Matapos kumain ng dinner nagyaya pa si Clarita sa club na naroon lang rin sa loob ng hotel. Sabay-sabay silang sumakay ng elevator at bumaba sa third floor.
Hindi tulad nang pinuntahan nilang club ni Dylan kagabi— na maingay at madilim. Ang club na ito ay classy. Jazz music ang tinutugtog ng pianist at violinist habang umiinom ng mamahaling alak ang mga guest.
Sinalubong sila ng waiter at dinala sa tabi ng salamin na pader. Kitang-kita ang nagtataasang building at sa likod niyon ay ang kalangitan na puno ng bituin at karagatan. Kaagad na umorder ng mamahaling wine para sa kanilang mga babae si Clarita at scotch naman kay Frederick at Frost.
“Toast for the success of our family!” Itinaas nito ang hawak na baso.
“To our family,” tugon ng mag-asawang Gambles. Tanging tango at tipid na ngiti naman ang naging sagot ni Frost at Blueberly…
Habang nagsasaya ang mga magulang ni Frost at si Madam Clarita— tahimik na nakatanaw naman si Blue sa labas ng salamin na pader. Hindi niya malaman kung makakaramdam ba ng awa at lungkot para kay Paige.
Malinaw sa pag-uusap kanina sa dinner na mas iniisip ni Clarita at Frederick na ang nalalapit na engagament ay for publicity para sa nalalapit na movie ni Paige na si Frost ang producer.
Inaasahan niyang magsasalita si Frost ukol doon— subalit walang naging pagtutol sa anyo ng binata na tanging mga pagtango lamang ang sagot sa Ama. Ang nakikita lang niyang excited at tila balewala rito ang publiko ay si Catalina.
Sumalong-baba Blue. Hinahayaan lang ba ni Paige ang lahat ng ito? Sumusunod lang ba ito sa agos? Sa mga gusto ng nanay nito?
Isang linggo pa lang siya nagpapanggap na si Paige, pero nakita na kaagad ni Blue ang pagiging controlling ni Clarita.
Hindi niya tuloy alam kung sa kaniya lang ba ito ganoon para hindi siya mabuking dahil iniingatan nito ang pangalan ng anak o maging kay Paige ay parehas ang trato nito?
“Hey…”
Natigilan si Blue sa pagmumuni-muni nang maramdaman ang mainit na hiningang tumama sa kaniyang tainga. Bahagya pa siyang napapitlag at pasimpleng umisod ng upo palayo kay Frost.
Damn. She didn’t know why she reacted to him this way… yung para bang may kuryente na dumadaloy sa katawan niya. Ganoon rin ang naramdaman niya noong unang beses siya nitong hawakan…
“B-Bakit?” Kunot ang noong baling niya rito.
Subalit imbes na sumagot pinakatitigan lang nito ang mukha niya bakas ang amusement sa mga mata.
Kinabahan si Blue na baka mapansin nito ang mga pagkakaiba sa mukha nila ni Paige kaya mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Sa tensyon na nararamdaman— kinuha ni Blue ang wine glass niya at iinumin sana ‘yo nang marahang hawakan nito ang pala-pulsuhan niya.
“Oppsss…”
“W-What?” Kumabog ang dibdib ni Blue.
Umangat ang sulok ng labi ni Frost habang kinukuha ang baso sa kaniya. “Haven’t you forgot?”
“A-Ang alin?” Naguguluhang tanong niya.
“The last time you were drunk…”
“Ah…” Blue laughed nervously. Hindi niya alam ang pinagsasabi nito. Pero kailangan niyang sakyan. “Hindi ko na matandaan, eh. But you know, I’m not a heavy drinker. Alam mo namang may alergy ako sa alcohol, di ba?” Mabuti na lang magaling siyang magpalusot at nabasa niya ‘yon sa list ng things to reminders about Paige na ibinigay ni Mamshie!
“Oh…” patango-tangong tinaasan siya nito ng kilay. “Really, huh?”
Confident pang sunod-sunod ang naging pagtango ni Blue. “Yes.”
“But you were drunk last night…”
“A-anong pinagsasabi mo?” Nanlalaki ang matang bulaslas niya.
“Hindi mo ba matandaan na iniuwi kita sa condo mo…” umisod ito ng upo palapit sa kaniya. “I changed your clothes and…” halos pabulong na sabi nito. “We made out…”
Napasinghap si Blue. Ano ito ang misteryosong naghatid sa kaniya kagabi! At hindi pala paniginip ang mga ala-alang bumabalik sa isipan niya! Nangyari ngang naghalikan sila?!
