Chapter 3

2918 Words
"Ano bang kailangan niyo sa akin?" Kunot ang noong tanong ni Blue habang pinaglilipat-lipat ang tingin sa dalawang taong nakaupo sa harapan niya. Kasalukuyang nasa loob sila ng limousine na nakapara sa tapat ng condominium niya. Sapilitang isinakay si Blue ng lalaking sumusunod sa kaniya and it revealed na isa pala itong gay na nagpakilalang si Mamshie Claudine. "Di ba, Madam! Kamukhang-kamukha niya talaga!" Anito sa katabing ginang. Sa itsura at pustura pa lang ng ginang na nakasuot ng pulang satin long sleeve gown, channel scarf na nakabalot sa ulo nito, at itim na christian louboutin, alam na kaagad ni Blue na may sinasasabi ito sa buhay. Inalis ng ginang ang suot na black oversized gentle monster glasses. At pinagmasdan si Blue mula ulo ang hanggang. Hinti inaalis ang tingin sa dalagang, nagsalita ito. "You're right. But we need to do a make over and train her." "Leave to me, Madam!" Anong bang pinag-uusap ng dalawang ito? "Sandali lang ho, ah? Hindi ko kasi kayo maintindihan," singit ni Blue na hindi maalis-alis ang pagtataka sa anyo. "Kapag hindi niyo ho ako pinababa sa sasakyang ito tatawag ako ng pulis at—" "Five hundred thousand kapalit ng pagpapanggap mo." Putol ng ginang sa sinasabi niya at inilabas ang isang check book. Nagsulat ito roon bago inilahad ang cheke sa kaniya. Kumurap si Blue ng dalawang beses bago kuhanin ang cheke mula rito. Namilog ang mata niya nang makitang ang halagang nakalagay doon. Sa perang 'yon mababayaran na niya ang kahalating halaga ng pinagkakautangan ng Ama! Hindi lang 'yon! Yung sobra pwede niyang ipamgawa ng second floor ng cake shop nila! Ang desperada naman niyang mag-isip. Kailangan pa rin niyang mag-ingat. Paano pala kung sindikato ang mga ito. Kailangan niya rin malaman muna ang buong detalye ng mga bagay na gusto nga nitong ipagawa kapalit ng ganito kalaking halaga. “Ibibigay ko ang kabuoang halaga pagkatapos ng misyon mo.” "Hindi ba ito prank lang?" May pagdududang tanong niya. Tumawa si Mamshie Claudine. "Oh, dear... hindi mo ba kilala ang kaharap mo?" Umiling si Blue. Hindi naman kasi ito nagpakilala man lang sa kaniya. "Sikat na artista noong kapanahunan niya si Madam!” Tili ni Mamshie Claudine. “At ngayon isang matagumpay na manager ng mga sikat na artista sa bansa at business woman! Let me introduce to you Clarita Santillan!” Santillan… is she related to… “You can en-cash the check tomorrow if you want. Or I can give it to you in cash tomorrow if your prefer cash.” Huminga ng malalim si Blue. Given na may katotohanan nga sinasabi nito. Pero anong catch? “Bakit kailangan kong magpanggap?“ “My daughter is missing for about a week now. Hindi maaring masira ang pangalan niya.” “Hindi maaring masira ang pangalan?” Kumunot ang noo ni blue. “Sino bang anak niyo?” Nagkatinginan si Clarita at Mamshie Claudine. Bago bumalik tingin ang ginang sa kaniya. “My daughter is Paige Santillan. And you’ll be her until she came back.” Napasinghap si Blueberly, magiging siya si Paige Santillan?! Ang sikat na sikat na artista! *** “O to the M to the G!” Bulalas ni Dylan na may kasama pang pamimilog ng mga mata nang magkita sa cake shop the next day. “Totoo ba ‘yan? Baka naman scam lang ‘yan!” “Totoo nga, Dy. Actually naideposit