Chapter 4

2521 Words
Pumihit si Blue paharap at ubod ng lakas na tinulak ang lalaki sa dibdib saka nagmamadaling dinampot ang hinubad na sa sahig. Ibinalabal niya ‘yon sa hubad na katawan. “Rapist! Rapist!” Nagsisigaw siya habang umaatras. “Hey! Hey!” Nakataas ang dalawang kamay na humakbang ito papalapit. Sa kakaatras ni Blue nasukol siya sa sulok ng silid. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya!paano napasok itong unit ni Paige! Bakit hindi siya in-inform ng front desk? “Huwag kang lalapit kung ayaw mong ihambalos ko to sa mukha mo!” Babala niya sabay kinuha ang lamp na nakapatong sa ibabaw ng side table. “Calm down…” Huminto ang lalaki isang hakbang ang layo sa kaniya. “It’s me, hon…” “Hon?” Inalis ng lalaki ang suot nitong itim na cap. Napaawang ng bahagya ang labi ni Blue habang nakatitig sa mukha nito. Hindi siya yung tipo ng babaeng, pinag-uukulan ng atensyon ang itsura ng isang tao. But this man… is quite… enticingly, handsome. Matangkad, maganda ang pangangatwan at meztiso. Clichè pakinggan pero maihahanay ito sa mga kilalang model at artista. Sino ba ‘to? Unti-unting namilog ang mata ni Blue nang rumehistro sa isipan niya ang mga flash entertainment news na napapanood niya minsan sa TV. The biggest producer and elusive bachelor in the country— Frost Gambles! Humakbang muli ang binata na halos wala nang pagitan sa katawan nila. At dahil nasukol na si Blue sa sulok ng silid, hindi na niya magawang umatras. Nanatili lang siyang parang na-engkantong pinagmamasdan ang lalaki. “Hon, are you okay?” Nag-aalalang tanong nitong hinawakan ang braso niya. Napapitlag si Blue nang magulat sa tila kuryenteng gumapang sa katawan niya kaya mabilis siya lumayo rito. Pinilit niyang hamigin ang sarili. “W-What are you doing here?” Bumuntong hininga ito. “I’ve been trying to call you these past few weeks pero hindi ka sumasagot. Ang sabi ni Tita Clarita, nasa out of town shoot ka. But when I called the management, ilang linggo ka na raw hindi nagpapakita sa taping.” Paliwanag nito na muling humakbang palapit. “May problema ka ba? I told you, you can talk to me…” Umiiling na umatras si Blue habang pinapagana ang isipan. “N-napagod lang ako sa sunod-sunod na project, you know? Burnt out… t-that’s why I take a break. But, I’m okay now…” Iyon na lang ang naisip niyang idahilan. Hindi naman kasi niya alam ang sasabihin! Wala sa mga listahan na things to remember na ibinigay sa kaniya ni Mamshie Claudine ang tungkol sa boyfriend na ‘to ni Paige! “Burnt out?” Nangunot ang noo nito. “Pero hindi ba, ikaw ang nagpumilit at nagsabing kaya mo pagsabay-sabayin ang mga project na offer sa ‘yo ng management? At hindi mo pa ginawa itong hindi magpakita sa taping ng walang pasabi…” “B-Biglaan lang rin kasi!” Maagap sagot ni Blue. “Hindi ko inaasahan na magtatagal ako sa bakasyon ko. Plano ko sana ilang araw lang. Napasarap ako sa panonood sa Netflix. Alam mo na, kailangan kong kumuha ng technique sa mga Kdrama.” Pinilit niyang tumawa habang kinukumpas ang kamay. “Anyway, kanina pa ako rito giniginaw…” Bumaba ang tingin nito sa kabuuan niya na tila noon lang na-realize na wala nga pala siyang damit. “G-Gusto ko na sana mag-freshen up…” nagkandautal na tugon niya. Pano kasing hindi siya mauutal, kung makatitig na kasi ito ay para siyang hinuhubaran kahit ang totoo literal na nakahubad na siya. “Oh…” patango-tangong pa usal ni Frost sabay tinaas-taas ang mga kilay sa pilyong paraan. “You want me