Oh, noes! Hindi virgin ang lips niya! And who knows… what he did to her while she’s unconcious!
Tila nabasa naman nito ang nasa isip niya at nagsalubong ang kilay. “You know me, Paige. I don’t make love to a drunk woman.”
Tumayo na ito at inilahad ang kamay sa kaniya. “Let’s go. I’ll take you home, bago ka saniban na naman ng alak.”
***
Gulantang at hindi pa rin kumakalma ang dibdib ni Blue habang nasa biyahe sila. Mabuti na lang at hindi rin nagsasalita si Frost. How can she be so stupid! Napagsamantalahan na pala siya ng wala siyang alam!
Oh, wait... counted ba ‘yon as pagsasamantala kung sa ala-ala niya ay siya ang unang humalik dito?
Damn! She really did kissed him! Naitakip ni Blue nang wala sa sarili ang mga palad sa mukha. Paano kung dahil doon ay mabuking siya nito?
Sa edad sa bente sais kasi ay wala pang kahit anong karanasan si Blue pagdating sa pakikipag-relasyon at lalo sa ginagawa ng mga magkarelasyon. Hindi pa niya nagawang mahalikan! Lalo na ang makipag-s*x.
At hindi sa hinuhusgahan niya si Paige— sa unang pagkikita nila ni Frost ay naging intimate ang binata sa kaniya. Meaning— may namamagitan nang pisikal na aktibidades sa dalawa. And they have been together for three years! Siguradong kabisado na ni Frost ang girlfriend nito…
Palihim na sinulyapan ni Blue ang binatang nakatutok ang atensyon sa daan. Pero wala naman itong nababanggit na kakaiba tungkol sa kaniya.
Siguro ay nagiging paranoid lang siya. Tama.
Pinilit na ni Blue kumalma. Pero bumalik ang kaba sa dibdib niya nang bumaba rin ito sa sasakyan.
“Ihahatid na kita sa taas,” anitong iginiya siya papunta sa elevator.
“A-Ah… hindi ka ba napagod sa trabaho ngayon? K-Kaya ko namang umakyat mag-isa. It’s almost 10…”
Pero pinindot pa rin nito ang button sa floor ng unit ni Paige at sumakay sa elevator sabay hinila siya papasok sa loob. “It’s fine. Besides, we still have unfinish business.”
Nanigas si Blue sa kinatatayuan niya. Unfinish business? Iyon ba ‘yong pangako niyang isasabay ito sa paliligo sa susunod?!
PAGPASOK sa loob ng unit, naramdaman niyang sumunod ito sa kaniya hanggang sa kwarto. Tinungo naman ni Blue ang dresser at sa nanginginig na kamay inalis niya ang mga suot na alahas.
Halos marinig na niya ang kabog ang ng dibdib. Diyos ko po! Oo nga at nakita na nito ang katawan niya. Pero wala siyang malay non! Hindi tulad ngayon!
“Hey… I know what you’re trying to do…”
Nagulat siya nang hindi namamalayang nasa likuran na pala siya nito.
“W-What?”
Pinihit siya nito paharap at hinawakan sa magkabilang balikan. “You’re avoiding me…”
“H-Hindi naman.” Nakagat niya ang ibabang labi. “But I’ll be honest. Wala kasi ako sa mood ngayon.”
“Mood? Saan?” Nagtatakang tanong nito.
“You know… na Isabay ka sa paliligo. Pwede bang sa susunod na lang ulit?”
Ilang sandaling tinitigan siya nito na bakas ang amusement sa mga mata bago tumawa ng malakas.
Nagsalubong ang kilay ni Blue. Aba, lintek na lalaking ‘to! Inipon nga niya ang lahat ng lakas ng loob para lang masabi ‘yon! Pagkatapos ay pagtatawanan lang siya!
“Anong nakakatawa?” Hindi na niya itinago ang inis sa boses.
“Iyon ba ang iniisip mong unfinish business na sinasabi ko?” Patuloy pa rin sa pagtawa.
“Ano pa nga ba!” Napipikang pinalo niya ang braso nito. “Stop laughing!”
Huminto naman ito. Pinunasan pa ang sulok ng mata na naluha pa ata sa katatawa. Pagkatapos ay nakangiting hinaplos ang pisngi niya. Si Blue naman ang natigilan. “You know what… I’ve never laughed this way before. At ang unfinish business na sinasabi ko… ay ‘yong naudlot na pag-uusap natin kagabi.”