na sa bank account ko ‘yong kalahating bayad. Yung kabuoan ibibigay daw niya after ng misyon ko.” Tugon ni Carly na inilapag ang hawak na tray ng dalawang slice ng cake sa counter. “Diyos ko! Kaya pala ang balita sa entertainment news at articles na kumakalat sa social media, hindi raw sumisipot itong si Paige sa mga commitments! Ayon pala nawawala!” “Shhh!” Asik niya kay Dylan bago luminga sa paligid. Mabuti dalawa lang ang costumer nilang naka-dine in. Nasa bandang dulo pa kaya ‘di narinig ang malakas na boses nito. “Huwag ka ngang maingay diyan! Walang dapat na nakakaalam nito kundi ako, si Madam Clarita at Mashie Claudine lang! Kapag ito kumalat, lagot ka talaga sa akin!” Pinatirik nito ang mga mata at kinumpas ang kamay. “Okay fine! So, kailan ka raw ba magsisimula diyan sa mission impossible mo?” “Susunduin raw ako ni Mamshie Claudine…” napapabuntong hiningang sumandal si Blue sa counter top. “I need pack my things.” “Ano, teka! Bakit?” “Kailangan kong tumira sa unit ni Paige. And I don’t have any choice kundi iwan muna sa ‘yo ang pangangalaga rito sa shop. You can do that, right?” Umirap ito. “Duh… teh! Ako pa ba! Leave this to me!” Sabay nakangising nilibot ang tingin sa loob ng shop na tila may pumapasok na kung ano sa isip nito. Lihim na napangiwi si Blue. Hindi kayang gawin nitong gay bar ang shop nila! Ibinayad ni Blue ang perang galing kay Madam Clarita sa mga taong pinagkakautangan ng Ama. At upang hindi na siya guluhin ng mga ito nangako siyang ibibigay ang kulang sa lalong madaling panahon. Dalangin niyang sana lang ay bumalik si Paige bago dumating ang palugit na hininga niya sa mga ito. Tinapos ni Blue ang pag-eempaki ng mga gamit saka dinala sa salas ang maliit niyang maleta. Sinabi sa kaniya ni Mamshie Claudine na huwag na siyang magdala ng maraming damit, dahil simula sa mga susunod na araw— mamumuhay na siya bilang si Paige Santillan, isa sa pinaka-sikat at mayamang artista sa bansa. What does it feel like to be her? Iyon ang mga katanungang naglalaro sa isip ni Blue, nang marinig ang sunod-sunod na pagkatok sa pintuan. Sumilip muna siya sa peep hole bago iyon binuksan. Bumungad sa kaniya si Mamshie Claudine, kasama ang dalawang unipormadong lalaking na ipinakilala nitong mga trusted bodyguards ni Paige. “Ready na ba mga gamit mo, Neng?” Tumango si Blue. “Opo, Mamshie.” “Good. Naghihintay na si Madam sa ‘tin. Sige kunin niyo ang mga gamit niya.” Utos nito sa mga bodyguards. Kaagad na tumalima ang dalawa. Mayamaya lang ay sabay-sabay na nilang binabaybay ang daan patungo sa parking lot kung saan naghihintay ang isang itim na sasakyan. Clueless si Blueberly kung saan ba ang punta nila. Ang alam lang niya ay titira na siya sa tinitirhan ni Paige kung saan man ‘yon. Kaya napasinghap ang dalaga nang pumasok sa basement ng isang luxurious at sikat na condominium building ang sinasakyan nila. Pagkababa roon ay lumulan sila sa elevator kasama pa rin ang mga body guards. At nalula si Blue pagpasok sa nila sa loob ng unit ni Paige. Lahat ng kagamitan ay halatang mamahalin. Dominating ang kulay na puti kaya masarap sa mata. Mula sa nordic fabric sofa hanggang sa ibang mga furniture doon. Ang flar screen TV nakakabit sa salas ‘yong tipong ginagamit sa home cinema