to join you?” “Ha? Ano?!” Nag-iinit ang pisnging namilog ang pisngi ni Blue kasabay nang mabilis at sunod-sunod na pag-iling. “Ayoko!” “Ayaw mo?” Kunot noong ulit nito. Nagtataka sa ikinikilos ng nobya. “I mean… I prefer to be alone now. P-pagod kasi kami ni Mamshie sa mga agenda. P-Pwede bang sa susunod na lang…” Bumuntong hininga ito. “Okay. I’m tired too. Nag-alala lang talaga ako sa ‘yo kaya pinuntahan kita rito. I wanna spend the night here… kaso…” tumingin ito sa pambisig na relo. “May maaga akong meeting bukas.” Tsaka bumaling at lumapit sa kaniya. “I’ll see you, okay?” Marahang tumango si Blue. “O-Okay…” “I gotta go..” bumaba ang mukha nito at hinalikan siya sa gilid ng labi bago lumabas ng silid at umalis. Naiwang tulala at nakahawak sa hinalikan nito si Blue. Diyos ko po… Paano nga kaya kung sumabay ito pag-ligo niya sa susunod na pag-punta nito? May kung anong kakaibang kilabot ang dumaloy sa buong katawan ni Blue. Dapat na niyang papalitan ang lock ng unit! *** “Huwag mong pipilitin kung hindi mo talaga kayang ilabas ang emosyon dahil mararamdaman ‘yon ng mga manonood.” Tumango si Blueberly. “Okay po, coach.” “Just a piece of advise, palagi ko rin itong sinasabi kay Paige, sa tuwing heavy drama ang eksena. Humugot sa sarili mong karanasan. Ilagay mo na papaano kung ikaw nasa sitwasyong ‘yon. Huwag mo rin kakalimutan na mag-internalize. At bawat ginagampanan mong karakter isapuso mo.” Inilista ni Blue ang mga sinabi ng acting coach niya na si Roma. Ito rin ang acting coach ni Paige mula pa noon. At isa sa mga pinagkakatiwalaan ni Madam Clarita kaya tiwala itong sinabi sa babae ang sitwasyon niya. “Okay. That’s it for now. I’ll be back next week.“ Tumayo na si Blue para sana ihatid ang babae sa pintuan, pero lumabas ng kusina si Mamshie Claudine at na ang naghatid rito palabas. Pagbalik ng assistant, naupo ito sa tabi niya sa couch hawak ang ipad kung saan nakalagay ang everyday schedule niya. Lumipas na ang isang linggo mula nang tanggapin niyang magpanggap bilang Paige. As for now, hindi pa siya inihaharap sa media at isinasabak sa mga tapings bagay na pinagpapasalamat ni Blue. Para kasing kahit araw-araw at iba-iba ang training na ginagawa niya, hindi pa rin sigurado si Blue kung kakayanin ba niyang umarte at lalo na umaktong ibang tao sa harap ng camera at mga fans… Paano kung magkamali siya at mabuking sa mismong national television? Siya ang magiging mitsa sa pagkasira ng career ni Paige… “Paige!” Pumitik si Mamshie Claudine sa harapan ng mukha niya kaya natauhan si Blue. “Po, Mamshie?” “Lutang ka na naman, Neng. Hindi pwede ‘yan lalo na sa harapan ng mga press. Siguradong gagawan ka kaagad ng headlines.” Napailing ito. “Anyway, sa sababo naka-schedule kayo ni Madam in intimate dinner with the Gambles. Ang fiancè ni Paige.” Umayos ng upo si Blue at pumihit paharap kay Mamshie Claudine. “Matagal na ba si Frost at Paige, Mamshie?” Base sa pag-uusap nila ni Frost noong isang gabi— parang matagal na ang relasyon ng dalawa. The fact na, may sariling key card ang binata pati na ang intimacy na ipinakita nito. “Mula pa highschool magkakilala na ang dalawang ‘yan. Sa mga TV commercial pa lang lumalabas si Paige nun.” “Oh… ibig sabihin high school sweetheart pala sila? Ang tagal na nga nila kung ganon!” Namamanghang bulaslas ni Blue. Bibihira na ata ang mga ganoon katagal na relasyon! On the road to forever sabi nga nila. “Parang ganoon na nga. Pero hindi pa naman sila mag-jowa