“Pag-uusap?”
“Oo.” Pinisil nito ang ilong niya. “Nakatulog ka na kasi kagabi. But I told you, kunh may problema ka, nandito lang ako para makinig.. tulad ng dati… noong mga bata pa tayo.”
Kahit paano nakahinga nang maluwag si Blue. Okay. No bathing together tonight!
“Sabi ko naman sa ‘yo… okay lang ako—“
“Okay? Bakit ka nagpakalasing kagabi? There’s something bothering you na ayaw mong sabihin sa akin.”
Lihim na napangiwi si Blue. Kung alam lang nitong sapilitan lang siya sumama kay Dylan.
“Wala talaga. I’m totally fine.” Itinaas pa niya ang kanang kamay. “Promise! Huwag ka na mag-alala, okay?” Sabay matamis na ngumiti para mas ma-convince.
Natigilan na naman ito at tila nababatubalaning tumitig sa mukha niya. Mayamaya ay itinaas ang kamay at pinadaanan ng daliri ang malapit sa gilid ng ibabang labi niya.
“I just noticed now… that you have a mole here…”
Sinalakay na naman ng kaba ang dibdib ni Blue subalit di niya ‘yon pinahalata kaya pinilit niyang tumawa. Hinaplos pa niya ang nunal na sinasabi ni Dylan na asset raw niya. “Ah… nabasa ko, minsan raw nag-aappear ang mga moles kapag nagbago ang hormones level ng babae…”
“Oh…” patango-tango nitong naiusal pagkatapos ay ngumiti. “It looks sexy though.”
Napasinghap at napapikit na lang si Blue nang unti-unting bumaba ang mukha nito at dinampian nang halik ang gilid ng labi niya…
***
“Ano? Ang fiancè mo ang naghatid sa ‘yo pauwi!”
“Fiancè ni Paige,” pagtatama niya sa sinabi ni Dylan.
Kasalukuyang naririto sila sa loob ng shop. Alas otso na ng gabi kaya solo na nila ang buong shop. Bukas na si Blue ihaharap sa madla bilang si Paige at yon nga ay ang mismong engagement na pinag-usapan noong nakaraang gabi.
All is set! Mula sa catering, sa events area, sa pagpapamudmod ng mga imbitasyon maging sa pagpapatrend sa social media. Ngayon ay umabot na number one trending ang #P&Froadtoforever.
“Sus! Ikaw naman si Paige ngayon! So, fiance mo!” Humalakhak pa ito.
Napapailing na hinalo-halo ni Blue ang frappe niya na idinagdag ni Dylan sa menu nila na hindi nito kinonsulta sa kaniya. But thankfully, best seller ‘yon.
“Kinakabahan nga ako bukas.”
“Sinong hindi kakabahan? Buong Pilipinas ata ang manonood bukas! Jusko, besh galingan mo ang arte!”
“Paano kung magkamali ako ng sasabihin sa mga taong nandoon? You know, lahat ng aattend bukas malalapit kay Paige… baka mawalan pa siya ng career dahil sa akin.”
“Pwes! Kasalanan niya! Aalis-aalis siya diyan, eh! Ay teka… nasaan ba ang Paige na ‘yon? At bakit pala biglang nawala sa ere?“
Napasapo sa noo niya si Blue. “Hindi ko alam. Wala namang nababanggit si Mamshie sa akin, anong nangyari… pero pakiramdam ko na-burnt out…”
“Oh, well…ang toxic naman kasi ng showbusiness industry! Buti na lang di ko naisipan mag-artista!”
Umismid si Blue. “As if…”
“Aba ang yabang nito, ah!” Hahablutin sana nito ang buhok niya nang mapalingon siya sa pinto nang marinig doon ang mahihinang pagkatok. “Teka, sundo mo na ba ‘yan?”
Sumulyap si Blue sa pambisig na relo. “Hindi pa. Maaga pa. Sabi ko kay Mamshie, mamayang alas nueve pa ako sunduin.”
Mabuti nga pinayagan siya. Deserved niya rin naman raw mag-break kahit isang oras. Tutal success ang dinner date with the Gambles. Hindi naghinala ang mga future in laws ni Paige.
“Sino naman kaya ‘yan?”
Nagkibit siya ng balikat. “Inilagay mo ba ang sign board na closed?”
“Oo naman, bhie!”
Nagkatinginan pa ulit sila ni Dylan bago ito tumayo at naglakad patungo sa pintuan para pagbuksan ang kung sino mang kumakatok.