room na napapanood niya sa house tour ng mga celebrity. Kumikinang ang malalaking cystal ng chandelier sa kisame. Subalit pinaka-naamaze si Blue ay sa overlooking city view at manila bay mula sa salaming pader ng unit. Kung susumahin niya siguro ang halaga ng ganito kalaking unit plus ang kinatitirikan nito at floor ay aabutin ng thirty million! A luxurious life indeed! “Maupo ka muna Neng.” Sabi ni Mamshie Claudine bago sinenyasan ang dalawang guard na ilagay sa kwarto ang mga gamit niya. “Papunta na si Madam.” Nilibot ni Blue ang paningin bago ibinalik kay Mamshie Claudine nang ilapag sa harapan niya ang isang tray na may lamang teapot at tasa. “Ah… hindi ako umiinom ng tea.” “From now dapat masanay ka na. Si Paige ay regular na umiinom ng tea. Mahilig siya sa smoothie.” Umupo ito sa tabi niya at may iniabot na folder. “Nakalista diyan ang lahat ng mga dapat na malaman mo kay Paige. Mula sa paborito niyang pagkain, brand ng sapatos, at kung ano-ano pang maliliit at malalaking detalye sa buhay ng alaga ko.” Patango-tangong binuklat ‘yon ni Blueberly at gusto niyang mapangiwi nang mapagtantong milya ang layo ng ugali nila ni Paige. Nabasa niya kasi roon, that she loves to wear high heels and make ups. Hate na hate niya ang dalawang ‘yon! Minsan lang siya nag-heels pinaltos at halos matapilok pa siya. Napilit lang siya ng kaibigang si Dylan dahil opening ‘yon ng shop. And she never ever wear heels again. Tumaas ang tingin niya kay Mamshie Claudine. “If you don’t mind me asking… paano niyo nalaman ang tungkol sa akin? I mean, that we’re look-a-like?” “Hindi mo naalala? Nakita ka namin noong may event sa shop niyo. Yung cake na hawak mo ay tumapon sa sahig. Paige tried to help you but she was stunned like me.” Namilog ang mga mata ni Blue. “Right! I remember! Pero… wait, nasaan ba si Paige?” Bumuntong hininga si Mamshie Claudine. “Hindi namin alam..” “What do you mean—“ Natigilan siya nang dumating si Madam Clarita kasunod ang isang babae na mukhang PA nito dahil bitbit pa ang bag ng ginang saka dalawang unipormadong lalaki na mukhang bodyguard naman nito. “Good evening, Madam!” Tumayo si Mamshie Claudine at nilapitan si Madam Clarita. Naudlot ang aktong pag-beso nito sa ginang nang ilagay nito ang kamay sa harapan ng mukha ni Mamshie. “Alcohol.” Nagmamadaling inabot rito ng kasamang babae ang bote ng alcohol at in-spray yon sa mukha mismo ni Mamshie Claudine na ilang beses napaubo. “Madam! Grabe! Mukha ba akong germs!” Palatak nito. Nilampasan lang ito ni Madam at naupo sa kaharap na couch ni Blue. Nangingimi siyang tipid na ngumiti. “Good evening po—“ “From now on, you will call me Mommy. At tatawagin ka na rin namang Paige. Get use to it. Hindi pwedeng may makahalatang hindi ikaw ang anak ko. I don’t want any rumors and speculation sa mga press lalo na sa fans. Do you get it?” Mabilis na tumango si Blue. “Yes, Madam— este! Mommy!” “Good!” Nag-taas ito ng noo at binalingan ang mga naroon. “Mula ngayon, siya na si Paige! At ayokong lalabas ang usapan na ito. Naiintindihan niyo?“ “Opo, Madam!” Sabay-sabay na sagot ng mga ito. “Anyway, have you arrange for the hair dress, Claudine?” “Yes, Madam! Bukas na bukas rin ay papunta na siya rito! Kasama ang mag-ttrain kay Blue!” “Good!” Tumayo na si Madam at naglakad patungo sa pinto kasunod ang mga alalay nito. Subalit bago tuluyang umalis ay bumaling ulit ito sa kaniya. “I’ll see you soon, Paige.” Pinakawalan ni Blue ang pigil-pigil niyang hininga. Masyadong intimidating si Madam Clarita to the point na nakakatakot na. Hindi naman siguro siya ganito pagdating ka Paige ‘no? She must love her daughter so much, na handa nitong magbayad ng malaki para lang may magpanggap na ito at hindi masira ang pangalan. *** The next day nagising si Blue na maaliwalas ang pakiramdam niya. Surprisingly, hindi siya namahay. Nakatulog pa nga siya ng mahimbing! Para kasi siyang nasa five hotel! Lumabas siya ng silid suot ang paborito niyang pantulog na isang over sized shirt at dumiretso sa kitchen. Nalula siya pagbukas sa double door ref! Well organized iyon from meat, fresh veggies, fruits na nakalagay sa glass tubs, mga imported chocolates, yogurts at iba’t iba variety ng fruit juices! Kumuha si Blue ng yogurt. Atleast they have something in common. Mukha mahilig rin ang dalaga sa yogurt kaya mayroon niyon doon. Naupo siya sa bar stool ng kitchen island. Sarap na sarap pa siya sa pagkain ng yogurt habang nagtitipa ng mga habilin kay Dylan nang kamuntikan siyang malaglag sa upuan sa lakas ng tili ni Mamshie Claudine. “My gash! Bakit ganyan ang suot mo!!” “Bakit? Anong masama sa suot ko?” Bumaba pa ang tingin niya sa sarili. “Binigay ko na sayo ang listahan diba?! Satin night gown ang isinusuot ni Paige sa pagtulog! At sinabi ko sa ‘yong ang mga gamit at damit na niya ang gagamitin simula ngayon!” Bumaba ang tingin nito sa kinakain niya at maarteng napahilot sa sentido. “Hindi kumakain si Paige niyan! Freah fruits o ‘di kaya smoothie ang madalas agahan ni Paige pagkatapos niyang mag-work out!” “Eh, bakit pa may yogurt pa sa ref kung di naman pala niya kinakain?“ “Haist!” Iritadong sabi nito. “Bilisan mo na diyan. Mag-ready ka na dahil paparating na ang hair dresser na aayusin ang buhok mo!” Wala naman siyang magawa, isa siyang alipin ngayon! Kaya nga siya nagtayo ng business para hindi siya uutos-utusan ng magiging niya. ‘Yon rin pala ang ending niya! Mabilis na lang naligo si Blue saka pumili ng damit sa walk in closet ni Paige. Sa dami ng mga damit naka-hanger roon para siyang nasa mall. Simpleng puting halter neck dress na hanggang hita ang haba ang isinuot niya. Paglabas ay napatayo kaagad ang dalawang babae na nagpakilalang mga hair dresser ni Paige mula noong nagsisimula pa lang sa pag-aartista ang dalaga. Parehong welcoming at mabait si Dina at Dana na identical twins. Kabadong-kabado naman si Blueberly dahil walang kamalay-malay ang mga ito na hindi siya ang tunay na Paige. “Anong gustong hairstyle ni Madam para kay Paige, Mamshie?” Nakangiting tanong ni Dina kay Mamshie Claudine na hindi umaalis sa tabi nila. “She prefers it to be blonde again, beh. Gusto rin ni Madam na bawasan ang hair ni Paige at gawing wavy. You know, last role niya at kailangang itiman ang buhok at pahabain.” Nakahinga ng maluwag si Blue, kanina pa niya kasi iniisip kung ano kayang magiging palusot niya oras na magtanong ang dalawa bakit mahaba at itim na itim ang buhok niya gayong ang tunay na Paige ay may kulay at maikli. “Okay. Got it, Mamshie!” Sinimulan na siyang kulayan at gupitan ng dalawa. Makalipas ang ilang sandali, ipinakot ng mga ito ang inuupuan niyang vanity chair paharap sa salamin at namamanghang napatitig si Blue sa repleksyon niya sa salamin. Oh… my… freaking… ghost! She literally looked like Paige now! “Pretty!” Tili ni Dina. “But I preferred you with dark hair…” “Really…” hinaplos ni Blue ang buhok. Unang beses niyang magpagupit ng ganito kaikli na umabot sa ilalim ng tainga at magpakulay ng buhok. Maganda naman. Pero alam niyang hindi siya ito. “I preferred my dark hair too…” nasabi na niya bago pa mapigilan ang sarili. Kinakabahang sinulyapn niya si Dina na mukhang balewala naman dito ang sinabi niya. “Oh… well, kung anong gusto ni Madam ay dapat na masunod…” Kumunot ang noo ni Blue. Pero hindi na niya nagawang magtanong nang pumasok si Mamshie Claudine sa kinaroronan nilang make up room. Tumili ito at nagniningning ang mga matang kinuhanan siya ng litrato saka nagmamadaling tumipa sa cellphone. “Oh, approved daw ni Madam ang new hairdo mo! Thank you mga bakla!” “No worries, Mamshie!” Nagpaalam na rin kaagad ang dalawa. Pero hindi pa roon natatapos ang make over ni Blue nang dalhin naman siya ni Mamshie Claudine sa isang kilalang clinic na gumagawa ng mga contacts. Nagpagawa sila ng contact lens na nakabase sa tunay na kulay ng mata ni Paige na hazelnut. Kumuha na rin sila ng iba’t ibang uri at kulay ng contact lenses para hindi maghinala ang mga naroon. “Oh my gosh!” Tuwang-tuwang tili ni Mamshie pag-uwi nila at ikabit niya sa mata ang contact lens. “Sinong mag-aakalang hindi ka si Paige! Grabe! Kamukhang-kamukha mo na ang alaga ko!” Pinagmasdan ni Blue ang sarili sa salamin. “Yeah. We looked exactly the same…” manghang usal niya. Kung titigan nga lang mabuti marami pa rin silang pagkakaiba. Lalo kung wala siyang make up. Mas maputi rin ng de hamak si Paige. “Bukas ay pupunta naman tayo kay Dra De Guzman. At start na rin ng training mo! Kaya maghinga ka na!” Tumango si Blue. “Okay, Mamshie.” “And please, watch your diet, Dear! Nakita mo naman kung gaano kapayat si Paige! Pwedeng ihilera sa mga internationl model at koreans ang figure na usong-uso ngayon! O siya! Aalis na ako! See you tomorrow! Mag-beauty ka na!” Iyon lang at umalis na ito. Napabuntong hininga si Blue nang mapag-isa. Pagod na pagod rin siya sa maghapong agenda nila. Yon pa lang ang ginawa nila, ah? Paano pa kaya kapag nagsimula na siyang um-attend sa mga launch events at tapings? Ilang sandaling hinilot-hilot pa niya ang sentido bago naglakad patungo sa silid. Hinubad niya ang lahat ng saplot habang pinapakinggan sa teleponong nakadikit sa tainga ang pag-ri-ring sa kabilang linya. Tinatawag niya si Dylan para humingi ng update sa kaganapan sa shop today. Pero ang bruha kanina pa hindi sumasagot. “Ano bang nangyari sa baklang ‘yon?” Usal ni Blue nakatalikod sa nakabukas na pinto ng silid. “Hindi kaya ginawa na nun gay bar ang—“ napasinghap si Blue nang mula sa likuran ay bigla na lang yumakap sa kaniya. “Hey… why naked? Waiting for me?” Nanigas at nanlamig si Blue si nang simulan siyang halikan ng lalaki. And worst lamasin ang dibdib niya! Oh my god! Napasok ng rapist ang unit ni Paige!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD