan ng kanin ang lalamunan niya.
Kaya maubo-ubo pa siyang nang mag-angat ng tingin. Napamaang si Blue nang makita si Frost na nakasandal sa gilid ng pintuan.
Lumunok siya at lumagok ng isang basong tubig. "A-Anong ginagawa mo rito?"
Imbes na sagutin ay naglakad ito palapit. "Hindi mo man lang ba ako aalukin kumain?" Pagkatapos ay sinipat ang mga pagkain sa lamesa.
Napangiwi si Blue at nagmamadaling kumuha ng plato at inilapag 'yon sa harapan nito nang maupo sa katabing silya niya. "G-Gusto mo ng kape?"
Ngumiti ito. "Sure. Thank you."
Sinalinan niya ng kape galing sa coffee ang baso nito saka bumalik at pinagpatuloy ang pagkain.
"Bakit?" Lingon rito ni Blue nang mapansing pinagmamasdan siya nitong kumain.
"You're eating with your hands." Amuse na sabi nito.
Namilog ang mata niya. "A-Ah, napanood ko to sa mga mukbang sa youtube! M-Mukhang ginaganahan sila kumain... but if you don't like it—" natigilan siya ng ilagay nito sa gilid ang hindi pa nagagamit na kutsara at tinidor. "W-What are you doing?"
Tumayo ito para maghugas ng kamay at bumaling sa silya.
"Eating?" Tugon nitong nagkibit pa ng balikat bago kinamay ang pagkain. "Oh, wow! Ayos rin pala kumain ng ganito!"
Maang napatitig si Blue sa binata na magana nang kumakain.
"Kumain ka na rin. Hindi ka matatapos diyan kung panonoorin mo ako." Lingon nito sa kaniya sabay kindat.
Nag-iinit ang pisnging nag-iwas ng tingin si Blue at ibinalik ang atensyon sa pagkain.
"Feeling..."
Natawa ito. "So... hindi na ba strict ang diet mo?"
"Anong hindi? Araw-araw pa rin naman akong kumakain ng gulay!" Matabang na sagot ni Blue. "Malapit na nga ako maging kambing—" natigilan siya at napatakip sa bibig.
Bakit ba kapag kasama niya ang lalaking 'to, hindi mapigilan ang bibig!
Kinakabahang nilingon ito ni Blue at nakahinga ng maluwag nang makuha pang tumawa ng binata.
"Sabi mo, ayaw mong kumakain ng rice. It makes you fat."
"Narealize ko lang. Hindi naman siguro masama kung paminsan-minsan kumain ng carbs. Tsaka mamaya rin naman i-bu-burn at itatae ko rin ang mga ito."
Natawa naman ito. My goodness. Siraulo ba 'to? Tawa nang tawa, eh.
"You know what, Paige... you never made me laugh like this before... Now, i realized, marrying you would be a joy. Knowing I'll start and end my day laughing and smiling like a fool," usal nitong lumapit ang mukha sa kaniya at dinampian siya ng halik sa pisngi.
Tulalang napatitig na lang si Blue sa mukha ni Frost, nang umangat ang kamay nito at hamplusin ang kaniyang pisngi.
May tila mainit na bagay ang bumalot sa dibdib niya subalit parehas rin silang natigilan nang mapagtantong ang kamay nitong nasa pisngi niya ay ang kamay nitong pinang-kakamay sa pagkain.
Napangiwi si Blue nang maramdaman ang mga kanin na dumikit sa pisngi. "Sweet na sana..."
Napuno ng halakhak ni Frost ang buong unit. And then she found herself laughing with him...
***
Nagpaalam rin si Frost matapos itong mag-agahan. Dadaan pa raw ito sa designer na gumawa ng suit nito para mamayang gabi. Hindi naman mawala-wala ang ngiti ni Blue hanggang sa makaalis ito at dumating ang mga mag-aayos sa kaniya.
"Ang ganda ng mood ni Paige, Mamshie!" Tili ni Mamshie Juday. Ang make up artist na nag-lalagay ng make up sa kaniya ngayon.
"Sinong hindi gaganda ang mood?" Singit ni Farrah ang assistant ni Carly na asawa ng isang kilalang photographer, siyang gumawa ng gown ni Blue. "Ikaw ba naman magkaroon ng jowa na tulad ni Sir Frost! Ang gwapo na nga! Ang bango pa! Ahhh!"
"Oy, bruha 'to!" Tumatawang sinabunutan ito ni Dina. "Naamoy mo na?"
"Slight! Noong nagpasukat kay Madam para suit!"
"Ay, Paige oh! Hinaharot si Sir Frost!"
Nakitawa pa si Blue bago naiiling na kinuha ang nag-vibrate na cellphone sa loob ng bag. Ini-expect niyang si Crizzy na secretary ni Frost ang nag-chat para paalalahanan siya sa pagdating ng susundo sa kaniya.
Wala kasi si Mamshie Claudine nagkaroon ng emergency sa pamilya nito. Subalit natigilan siya nang makitang kay Frost ‘yon galing.
Frost: Can’t wait to see you tonight…
Kagat ang ibabang labi nagtipa si Blue.
Paige: Me too…
“Ayieeee! Kinikilig, oh!” Tilian ng tatlo. “Si Sir Frost ‘yan!”
“Hey! Tumigil nga kayo riyan! Tapusin niyo na ang pag-aayos. Paparating na ‘yong sundo ko mayamaya.” Tumatawang saway niya sa mga ito.
Pasado alas sais, natapos siyang ayusin ng glam team ni Paige. Hindi pa rin mapigilang mapatulala sa sarili kapag nakikita ang repleksyon sa salamin. Sinong mag-aakala na noong nakaraang linggo, isa lang siyang simple at normal na babae?
What a twist of fate…
Daig pa niya ang napanonood sa mga Kdrama, na ang setting ay nagkapalit ng katauhan!
“Paige, nandiyan ang sundo mo!” Tili ni Dina mula sa labas ng silid.
Dinampot ni Blue ang Tory Burch purse sa ibabaw ng kama at lumabas ng silid. Inihatid siya ni Mamshie Juday at dalawa pang PA, kung saan naghihintay na sa labas ng building ang limousine na maghahatid sa kaniya venue.
Nakaabang na kaagad ang mga paparazzi at press sa lobby. Hinahawi ang mga ito ng body guards ng condo at personal body guard ni Paige. Habang naglalakad at makasakay sa sasakyan ay panay ang kislapan ng mga kamera.
At tulad ng inaasahan wala pang ilang minuto top trending na ang mga litrato ni Blue na kuha mula sa mga paparazzi. Kanya-kaniya na ng conclusion.
Tinambol naman ng kaba ang dibdib ni Blue nang makarating ang sinasakyan sa tapat ng isang five star hotel. Kahit doon ay umaapaw rin ng mga Paparazzi. Matiwasay naman siyang nakasakay sa elevator sa tulong mga guards na hinahawi ang mga fans.
Pagbukas nang elevator sa 10th floor… natigilan si Blue pagbukas niyon nang salubungin siya ni Frost. He looked dashingly handsome wearing a cream suit. Naka-brush ang buhok nito at may malapad na ngiti.
“May I?” In-offer nito ang braso sa kaniya.
Atubiling kumapit roon si Blue. Iginiya siya nito. Nakasunod sa kanila ang apat na PA na nag-aayos sa laylayan ng suot niyang gown. Panay naman ang kuha ng larawan ng exclusive photographer ni Frost na si River.
Nang huminto sila sa harapan ng kulay gintong malaking double door papasok sa kung saan nagsisimula na ang party, nilingon siya ng binata.
“Ready?”
Huminga ng malalim si Blue saka matatag na tumango. “Ready.”
Bumukas ang pinto. Nakatutok ang spot na naglakad sila papasok sa loob.
“May we call on the power couple! Paige Santillan and Frost Gambles!”
Dumagundong ang masigabong palakpakan at kislap ng mga kamera.