nun. Ang focus kasi ni Paige noong panahon na yon makakuha ng lead role. Itong si Frost naman, nagpunta ng America para mag-aral doon. Three years ago nang bumalik siya. At ayon na nga! Hindi na nila pinakawalan ang isa ‘t isa!” Kinikilig pang sabi ni Mamshie. “Oh… pang-movie pala ang love story nila. Kaya pala sobra rin i-ship ng mga fans ‘no?” “Oo kaya ikaw, Neng! Alam mo naman kung saan ka lulugar. Pansamantalang ikaw si Paige ngayon. Pero hindi mo siya mapapalitan. Kaya kahit gaano kabait at ka-gwapo si Frost, tandaan mong si Paige ang nakikita niya hindi ikaw. Gwardiyahan mo yang puso mo at pukelyas mo.” Kumunot ang noo ni Blue. “Alam ko naman ang dahilan bakit ako nandito, Mamshie. Kung wala namang atraso si Papa, malamang ay wala ako rito.” “Nagpapaalala lang ako, Neng. Anyway, bukas bibili tayo ng isusuot mo para sa dinner date. Naku! Galingan mo ang arte! Kundi masasabon tayo ni Madam kapag may nakahalata sa ‘yo!” Napangiwi si Blue. Lalong nadagdagan ang pressure nararamdaman niya. Hindi lang pala career ni Paige ang nakasalalay sa kaniya! Pati na ang love life! *** PAG-ALIS ni Mamshie Claudine tulalang nakatitig si Blue sa kisame nang tumunog ang cellphone niya sa ibabaw ng night table. Dinampot niya iyon at sinagot ang tumatawag na si Dylan. “Mamsh!” Tumitiling bungad nito. Nagsalubong ang kilay ni Blue. Alas sais pa lang ng hapon. Pero naririnig na niya sa background ang malakas na party music. Nasa bar na kaagad ang bruhang ‘to? Hanggang syete bukas ang shop nila! “Where on earth are you? I was calling you these past few days! Bakit hindi mo sinasagot!” Pasigaw na tanong niya para marinig nito. “Ano ka ba! Malamang busy ako sa shop na iniwan mo lang naman sa akin ang lahat ng responsibility!” Medyo tinamaan naman siya ng konsensya. Sa totoo lang miss na miss na niya ang shop nila. Miss na miss na rin niyang mag-bake at magluto ng masasarap na ulam! Sawang-sawa na siya sa fresh veggies at prutas. Pakiramdam nga ni Blue, malapit na siyang maging kambing. “Kung may choice lang ako, Dy. Alam mong di ko ipagkakatiwala yang shop sa ‘yo.” “Grabe! Para namang sinabi mo na wala kang tiwala sa managing skills ko!” “Slight lang naman.” “Bruha ka! Sarap sabunutan ng bulbol nito!” Natawa si Blue. Pero kaagad ring nawala ang ngiti sa labi niya nang iikot ang tingin sa tahimik na silid. Malaki nga ang bahay na ‘to. Magaganda ang gamit. But it’s still feels empty. “Oh, bakit natahimik ka diyan?” “Wala…” niyakap niya ang mga tuhod. “Sus! Ang sabihin mo, na-mi-miss mo lang ako!” “I missed being me. You know?” “Lumabas ka naman kasi diyan! Gusto mo sunduin kita diyan?” Umikot ang eyeballs niya. “Eh, kung may makakilala sa akin! Edi, ipinahamak ko pa si Paige!” “Madaling solusyonan niyan pinoproblema mo! Let me handle it!” “Huwag na—“ “Tsss! Shut up! Blueberly, deserve mo rin ang mag-day off ‘no! Baka mamaya makalimutan mo na ang tunay mong pagkatao sa sobrang pangangarir mong maging si Paige! Susunduin kita diyan sa ayaw at gusto mo!” Magsasalita pa lang sana si Blue pero ang dial tone na lang ang narinig niya. Nang subukan niya itong tawagan. Nagreply pa na on the way na raw ito. Inis siyang bumaba ng kama at napipilitang magbihis! Pahamak talaga ang baklang ‘yon! Saktong paglabas ni Blue sa dressing room, nag-chat ito na nasa ibaba na ng building. Dylan: di ako aalis rito hanggang wala ka! O kung gusto mo aakyat ako diyan! Para mag-viral at ma-link naman ako kay Paige! Iyon na ata ang time to shine to friend. Hahaha! Padabog na dinampot ni Blue ang shades at cap, isinuot iyon bago lumabas at bumaba ng building. “Alam mo kapag ako napahamak, ikaw ang pagbabayarin ko sa utang ni Papa!” Bulyaw niya rito pagpasok sa loob ng sasakyan nito. Winasiwas nito ang kamay. “Oo na! Oo na!” Tsaka may kinuhang kung ano sa back seat at ibinigay ‘yon sa kaniya. Niladlad ni Blue ang hawak. “Wig?” “Ay hindi teh! Ano ba sa tingin mo?!” Inirapan pa siya nito bago pinaandar ang sasakyan. “Just wear it and we’re gonna have the best night everrrr!” Nilingon ni Blue ang kaibigan at napailing habang isinusuot ang wig. Oh, well… everyone deserves a break. Kung si Paige nga panandaliang nagpahinga sa buhay nito. Ano pa kaya siyang, impostora lang? In-expect niyang sa gay bar siya dadalhin ng kaibigan pero sa isang high end bar sila napadpad. Sa totoo lang ‘yon ang unang beses na tumapak ang paa ni Blue sa loob ng isang club. Malakas ang upbeat music. Nagsasayaw ang mga tao sa dancefloor habang umiikot ang ibat iba neon disco lights. Naghahalo na ang amoy ng mga mamahaling pabango at vape. “Shot! Shot! Shot!” Tili ni Dylan nang iabot sa kaniya ang isang shot glass na may lamang tequila. Pinagbigyan naman niya ito at inisang lagok ‘yon. Halos masuka-suka siya sa lasa. “Ang pait naman niyan! Bat ganyan ang lasa niyan!” Tumawa pa ang bruha sa kaniya. “Ang OA mo, bi!” sabay sinalinan ulit ang baso niya. “Huy ayoko na! Hindi ako pwedeng maglasing! May lakad kami bukas ni Mamshie Claudine! At may dinner date rin ako!” “Jusko day! Nakakadalawang shot ka pa lang wag kang KJ! Loosen up naman, bie! Sa tinatagal-tagal nating magkaibigan ngayon mo nga lang ako pinagbigyan na lumabas tayo! Napilitan ka pa ata!” “Alam mo namang busy ako shop.” Totoo naman ‘yon. Buong oras niya roon na lang niya itinuon. Hindi naman siya kasi mahilig gumimik. Gastos lang. Dinutdot nito ang ilong niya. “Palusot mo! Hindi na bebenta sa akin! Alam mo..” Kinuha pa nito ang isang shot at sinalinan ‘yon. “Tutal hindi ko na naman alam kailan ka sasaniban at sasama ulit gumimik sa kin!Ngayon itodo mo na ito!” Anito sabay itinaas nito ang hawak na baso. “To our long lasting friendship!” Hindi napigilang mapangiti ni Blue sa huling tinuran nito. “Okay fine.” She raised her glass. “To our never ending friendship!” Pinagbunggo nila ang mga baso saka sabay na inisang lagok at nagtawanan ng malakas. Hindi namalayan ni Blue ang paglipas ng oras. Naramdaman na lang niyang tila, nangangapal ang kaniyang mukha. Literal na makapal dahil nang hatakin siya ni Dylan sa dancefloor, walang hiya-hiyang nagsayaw siya roon. “Shutangina mo, bi! Tatalunin mo ang mga akla sa mga moves mong ‘yan!” Inikot ni Blue ang puwet na parang bulateng inasinan. Ganito pala ang pakiramdam ng lasing! Ang saya-saya! Tawa lang siyang nang tawa kahit wala namang nakakatawa! Ang gaan-gaan sa feeling! So liberating! “Oh, pak! Sige kaldag! Ikot! To the left! To the right!” Pang-aasar ni Dylan habang sumasayaw siya sa dancefloor. But Blue was so careless. Wala na talaga siyang pakialam. She whipped her hair back and forth. Giling rito, giling roon. Hanggang sa biglang na lang may humapit sa beywang niya mula sa likuran. Kahit lasing, gumana ang protective instinct ni Blue. Namumungay ang mga matang pumihit siya paharap dito at sasampalin sana ito nang matigilan siya nang matitigan ang nagdidilim na mukha ng lalaki. “F-Frost?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD